Chapter 18

824 29 0
                                    

Ilang araw na rin ng bumalik kami ni Blue sa Pilipinas. Siya ang nagbubuhat ng mga gamit namin hanggang makarating sa kwarto pero nagulat ako dahil may mga gamit na dito na pang baby.

"Ano ito? Kailan pa nagkaroon ng ganito dito?"

"I built this crib. Don't worry wala akong ginastos dito pero sorry kung walang kulay ang crib dahil hindi ko alam kung lalaki o babae ang anak natin."

Simulang bumalik ako ng Japan ay wala akong communication kay Blue kaya nga nagulat ako noong pumunta siya ng Japan.

"Ayos lang."

Kinuha sa akin ni Blue si Mei.

"Nagustuhan mo ba ang ginawa ni daddy para sayo, baby?" Isang ngiti lang ang binigay ni Mei sa kanya. As if naman maiintidihan siya ng anak namin, diba? Baby pa lang iyan. "Seems like she like the crib I made for her."

Kinabukasan...

Pagkamulat ko ay nawala na yung crib sa pwesto niya kahapon kaya kinusot ko na muna ang mata ko baka nagmamalik mata lang ako. Pagmulat mo ulit ay wala talaga doon ang crib.

Agad akong bumaba para alamin kay Blue. Hindi ko siya makita sa sala or even in the kitchen. Si Mei lang ang nandito habang nakia ko ang isang matandang babae na pinapainom si Mei ng gatas niya.

"Blue?"

"Yes, hon?" Rinig ko ang boses ni Blue mula sa labas kaya lumabas ako ng bahay. Nakita ko siya sa backyard ng bahay habang abala siya sa pagpipintura sa crib.

"Akala ko pa naman nawa---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil topless lang si Blue. Ang sexy niyang tingnan but at the same time ang dungis niya dahil ang daming pintura sa katawan at pisngi nito. Napatingin siya sa akin sabay ngiti.

"May kailangan ka sa akin?"

"W-Wala naman." Bakit ba ako nauutal sa harapan niya? Hindi naman ito ang unang beses nakita ko ang katawan niya ah. "Bakit mo naman pinipuntarahan iyang crib?"

"Para maganda siyang tingnan."

"Saan pala galing ang high chair sa kusina ngayon?"

"Nakita ko lang iyon noong isang araw. Mukhang gamit nila kuya Theo iyon kaya hiniram ko na muna. Meron naman sila doon para magamit ni Calyx." Sagot niya habang nagpupunas ng pawis niya. "I'm almost done here. Kumain ka na ng breakfast doon. May niluto akong omurice para sayo."

Napangiti ako when I heard the word of omurice. Talagang pinaglulutuan ako ni Blue ng paborito ko ah.

"How about you? Tapos ka na ba kumain?"

"Yup, I'm done. Samahan mo na lang sila Mei sa kusina."

Bumalik na ako sa loob para samahan na si Mei. Tahimik lang siya habang umiinom ng gatas niya.

"Good morning, baby." Hinaplos ko ang pisngi ni Mei bago umupo sa harap ng hapag. "Kain po tayo."

"Sige. Tapos na rin ako kumain, ma'am."

"Mao na lang po." Ngumiti ako sa kanya at nagsimula na kumain.

"Ako nga po pala si manang Carlota. Nagtatrabaho ako sa mansyon ng mga De Luca pero kinuha ako ni Blue."

"Gaano na po kayo katagal magtatrabaho sa pamilya nila?"

"Simulang sanggol pa lang sina Sarah at Blue ay doon na ako nagtatrabaho. Ako na rin ang nagalaga sa kambal."

Kambal? Ibig sabihin pala noon ay kambal sina Blue at Sarah. Hindi ko alam kambal pala sila.

"Kambal pala sina Blue at Sarah."

"Oo, hija. Kambal silang dalawa pero malaki ang paguugali nilang dalawa. Si Blue kasi ay madalas inaaway at inaasar si Sarah pero alam ko naman kahit hindi niya sabihin ay mahal na mahal niya ang kanyang kapatid. Si Sarah lang kasi ang kapatid nilang babae."

"Manang, magkwento pa po kayo tungkol kay Blue." Marami pa kasi hindi alam tungkol sa kanya. Bihira lang kasi magkwento si Blue tungkol sa kanya.

"Pasaway at makulit ang batang iyan sa ibang tao pero pagdating sa akin ay todo lambing. Kung ang akala ng ibang tao ay masungit si Blue ay doon sila nagkamali dahil sobrang pagaalala niya sa akin lalo na sa amin iba pang tauhan sa mansyon. Simulang nagpakasal kasi ang dalawa nilang kuya at madalas rin wala sa mansyon ang mga magulang nila kaya si Blue ang nagmamahala sa mansyon. Naalala ko pa noon ang sabi niya sila daw kinuha ng isang kliyente dahil sobrang laki daw noon. Kaya ayun, nilibre kami lahat ng pagkain."

Napangiti ako dahil may tinatago talagang kabaitan si Blue.

"May sinabi pa nga siya sa akin may nakilala daw siyang babae noong college."

"Ako po iyon, manang." Nakangiting sagot ko.

"Ikaw ba iyon, hija?"

"Yes po. Transferee pa lang po ako noon kaya wala ako masyadong kaibigan hanggang makita ko po si Blue magisa lang sa may garden kaya nilapitan ko siya." Nakita kong pumasok na sa loob si Blue at tuloy lang sa paglalakad. Ni hindi nga lumingon dito. Baka tapos na siya sa ginagawa niya at maliligo na.

"Kayo pa rin pala ang magkakatuluyan na dalawa." Ngumiti ako kay manang Carlota. "Nakikita ko kung gaano ka kamahal ni Blue. Kasi noong isang araw ay umuwi siya sa mansyon na umiiyak. Bihira ko lang kasi makitang umiyak ang batang iyon."

"Kailan po nangyari iyon?"

"Sa tingin ko 9 months ago na nangyari iyon."

Mga panahon na iniwanan ko si Blue dahil nasaktan ako ng sobra sobra. Gusto ko na muna lumayo sa kanya para makapagisip. Hindi ko naman akalain na tatagal ako sa Japan, dahil siguro sobrang miss ko na ang pamilya ko doon.

Pagkatapos kong kumain ay si manang Carlota na ang ang naghuhugas ng pinagkainan ko kaya pumanik na ako paakyat habang karga si Mei.

Nakita ko na ang pagbukas ng pinto sa banyo. Niluwa noon si Blue na tuwalya lang ang nakatakip sa ibaba niya.

"Salamat pala sa niluto mong omurice ah. Sobrang sarap talga." Ngumiti lang sa akin si Blue at pumunta na siya sa closet niya para kumuha ng damit niya.

Kumunot ang noo ko ng makita kong nagsusuot siya ng pang alis, hindi pang bahay.

"Saan ka pupunta?"

"May aasikasuhin lang ako sa trabaho at may kakausapin ring kliyente ngayon. Baka late na ako makakauwi mamaya kaya huwag mo na ako hintayin. Mauna na kayo ni Mei matulog." Lumapit sa akin si Blue sabay halik sa labi ko. "I love you, hon."

"I love you too. Ingat ka sa pagmamaneho mo ah."

5 Ways To Fall In Love With My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon