Nakatingin lang ako kay Blue dahil ang tahimik lang niya. Iniisip pa rin ba niya ang nangyari kanina?
"Huy..." Sinusundot ko ang tagiliran niya pero hindi tumalab. "Sorry na. Kung hindi mo ko papansinin aalis na lang kami."
Naiiyak ako dahil ayaw akong kausapin o kibuin ni Blue. Naiinis na rin ako at the same time.
Akmang paalis na ako para punatahan si Mei sa kwarto ay hinawakan ni Blue ang braso. Nakaramdam pa ako ng kuryente noong dumikit ang balat niya sa akin.
"I'm so scare to lose you and our kids. Alam mo naman iyon, Mao." Nilingon ko siya ng magsalita na siya. Kahit rin naman ako natatakot mawala siya pero naiinis talaga ako kay Blue minsan.
Napasinghap ako ng buhatin niya ako na parang bagong kasal lang kami.
"Blue! Ibaba mo ko! Mabigat ako."
"I don't care. And you are not heavy, hon." Narinig ko ang paglock ng pinto sa kwarto namin. Ano ang binabalak ng lalaking ito ah? Napalunok ako ng ilang beses bago niya ako binaba sa kama.
"Ano ang binabalak mo?"
"I'll punish you."
"Punish me? Hoy, Blue! Mapapahamak ang anak natin sa binabalak mo."
"Don't worry, I'll be gentle. Hindi ko siya ipapahamak."
Nang sinabi ng doctor na mahina ang kapit ng bata sa sinapupunan ko ay hindi ko alam ang gagawin ko. Kung paano ko sasabihin kay Blue ang lahat. Una sinabing hindi ako mabubuntis pero mali naman ang sinabi ng doctor na tumingin sa akin. I got pregnant. Tapos ngayon malalaman kong buntis ulit ako pero mahina ang kapit ng baby ko. Para tuloy ayaw ko na maniwala sa mga doctor. Ayaw ko naman kasi mawalan ng anak. Alam ko naman ito ang gusto ni Blue kahit hindi niya sabihin sa akin.
"Hey. Hon, why are you crying?" Bumalik ako sa katinuan ng marinig ko ang boses ni Blue.
"Huh?"
Umiiyak na ba ako? Hindi ko man lang namalayan tumutulo na pala ang luha ko.
"Umiiyak na. What's wrong? May masakit ba sayo?" May pagaalala sa boses niya ngayon.
"Ayos lang ako." Hindi ko kayang sabihin sa kanya kung ano ang iniisip ko ngayon. Nasasaktan ako kapag mawala ang anak namin.
Pero bakit ko ba iyon iniisip? Walang mangyayaring masama sa bata nasa sinapupunan ko.
Pinahid na ni Blue ang luha ko na kanina pang tumutulo at hinalikan niya ako sa noo pero nakaramdam ako sumasakit ang tyan ko.
"Aaaahh! Blue! Ang sakit!" Patuloy pa rin ang pagpatak ng luha ko.
"Shit. You're bleeding." Binuhat na ulit ako ni Blue at binuksan na ang pinto. "Manang!"
"Baki-- Diyos ko! Ano ang nangyari kay Mao?"
"Pakibukas po ng gate at dadalhin ko si Mao sa ospital." Utos ni Blue kay manang pero hindi ko na matiis ang sakit nararamdaman ko.
Baby, please kumapit ka lang kay mommy. Huwag kang bibitaw.
Tuloy pa rin ang pagpatak ng luha ko dahil sobrang sakit.
"Baby, huwag kang bibitaw sa mommy mo ah. Pupunta na tayo tayo ng ospital."
Nagising na ako nasa isang puting silid. Ano nangyari? Nasaan ako ngayon? Ang huling naalala ko dinala ako ni Blue sa ospital dahil sumakit ang tyan ko.
Yung baby ko!
Kinapa ko ang tyan ko pero wala akong maramdaman kaya tumulo na naman ang luha ko. Hindi ito pwede! Wala na yung baby sa sinapupunan ko.
BINABASA MO ANG
5 Ways To Fall In Love With My Best Friend
RomanceDe Luca Series # 3 Blue is a bad boy in their school campus pero niisa ay walang gustong lumapit sa kanya until she met Mao Arata, a half Japanese. During his college he really had fun with his best friend but one day, nagbago ang lahat pati ang pak...