Chapter 11

831 30 0
                                    

Sobrang nitonv mga nakaraang araw at napapadalas ang punta ni Blue sa site habang ako naman ang  bahala rito sa trabaho namin sa Manila.

"Mao, hindi ba may kliyente pa tayo kailangan kausapin ngayon para project kung tayo ba ang pipiliin niyang gagawa." Napakurap ko ng ilang beses dahil nawala sa isip ko ang tungkol sa kliyente na iyon. Importante rin sa amin ang kliyenteng ito.

"Yes, mamayang lunch pa naman iyon." Nakangiting sagot ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin at bumalik sa ginagawa niya.

Biglang sumama ang pakiramdam ko ngayon. Okay naman ako kanina habang nasa bahay ako at papunta rito.

Baka naman sobrang pagod ko kaya ako sumama ang pakiramdam ko.

"Mao." Napaangat ako ng tingin sa tumawag sa akin. "Oh my! Ayos ka lang ba?"

"Oo naman. Ayos lang ako. Bakit?"

"Namumutla ka, girl." Kumunot ang noo ko. Ako? Namumutla? "Magpatingin ka kaya sa doctor o magpahinga ka."

"Ayos lang ako. Mamaya mawawala na rin ito." Tumayo na ako sa kinauupuan ko para pumunta sa banyo pero natumba ako ng biglang umikot ang paningin ko.

"Mao!" Nakarinig ako ng isang familiar na boses bago nawalan ng malay.

Nagising ako nasa ospital na pala ako.

Ano nangyari?

Ang naalala ko lang ay bigla ako nahimatay kanina. Shit. Yung kliyente!

Nilibot ko ang paningin ko pero wala akong kasama rito sa kwarto. Sino naman kaya ang nagdala sa akin dito?

May narinig akong kumatok, agad naman binuksan ang pinto. Isang doctor ang pumasok.

"Good afternoon, ms. Arata." Bati sa akin ng doctor.

"Doc, ano po ang nangyari sa akin at kung bakit ako nahimatay kanina? Ayos naman ako kaninang umaga bago ako pumasok sa trabaho."

"Habang wala ka pang malay kanina ay kinuhanan ka namin ng dugo at ayon sa resulta ay wala naman problema. Normal lahat."

"So, ano po ang nangyari sa akin kung normal naman pala?"

"Magtatanong sana ako sayo ng ilang katanungan." Natahimik na lang ako bago tumango. "Mga nitong nakaraan ba ay nakakaramdam ka ng pagkahilo?"

"Hindi po. Kanina lang ako nakaramdam ng pagkahilo. Ang sabi ng isa kong kasamahan ay namumutla daw ako kanina."

Pero ayos na ang pakiramdam ko dahil hindi na umiikot ang paningin ko. Baka pagod lang talaga.

"Pagsusuka?" Kumunot ang noo ko sa sunod na tanong sa akin ng doctor.

"Kaninang umaga. Baka may nakain lang ako o nasobrahan ka kain kaya ako sumuka kanina. Deretsuhin niyo na po ako, doc."

"May posibilidad na buntis ka, ms. Arata."

"Huh?! Imposible iyan dahil nagpatingin ako dati at ang sabi may fertility issue ako. Kaya malabo akong mabuntis. Nagkamali lang siguro kayo."

"We're already double check at pare-pareho lang ang resulta."

"Paano nangyari iyon?"

"Pwede rin nagkamali ang doctor nagcheck out sayo." Tumango na lang ako at napayuko. May posibilidad pala akong mabuntis. At may chansang may bunga ang nangyari sa amin ni Blue. Alam ko naman si Blue ang posibilidad na ama nito.

Paano ko sasabihin sa kanya? Ang alam kasi niya na hindi ko siya mabibigyan ng anak. At napagusapan na namin iyon ni Blue noon. He's happy with me kahit hindi kami magkaroon ng ank.

"You better have to come with me to my clinic para macheck up na rin kita." Tumayo na ko sa pagkaupo sa kama at may pumasok na nurse na may tulak na wheelchair.

Pinaupo ako sa wheelchair at pumunta na kami sa clinic ng doctor na kausap ko kanina.

Pagdating namin sa clinic niya ay pinahiga niya ako sa kama at may nilagay siya na kung ano sa may tyan ko na sobrang lamig. Napatingin ako sa monitor. May nakikita nga talaga ako. Totoo ngang nagdadalang tao ako ngayon. May buhay sa sinapupunan ko.

Pagkatapos akong i-check up ng doctor ay binigyan niya ako ng reseta ng vitamins at kumain daw ako ng gulay at prutas.

Habang naglalakad ako sa lobby ay nakita ko naman papasok si Blue.

"Musta ka na?" May pagaalala sa boses niya ngayon. Si Blue siguro ang magdala sa akin rito. Pero paano siya nakarating agad?

"Gusto ko ng umuwi."

"Okay. Hatid na kita sa bahay."

Tahimik lang ako habang nasa biyahe. Nakatingin lang sa labas mg bintana. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Blue.

Anak niya naman ito.

"Okay na pala yung kliyente natin kanina. Ako na ang kumausap sa kanya."

Tumingin naman ako kay Blue na seryoso nakatingin sa daanan.

"Ano nangyari?"

"Tayo ang napili niya na gagawa sa project." Tumango lang ako bago tumingin ulit sa labas ng bintana. "Hindi ka ba masaya?"

"Masaya."

"May problema ba, Mao?"

"Wala naman. Bakit?"

"Ang tahimik mo kasi ngayon. Hindi ka ganyan dati, eh."

Bigla ako ginahan na may nadaanan kami ng pizza parlor para tuloy ako nagtatakam kumain ng pizza ngayon.

"Blue, bili mo ko ng pizza."

"Pizza?" Hininto niya ang sasakyan sa isang tabi. Mabuti na lang hindi pa kami nakakalayo sa pizza parlor. "Anong pizza ang gusto mo?"

"Any flavor. Ikaw na bahala pumili pero gusto ko imbes tomato sauce ay ang gusto ko ay white sauce."

"White sauce? May ganoon ba?" Hindi na ako umimik pang muli kay Blue. "Oh sige. Hintayin mo na lang ako rito ah."

Habang naghihintay ay nilabas ko na muna ang cellphone ko para hindi mabagot sa kakahintay kay Blue.  Nagpatugtog na rin ng music

Nakita ko na si Blue bumabalik at sumakay na sa driver's seat pero wala siyang dalang pizza.

"Nasaan yung pizza ko?"

"Wala daw silang white sauce. Lahat ng pizza nila ay tomato sauce ang gingamit." Sumimangot ako sa kanya. "Bakit ka na nga pala naghahanap ng white sauce sa pizza? Ang alam ko naman sa simula pa lang ay tomato sauce na ang ginagamit sa pizza."

Hindi na ako umimik pa pero naiilang ako dahil nakatitig lang sa akin si Blue.

"Imposible naman ang iniisip ko, no?"

"Na ano?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Malabong buntis ka dahil may fertility issue ka."

"Paano kung sabihin ko sayo na nagkamali ang doctor nagtingin sa akin noon? May posibilidad na mabuntis ako."

"What do you mean?" Siya naman ngayon kumunot ang kilay.

"May posibilidad akong mabuntis. At nakumpirmang nagdadalang tao ako ngayon."

"What?! Are you sure?" Tumango ako sa kanya sa kanya. "Oh gosh. Shit! I can't believe this. Magkakaroon pa rin tayo ng anak."

"Kahit rin naman ako. Hindi rin ako makapaniwala pero noong malaman kong buntis ako ay hindi ko alam ang gagawin ko."

"Thank you, Mao. Thank you so much." Binigyan niya ako ng isang smack kiss sa labi. "Sagutin mo na ako."

"Oo, magkakaroon na tayo ng anak kaya sinasagot na kita." Nakangiting sagot ko sa kanya.

"Pangako magiging mabuting ama ako sa magiging anak natin." Hinalikan niya muli ako sa labi. "I love you. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Sobra sobra na ang saya ko. I love you so much, Mao."

Napangiti ako dahil hindi nakakasawa marinig ang I love you kapag si Blue ang nagsasabi sa akin.

"I love you too."

5 Ways To Fall In Love With My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon