Chapter 7

865 35 0
                                    

Sinusubukan ko kalimutan ang mga nangyari sa amin ni Mao noong isang araw dahil kinabukasan ay ang kasal niya.

Nagaayos ako ng mga gamit ko ngayon pero bago ang lahat ay pupuntahan ko na muna ang site na ginagawa namin.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Sarah sa akin.

"Sa impyerno. Sasama ka?" Walang gana kong sagot. Sumimangot naman ang kapatid ko sa akin kaya nilagpasan ko na lang siya at nilagay ko na ang mga gamit ko sa car truck.

"Blue." Napatingin ako sa tumawag sa akin. Si dad habang nakatayo sa doorframe. "Saan ka naman pupunta?"

"Magbabakasyon lang po muna ako, dad pero pupuntahan ko na muna ang site sa Bicol." Tumango lang sa akin si dad kaya sumakay na ako sa driver's seat.

More or less 12 hours ang biyahe ko papunta doon. Depende na rin siguro kung hindi traffic ang mga daanan na pupuntahan ko ngayon.

Kinabihan...

Inabot ako ng gabi bago nakarating sa bahay nila kuya Theo kaya pinarada ko na sa tapat ng bahay nila bago ako bumaba at nagdoorbell. Malaki itong biniling bahay ni kuya Theo dito ah.

Pagbukas ng gate nila ay nagulat si ate Nicole.

"Akala ko bukas ka makakarating dito." Sabi niya sa akin.

"Pinaaga ko na lang po alis sa Manila, ate. Para bukas ay matingnan ko na rin ang site na ginagawa."

"Pasok ka na sa loob, Blue." Alok sa akin ni ate Nicole kaya kinuha ko na ang mga gamit ko bago pumasok sa loob ng bahay nila. "Nasa kusina si Theo ngayon dahil nagluluto ng hapunan. Kumain ka na ba?"

"Yes po. May nadaanan akong kainan kanina." Nakita kong tumakbo papalapit sa akin sina Serena at Stefano. Ang kambal nina ate Nicole at kuya Theo. Ang isang anak nila na si Calyx ay siguradong tulog na siya.

"Uncle Blue!" Sabay nilang tawag sa akin.

"Ano ang matutulong ko sa inyong dalawa ngayon?"

"Wala po ba kaming pasalubong?" Natigilan ako sa tanong ni Serena.

Pasalubong? Galing ako sa Manila hindi sa ibang bansa.

"Biro lang po, uncle."

"Uncle, uncle..." Napatingin naman ako kay Stefano. "Laro po tayo. Marami po akong toys sa kwarto namin."

"Ako ang nauna kay uncle Blue."

"Ano ikaw? Ako kaya ang nauna."

"Ako!"

"Ako!"

Nagaaway na ang kambal dahil kung sino ang nauna sa akin.

"Daddy! Si Stefano, oh!" Sumbong ni Serena kay kuya Theo.

"Wala akong gingawa sayo! Sinasabi ko lang sayo, Serena ako ang nauna kay uncle Blue!"

"Tumigil na kayong dalawa. Alam niyo namang pagod ang uncle Blue sa haba ng biyahe." Tumingin naman sa akin si kuya Theo. "Kumain ka na ba, Blue?"

"Tapos na, kuya."

"Samahan kita sa guest room para makapagpahinga ka na." Tumango lang ako sa kanya at tinulungan na ako ni kuya Theo buhatin ang mga gamit ko papunta sa guest room.

"Uncle, dito po ba kayo magbabakasyon ngayon?" Tanong ni Stefano sa akin.

"Hindi naparito ang uncle Blue niyo para magbakasyon. Alam niyo iyon, diba?"

Ngumuso naman si Stefano sa sagot ni kuya Theo kaya umalis na silang lahat. Masaya siguro kung magkakaroon ka ng sarili mong anak, no? Pero alam ko maman malabo mangyari na magkakaroon ako ng sarili kong anak. Unang una wala akong girlfriend at ang huli wala akong balak naghanap ng ibang babae.

Mas okay siguro na tumandang binata.

Kinabukasan...

Maaga ako pumunta sa site para tingnan. Hindi pa nga gising sila kuya Theo noong umalis ako kanina.

"Nandito na po pala kayo, sir." Pagkakita sa aking ng isang worker.

"Yes. Kahapon lang ako dumating dito." Kumuha na ako ng isang hard hat para isuot. Pumunta sa loob ng site para tingnan ang trabaho nila.

"Musta naman ang kaganapan dito?" Tanong ko sa isang worker.

"Naging maayos naman po ang lahat, sir." Tumango ako sa kanya at tumuloy sa paglalakad.

May isang tao nakalikot sa akin ang nakatayo sa harapan ko ngayon. Isang babae na may kausap na architect. Sino naman kaya ito?

"Sir Blue, mabuti naman po nakarating kayo." Pagkakita sa akin ng babaeng architect. Humarap naman sa akin ang babaeng nakatalikod sa akin kanina pero laking gulat kong makita kung sino.

"Mao? Paano? Hindi ba dapat nasa honeymoon pa kayo?" Ngumiti lang siya sa akin at hinila ako palabas ng construction site.

"Hindi siya sumipot sa araw mismo ng kasal namin, Blue." Tumingin lang siya sa ibaba pero napansin kong nanginginig siya kaya niyakap ko si Mao.

"Ano ang nangyari?"

"Siguro hindi niya tanggap noong sinabi ko sa kanya na may problema ako."

"Huh? What do you mean?"

"First week ngayong buwan ay nagpatingin ako sa doctor and she said na hindi ako mabununtis. Kaya siguro noong sinabi ko iyon kay Vince ay nagbago ang isip niya."

She can't get pregnant. Ibig sabihin kahit may nangyari sa akin ay malabong magkaroong bunga because she has fertility issues.

"Ilang araw ka na dito, Mao?"

"Almost a week na rin ako rito. Hindi pa ako bumabalik ng Manila simula noon o baka next week ay baba--"

"No. Please, don't go." Napatintin lang siya sa akin na parang naguguluhan.

Pero kung aalis ulit siya ng bansa ay may isang tao na naman siyang iiwanan rito. Ang taong kayang tanggapin siya.

"Dahil hindi mo alam na may isang tao pa kayang tanggapin ka, Mao."

Masaya ako dahil hindi natuloy ang kasal nila pero naawa rin ako kay Mao. Kung makita ko ang lalaking iyon ay magdasal dasal na siya dahil hindi na siya sisikatan pa ng araw.

"Sino naman ang tat--"

"Me. Kaya kitang tanggapin, Mao dahil mahal kita. Mahal na mahal. Mahal kita higit pa sa kaibigan." Nakita kong naluluha si Mao. "Shit. May nasabi ba ako? Sorry."

"No. Masaya lang ako dahil mahal mo na rin ako."

"Kahit noon pa ay minahal na kita, Mao pero pinigilan ko lang. Ang sabi ko nga sayo ay hindi ko pipigilan ang pagpakasal mo. I respect your decision. Ganoon naman siguro ang gagawin kung mahal mo ang isang tao. Handa ka magsakripisyo para sa kanila. Basta makita lang masaya sila ay ayos na sa amin."

"Kainis ka. Kung sinabi mo lang sa akin sana noon na mahal mo ko ay sana hindi ko na lang tinuloy ang kasal namin ni Vince. Sana hindi ako nasasaktan ngayon." Pinahid ko na ang luha niya na kanina pang pumapatak. "Siguro ka bang mamahalin mo ko kahit hindi kita mabigyan ng anak?"

"Of course. Matagal na kitang pinangarap, Mao na makasama. Ngayon pa ba na inamin ko na sayo na mahal kita kaya hindi na kita papakawalan pang muli. Handa akong pakasalan ka kahit saang simbahan." Hinahaplos ko ang pisngi niya. "Pagbalik natin ng Manila ay maging handa ka."

"Bakit naman?"

"Liligawan kita kahit pumapayag ka ng maging girlfriend mo ay walang katapusan ang pagliligaw ko sayo."

5 Ways To Fall In Love With My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon