Blue's POV
Dahil busy kami nitong mga nakaraang araw ay wala pa ako napipiling design para sa business ni kuya Theo. Wala na akong ibang choice kaya ako na lang gagawa ng design kahit hindi naman ako architect.
It's been a month since she came to my life again. Pero ang masaklap ikakasal na siya ngayong buwan kaya ilang araw na hindi pumapasok si Mao dahil siguro inaasikaso nila ang kasal.
Half of me want to stop the wedding, but how? Hindi ba mali ang ideya ko kung gagawin ko iyon? Magiging masaya ba siya sa akin kapag ako ang nakatuluyan niya? But she loves me.
Oh damn it!
Ginulo ko ang aking buhok dahil sobrang frustrated na ako sa trabaho tapos dumagdag pa si Mao ngayon.
"Kuya, ayos ka lang?" Napatingin ako kay Sarah. Siya lang naman ang tumatawag sa aking kuya kahit kambal kami.
"Yes, of course." Sagot ko na lang sa kapatid ko.
Kahit si Sarah na lang ang natitirang kapatid ko rito ay hindi ko magawang kausapin siya dahil siguro hindi kami ganoon ka close. Kailangan ko yata ang tulong ni kuya Theo.
Sa amin apat na magkakapatid ay si kuya Theo lang ang close ko. Dahil mabait siyang kuya. Si kuya Red kasi masyadong mainitin ang ulo at nakakatakot lapitin.
Blue, isip. Isip!
Paano na lang pala kung ang fiance niya ang pinili niya? Should I say good bye?
"Alam mo na ba bukas na ang kasal ni Mao." Hindi ko na pinakinggan ang sinabi ni Sarah. Alam ko naman iyon. "Kuya, kung ako sayo ay sundin mo kung ano ang sinasabi ng puso mo."
"Ano ba alam mo sa isang relasyon, Sarah? Ni wala ka ngang nobyo."
"Eh, ang OOA niyo kasi. Kung hindi niyo lang naman tinatakot yung mga lalaki na kasama ko noon ay sana may nobyo na ako ngayon."
"Ewan ko."
"Pero promise, kuya. Follow your hear. Katulad nina kuya Theo at kuya Red ang mahal nila ang nakatuluyan nila dahil sinunod lang nila kung ano ang sinasabi ng kanilang puso. Masaya silang dalawa ngayon."
Napaisip ako bigla. Tama naman si Sarah dahil masaya na ngayon ang dalawa naming kapatid dahil ang mga kasama nila ngayon ay ang babaeng mahal nila.
"At heto pa magaling naman mag-advice mga single, no?"
"Whatever."
"Si Mao ba ang dahilan kaya ka nagkaka ganyan o may ibang babae?"
"Wala. Hindi rin si Mao. Trabaho lang kaya problemado ako ngayon." Tumingin ulit ako kay Sarah. "Pwede bang iwanan mo muna ako ngayon. Gusto ko makapagisa na muna at makapagisip na rin."
"Fine." Kibit balikat bago niya ako iniwanan rito sa may sala.
Nakatingala lang ako sa kisame dahil nawawalan na rin naman ako ng gana magtrabaho ngayong araw.
Alam ko bukas na ang kasal, kung siya ang pipiliin ni Mao. She chose her happiness. Kung hindi siya masaya sa lalaking iyon, bakit pa siya pumayag magpakasal?
"Tulala ka diyan." Napasulyap ako sa nagsalita at napaayos na rin ako ng upo.
"Kuya Theo. Kailan ka pa bumalik ng Manila?"
"Wala pang isang oras na bumalik ako rito."
"Ginagawa na namin ang pinapagawa mong kumpanya."
Dahil malaki ang kumpanya ay aabutin ng ilang taon iyon.
"Yes, sinabi na sa akin ni Nico na tumawag ka sa bahay para sabihin na ginagawa na yung kumpanya na pinapagawa ko." Umupo sa tabi ko si kuya Theo. "Bakit ka tulala kanina?"
"Wala naman. Nagiisip lang ako ng kung anu-anong bagay. Ang dami na kasi pumapasok sa isipan ko ngayon."
"Like what? Sorry kung masyado na ako pakialamero pero gusto ko lang tumulong sayo bilang kuya mo, Blue."
"Ayos lang." Huminga ako ng malalim bago magsalita muli. "Tandaan mo yung babae naging kaibigan ko noong college?"
"Yes. What about her? Ang sabi mo sa akin noon na bumalik na siya ng Japan."
"Bumalik na siya ng Pilipinas last month pa tapos nabalitaan kong ikakasal na siya ngayong buwan."
"Mahal mo ba siya kaya ka nagkaka ganyan ngayon?"
"Ang gulo, kuya." Napakamot ako ng ulo. "Sobrang gulo ng nangyayari sa akin. Ang tahimik kong buhay naging magulo ulit dahil bumalik siya sa buhay ko. She left me for 2 years tapos babalik siya. Sasabihin niyang mahal niya ako."
"Kung mahal ka niya, bakit pa siya magpapakasal sa ibang lalaki?"
"Siguro ayaw lang niya masaktan ang fiance niya. Okay na rin siguro ito para maging masaya na si Mao."
"Binata ka na talaga." Ginulo ni kuya Theo ang buhok ko.
"Bakit? Binata naman ako ah."
"Pero kung ako sayo ay sundin mo kung ano ang sinasabi nito." Sabay turo ni kuya Theo sa dibdib ko. Pareho sila ng sinabi ni Sarah kahit wala pa naman alam sa love life ang kapatid kong iyon.
"Paano kung sinundan ko ang sinasabi ng puso ko? Eh, ako lang ang magiging masaya sa amin."
"Akala ko ba mahal ka niya? Kung mahal ka niya ay magagawa rin niyang maging masaya kasama ka." Tumayo na si kuya Theo sa kinauupuan niya. "Tatawagan ko lang si Nico nakarating na ako rito."
Tumango lang ako kay kuya Theo bago pa siya lumabas ng bahay para tawagan si ate Nicole.
Tama ang sinabi ng dalawa kong kapatid. Kailangan kong sundin ang sinasabi ng puso ko.
Nagpasya na ako pumunta sa condominium ni Mao ngayon at sa tingin ko naman doon pa rin siya nakatira ngayon.
Pagkarating ko ay tuloy-tuloy lang ako parang dito ako nakatira ah. Pagkasakay ko ng elevator ay pinindot ko na ang palapag kung nasaan ang unit ni Mao.
Pagkarating ko sa palapag ay nakita kong may lumalabas na maraming kakabaihan sa unit ni Mao. Siguro mga bridesmaid ni Mao iyon para sa kasal niya na kaibigan rin siguro niya. Pagkaalis nilang lahat ay pumunta na ako sa tapat ng unit niya at kumatok sa pinto.
"May nakali-- Blue?" Nagulat pa siya pagkakita niya sa akin. "Ano ang ginagawa mo rito?"
"I really want to talk with you, Mao. Kahit ngayon lang bago ka ikasal. Payagan mo kong kausapin ka."
"Okay. Pasok ka loob." Niluwagan niya ang pinto para makapasok rin ako sa loob. Pagpasok ko ay ang linis ng unit niya parang hindi si Mao ito. I know her, tamad maglinis ng unit si Mao. "Ano ang gusto mong inumin? Tubig? Kape?"
"No, I'm fine." Nilibot ko ang buong unit niya. "You clean your unit ah?"
"Siyempre dahil aalis na rin naman ako rito. Kapag kinasal na kami ni Vince ay magkasama na kami sa ibang bahay."
"So, siya ang pinili mong makasama."
"What do you mean?"
"Ang sabi mo kasi noon sa akin ay mahal mo ko, Mao pero mukha siya ang pinili mo." Patango tango pa ako ng ulo. "Hindi naman ako naparito para pigilan ang kasal niyo. Sana maging masaya ka sa piling niya. At sana hindi ka niya saktan. Kapag sinaktan ka niya ay malalagot siya sa akin."
"Bumalik na ba ang kilala kong Blue noon?" Lumapit siya sa akin para yakapin ako at tumingala para tingnan ako. Hinawi ko ang buhok nakaharang sa mukha niya.
"Nandito lang naman lagi ang kaibigan mo, Mao. Inaamin ko nagalit ako sayo dahil hindi ka nagpaalam sa akin noon kasi nagmumukha akong tanga, pabalik balik rito sa condo mo para makausap ka. Iyon pala ay bumalik ka ng Japan na hindi nagpapaalam sa akin."
BINABASA MO ANG
5 Ways To Fall In Love With My Best Friend
RomanceDe Luca Series # 3 Blue is a bad boy in their school campus pero niisa ay walang gustong lumapit sa kanya until she met Mao Arata, a half Japanese. During his college he really had fun with his best friend but one day, nagbago ang lahat pati ang pak...