Blue's POV
Ngayong araw ako uuwi ng Manila dahil may ginawa lang ako sa site nitong mga nakaraang araw. Miss ko na tuloy si Mao. Ilang araw ko na kasi siya hindi nakikita at nakakausap.
"Ano musta na? May kailangan pa bang gawin?" Tanong ko sa isang worker namin.
"Wala na po. Nandito na rin ang mga kailangan sa site." Tumango lang ako sa kanya bago sumakay sa kotse ko.
Kinabukasan...
Pagbalik ko ng Manila ay dumeretso akosa trabaho kahit wala pa akong tulog. Ang daming kailangan gawin sa trabaho. Binati ako ng guard pero katulad ng dati ay deretso lang ako hanggang makasakay sa elevator.
Pagkarating ko sa palapag ay inaasahan kong makikita ngayon si Mao. Excited na ako makasama siya muli. Pagpasok ko sa loob ay laking gulat ko na lang ng biglang nahimatay si Mao.
"Mao!" Tumakbo ako papunta sa kanya at sinusukan siyang gisingin. "Mao. Mao, gising!"
"Namumutla siya kanina. Sinabi ko sa kanya na magpatingin na muna siya sa doctor pero ayaw niya." Napatingin ako sa nagsalita pero binaling ko agad kay Mao.
"Tumawag kayo ng ambulansya. Ngayon din!"
Hindi mo magawang magmaneho ngayon dahil kinakabahan ako sa mangyari kay Mao ngayon.
"Engineer, may kliyente pa na pupuntahan si Mao."
Shit. Oo nga pala ngayon yung kliyente iyon. Importanteng kliyente ang kakausapin niya.
"Ako na ang bahala pumunta mamaya. Anong oras ba?"
"Ang sabi ni Mao ay mamayang lunch ang meeting."
Tumango ako at sakto ang pagdating ng ambulansya. Nilagay na nila si Mao sa stretcher.
Nang makarating na sa ospital, dinala nila si Mao sa ER pero kinausap ko ang isang doctor na dalhin siya sa isang private room.
Hindi pa siya nagigising simulang nahimatay siya kanina. Ang sabi naman ng doctor ay wala naman ikabahala dahil normal lahat sa kanya.
Tiningnan ko na ang relos ko at malapit na mag-lunch. Kailangan ako ni Mao sa tabi niya pero importante itong kliyente. Maiintidihan naman siguro ni Mao na wala ako pagkagising niya.
Pagdating ko sa isang restaurant ay kinausap ko ang isang waiter at dinala ako sa VIP room. Pagkabukas ng pinto ay may isang tao ang nakaupo kaya lumapit na ako sa kanya.
"Good afternoon, mr. Velasquez." Napatingin siya sa akin na seryoso. "I'm engr. Blue De Luca and on behalf of arch. Arata who can't come today.."
Sinabi na niya sa akin na kami ang pinili niya para sa project na ipapagawa imbes sa iba. Nagustuhan yata ng asawa niya yung mga designs na pinakita namin sa kanila noong isang araw.
Laking tuwa ko dahil malaki ang opportunity nito para sa amin lalo na sa akin.
Pagkatapos namin magusap ay nagpaalam na ako sa kanya dahil kailangan ko pang balikan si Mao ngayon. Baka nagkaroon na siya ng malay habang wala pa ako.
Pagkarating ko sa lobby ay nakita kong naglalakad si Mao.
"Musta ka na?" Nagaalala ako sa kalagayan niya ngayon. Baka may sakit siya na hindi ko alam kaya siya nahimatay kanina.
"Gusto ko ng umuwi."
"Okay. Hatid na kita sa bahay."
Habang nasa kalagitnaan ng biyahe ay napapansin kong tahimik ni Mao ngayon. Hindi ako sanay na ganito siya.
"Blue, bilihan mo ko ng pizza."
"Pizza?" Napalingon ako. Kaya naman pala gusto kumain dahil may nadaanan pala kaming pizza parlor. Kaya pinarada ko sa tabi ang sasakyan ko. "Anong pizza ang gusto mo?"
"Any flavor. Ikaw na bahala pumili pero gusto ko imbes tomato sauce ay ang gusto ko ay white sauce."
"White sauce? May ganoon ba?" Lumaki ako ng Italy pero wala pa ako nakikitang pizza na white sauce ang ginamit. Ang nakikita ko ay tomato sauce ang ginagawa sa pizza. Hindi na niya ako sinagot pang muli. May mali ngayon kay Mao. "Oh sige. Hintayin mo na lang ako rito ah."
Habang nasa loob ng pizza parlor ay nagiisip ako ang bibilihin ko.
Alam ko na dahil mahilig si Mao sa pinya kaya hawaiian pizza na lang ang bibilihin ko.
"Good afternoon, sir."
"Isang hawaiian pizza. Um, white sauce kayo na ginagamit sa pizza imbes tamato sauce?"
"Sorry, sir pero tomato sauce lahat na ginagmit namin sa mga pizza namin."
"Ganoon? Sige, cancel my order." Lumabas na ako ng parlor na wala man lang nabiling pizza. Pagkasakay ko ay nakatingin sa akin si Mao.
"Nasaan yung pizza ko?"
"Wala daw silang white sauce. Lahat ng pizza nila ay tomato sauce ang gingamit." Sumimangot siya sa akin. May mali talaga kay Mao. Hindi siya ganito, eh. Hindi kaya... Imposible dahil alam kong malabong mabuntis si Mao. Kahit ganoon ay siya ang babaeng gusto ko
Makasama hanggang sa pagtanda namin. "Bakit ka nga pala naghahanap ng white sauce sa pizza? Ang alam ko naman sa simula pa lang ay tomato sauce na ang ginagamit sa pizza."Hindi siya umimik pang muli kaya kumunot ang noo sa kanya. She's acting si weird.
"Imposible naman ang iniisip ko, no?"
"Na ano?" Kunot noo niyang tanong sa akin.
"Malabong buntis ka dahil may fertility issue ka."
"Paano kung sabihin ko sayo na nagkamali ang doctor nagtingin sa akin noon? May posibilidad na mabuntis ako."
"What do you mean?" Kumunot ulit ang noo. Mali ang sinabi ng doctor nagtingin sa kanya noon? Shit. Sana nga totoo ito.
"May posibilidad akong mabuntis. At nakumpirmang nagdadalang tao ako ngayon."
"What?! Are you sure?" Tumango siya bilang kasagutan. "Oh gosh. Shit! I can't believe this. Magkakaroon pa rin tayo ng anak."
"Kahit rin naman ako. Hindi rin ako makapaniwala pero noong malaman kong buntis ako ay hindi ko alam ang gagawin ko."
"Thank you, Mao. Thank you so much." Hinalikan ko siya sa labi dahil sobrang saya ko ngayon. Binigyan ako ng anak ni Mao. "Sagutin mo na ako."
"Oo, magkakaroon na tayo ng anak kaya sinasagot na kita." Nakangiting sagot nito.
"Pangako magiging mabuting ama ako sa magiging anak natin." Hinalikan ko muli siya sa labi. "I love you. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Sobra sobra na ang saya ko. I love you so much, Mao."
Kahit kailan ay hindi ako magsasawang magsasabi ng I love you kay Mao dahil sa simula pa lang ay siya na ang babaeng minahal ko.
"I love you too."
BINABASA MO ANG
5 Ways To Fall In Love With My Best Friend
RomanceDe Luca Series # 3 Blue is a bad boy in their school campus pero niisa ay walang gustong lumapit sa kanya until she met Mao Arata, a half Japanese. During his college he really had fun with his best friend but one day, nagbago ang lahat pati ang pak...