Pagkabalik namin ni Mao ng Manila ay nagsimula na rin ako mangligaw sa kanya. Madalas rin niya akong kasama kung gusto niya mamasyal. Para tuloy girlfriend ko siya nito.
"Hindi ka pa ba napapagod? Halos malibot na natin ang buong mall."
"Hindi pa naman ako pagod. Bakit pagod ka na ba?" Tumingin siya sa akin kaya mabilis ako umiling.
"Pero gutom na ako. Kain naman tayo. My treat."
Pumunta na kami ni Mao sa isang restaurant dito sa mall. Ang mga putahe rito ay iba't ibang klaseng pagkain. May Italian, Chinese, French etc. pero hindi siya buffet..
"Paano mo nalaman ang restaurant na ito?" Tanong ni Mao sa akin pagkaupo namin sa bakatanteng table.
"Dahil sikat ang kainan na ito dito sa mall at saka ang pagkaalam ko ay dito rin nagtatrabaho dati ang asawa ni kuya Red."
"May asawa na siya? Ang akala ko si kuya Theo lang ang may asawa sa inyong magkapatid."
"Mas naunang nagpakasal si kuya Red kaysa kay kuya Theo."
"Kayong dalawa na lang pala ni Sarah ang wala pang asawa."
"Pero magkakaroon na ako ng girlfriend. Soon." Proud kong sabi.
"Talaga lang ah. Hindi pa kita sinasagot, Blue."
Sumimangot ako at binalik ang tingin sa menu booklet para mamili ng makakain. Ang daming masarap na pagkain.
May lumapit na waiter para kunin ang order namin ni Mao pero napapansin akong pinoportahan yata nito si Mao.
Tumikhim ako para malaman niyang nandito ako at may kasama iyan.
"Hindi ba oras ng trabaho niyo ngayon? Siguro naman hindi ka binabayaran ng may ari ng restaurant na ito para pumormahan ang customer niyong babae."
"Sorry, sir."
"Sorry? Nakakabastos ang ginawa mo, eh. Nakikita mo namang may kasama ito tapos lumalandi ka sa kanya. I want to talk with your manager."
"Sir, huwag po."
"No, I want to talk with yout manager." Nauubos ang pasensya naman kasi. Sayang naman ang pagiging sikat nitong restaurant kung may walang kwentang empleyado rito.
"Blue, tama na iyan." Awat sa akin ni Mao.
May nakita akong lumalapit sa table namin. Siguro siya ang manager nakaduty ngayon.
"May problema po ba?"
"Pagsabihan mo iyang waiter dahil oras ng trabaho ay nilalandi ang kasama ko."
"Sorry, sir. Kakausapin ko na lang po siya."
"No, I changed my mind. I want to get fired."
"Sir, please---"
"Manahimik ka, Tony. Ako rin ang mapapahamak nang dahil sayo." Yumuko na lang ang waiter sa likod ng manager. "Ako na po ako humihingi ng paumanhin sa ginawa niya, sir."
"Siguro naman kilala niyo ko, diba?"
"Yes po. Isa sa mga VIP customer namin ang mga De Luca, sir."
"Sa susunod na pupunta kami rito ay ayaw ko na makita ang mukha ng waiter na iyan."
"Okay po. Sorry po ulit." Tumingin na siya sa waiter. "Naka ilan ka na sa akin ah. Last warning mo na ito. Kapag may nagreklamo pa talaga ewan ko na sayo. Bahala ka na."
Iyon na lang ang huling narinig ko bago pa sila umalis sa table namin.
"Bakit mo pa kasi pinatulan? Kawawa naman yung tao, Blue."
"Ang kinaiinisan ko ay napaka bastos dahil alam naman niyang may kasama ka tapos lumalandi siya sayo. Tsk."
"Wala pa nga pero mukhang seloso ka."
"Ang ayaw ko sa lahat ay katulad ng ginawa niya. Kung ako ang may ari ng restaurant na ito ay hindi na ako magbibigay ng warning na iyan. Tanggal na sila sa trabaho at problema na nila kung saan sila maghahanap ng bagong trabaho ngayon."
"Ganyan ba talaga ang mga De Luca, Blue? Walang patawad sa mga empleyado, basta basta na lang kayo nagtatanggap ng empleyado kahit simpleng mali lang."
"Hindi naman lahat dahil hindi naman ganoon si kuya Theo sa mga empleyado niya. Si kuya Red siguro."
"Ganoon ka rin naman. Wala kang pakialam kung may umalis na engineer o architect sa team natin. Kaya tingnan mo ang onti na lang ng tauhan natin sa site."
Hindi ko na lang pinansin si Mao dahil alam ko naman kung saan makakarating itong topic namin. Ayaw ko magaway kaming dalawa. Wala pa nga pero nagaaway na kami agad.
"Sorry na. Naiinis lang talaga ako kanina."
"Okay, pinapatawad na kita pero huwag na huwag mo na uulitin ang nangyari kanina."
Tumango lang ako sa kanya.
May waitress ang lumapit sa amin at nilapag na niya ang mga inorder namin ni Mao kaya nagsimula na kaming kumain.
"Wala ka pa rin talaga pinagbago, Blue. Matakaw ka pa rin."
"Food is life." Sagot ko bago sumubo ng kanin na may sweet n' sour pork pero nilagay ko sa plato niya ang pinya.
"Hanggang ngayon pa ba ayaw mo pa rin ng pinya." I grinned bago tinuloy ang pagkain.
"You know me, Mao. Hindi ako mahilig sa pinya baka dumami mata ko."
"Subukan mo kaya kumain. Ang sarap kaya ng pinya." Nilagyan niya ako ng isang pirasong pinya sa plato ko. Tinusok ko iyon ng tinidor bago sinubo sa bibig ko. Wala na rin naman ako magagawa. "Masarap, diba?"
"Yeah." Kumain na ulit ako.
Pagkatapos kumain ay sobrang busog dahil ang dami kong kinain ngayon para bang ilang taon hindi kumain sa katawakan.
"Paano na itong mga natira natin?"
"Take out na lang natin tapos iuwi sa bahay."
Speaking of bahay naibenta pala ni Mao ang unit niya kaya wala na siyang matutuluyan kaya kinausap ko si kuya Theo at doon na muna si Mao nakatira ngayon.
Nagpasya na rin si Mao na umuwi dahil gusto na daw niyang magpahinga kaya ito nagmamaneho ako ng sasakyan ko habang tahimik lang nakaupo sa tabi ko si Mao.
"May problema ba?" Biglang tanong ko kasi naman ang tahimik niya.
"Wala naman. Bakit mo naman naitanong kung may problema?"
"Kasi naman ang tahimik mo ngayon. Kaya natanong ko kung may problema ba."
"Ahh... May naiisip lang ako."
"Ano naman iyon?" Napatingin ako sa kanya noong naipit kami sa traffic.
"Bakit ka pumayag? I mean kahit alam mo na malabo kita mabibigyan ng anak pero pumayag ka pa rin na makasama ako."
"Tama na siguro ang dalawang taon na hindi kita kasama. At saka sinabi ko na rin naman sayo na mahal kita at hindi ako magsasawang mahalin ka kahit hindi mo ko mabigyan ng anak." Tumingin ulit ako sa kanya. "At kahit ikaw lang ang kasama ko ay masaya na ako."
BINABASA MO ANG
5 Ways To Fall In Love With My Best Friend
RomanceDe Luca Series # 3 Blue is a bad boy in their school campus pero niisa ay walang gustong lumapit sa kanya until she met Mao Arata, a half Japanese. During his college he really had fun with his best friend but one day, nagbago ang lahat pati ang pak...