Chapter 25

862 22 0
                                    

Nakangiti ako because she said yes. Mao said yes. Ikakasal na rin ako sa babaeng mahal ko. Sawakas!

"Hindi ko inaasahan na mangyayari ito, Blue." Tumingin ako kay Mao na ngayo'y nasa tabi ko na siya.

"Hindi ko nga rin pinagisipan ang gagawin ko. But more importante ang umoo ka."

"Bakit naman ako hihindi? Unang una, pumunta ka pa ng Japan noon para lang kausapin ang mga magulang ko. Nag-effort ka pa talaga."

"Of course. Nasa plano ko na talaga ang kausapin sila pero wala akong alam kung saan kayo nakatira. Hindi ko kasi natanong sayo noon. Mabuti na lang ay nakita kita naglalakad."

"Bumibili kasi ako ng gatas ni Mei noong araw na iyon."

Naalala ko pa rin nga iyon. Ang unang beses nakilala ko ang anak namin.

"Pagbalik natin sa Manila ay aasikasuhin na natin ang kasal." Tumango naman sa akin ni Mao.

Biglang may ideya na lumabas sa isipan ko ngayon. I need to talk with her parents. Surprise para kay Mao sa araw mismo ng kasal namin.

"Pahinga na tayo at bukas papasyal tayo kasama si Mei."

Kinabukasan...

Tinitingnan ko lang si Mao habang natutulog siya ng mahimbing. Ang amo ng mukha niya.

I'm the luckiest man because I have you, Mao.

Hinalikan ko siya sa labi bago bumangon. Pumunta na muna ako sa banyo para maghilamos ng mukha bago bumaba patungong kusina.

"Magandang umaga sayo, hijo." Bati ni manang habang pinapainom niya ng gatas si Mei.

"Good morning, manang." Nakangiting bati ko sa kanya.

"Congrats nga pala sa inyo ni Mao dahil ikakasal na kayo."

"Salamat po."

"Oh siya. Kumain ka na muna. May nakahanda na ng makakain niyong dalawa sa kusina."

Hinalikan ko na muna ang maliit na pisngi ni Mei bago dumeretso sa kusina at kumain.

Pagkatapos kumain ay naliligo na ako para makapagpasyal na kami nila Mao dito.

Nang matapos na ako maligo ay tinutuyo ko na ang buhok ko at naghanap na rin ng masusuot. Habang nagbibihis ay may narinig akong nagbukas ng pinto.

"Hon, ligo ka na para makapagpasyal na tayo mamaya."

"Sige. Wait lang." Lumabas na ulit si Mao. Sumunod na rin ako si fiancee ko at nakita kong kinuha niya si Mei kay manang.

"Saan mo dadalhin si Mei?"

"Sabay kami maliligo na dalawa." Nakangiting sabi niya at tumango na lang ako sa kanya. May bathtub naman sa banyo kaya hindi mahihirapan si Mao paliguan si Mei.

"Saan kayo pupunta, hijo?" Tanong ni manang sa akin.

"Papasyal lang po kami. Si mang Delfin na lang po ang isasama namin."

Ang dami na namin pinuntahan rito sa Baguio. Makikita talaga sa mukha ni Mao ang saya. At ako naman hindi naman ito ang unang beses kong pumunta rito. Noong maliit pa ako ay nakarating na dito pero hindi pa ako familiar rito sa mga lugar. Baka maligaw pa kami. Maliligaw kami pero makakauwi naman kami sa bahay.

"Kuhanan niyo po kami ng picture." Binigay ni Mao ang kanyang cellphone kay mang Delfin at tumabi sa amin si Mao.

"Ready na kayo."

Ngumiti na kami sa camera at pagkatapos ay binalik na ni mang Delfin ang cellphone kay Mao.

"Salamat po."

----

Nakabalik na kami sa Manila nakalipas ng ilang araw. Naging abala ako sa trabaho pero mas inuuna kong asikasuhin ang kasal namin ni Mao. Ngayon araw nga si manang Carlota ang sinama niya sa pagpili ng wedding gown kaya ito ako ngayon, magisa lang sa bahay habang nagaalaga kay Mei. Kahit pa paano ay marunong na ako magalaga ng bata.

"Ngayon tayong dalawa lang ang nandito, baby. You and your daddy." Hinahalik halikan ko pa ang pisngi ni Mei. Bumingisngis naman ng bungisngis ang anak ko. "Mukhang gusto mo makasama si daddy."

Wala kaming ginawa ni Mei kundi ang maglaro habang hinihintay sina Mao at manang Carlota pero nakaramdam na ako ng antok.

Iiglip na muna siguro ako habang wala pa sila.

Humiga na ako sa kama at nilagay ko sa ibabaw si Mei. Mukhang inaantok na rin ang anak ko kaya iiglip na muna kaming dalawa habang wala pa ang mommy.

Kinapa ko ang ibabaw ko pero wala ako makapa kaya namulat ako at bumangon. Kinakabahan ako bigla dahil wala rito si Mei.

"Mei?"

Imposible naman naglakad na iyon. Wala pa ngang isang taon ang anak namin ni Mao.

Nakarinig ako pagbukas ng pinto at nakita ko si Mao habang karga si Mei. Nakahinga ako ng maluwag dahil ang akala ko nawala na si Mei.

"Ang akala ko pa naman nawala na ang anak natin. Kinabahan ako doon."

"Sorry. Kinuha ko siya kanina habang tulog ka at hindi na kita ginising dahil mukhang pagod ka sa pagalaga kay Mei kanina."

"It's okay. Ang importante hindi nawala si Mei sa atin." Tumayo na ako sa pagkaupo ko sa kama para tingnan si Mei. Natutulog ang anak namin. "May napili ka na bang wedding gown sa boutique ni Sarah?"

"Wala, eh but she suggested na siya na lang ang bahala sa design ng wedding gown. I let her to do it dahil may tiwala naman ako sa kapatid mo."

"I'm sure babagay sayo ang gagawing wedding gown ni Sarah para sayo."

"How about you? Hindi ka pa ba magsusukat ng tuxedo mo?"

"Maybe tomorrow. Magsusukat na ako ng tuxedo."

Tinawag na kami ni manang para kumain ng hapunan. Hindi ko nga namalayan na gabi na pala.

Pagkatapos namin kumain ay pinatulog na ni Mao ang anak namin at lumabas na rin ako ng banyo dahil naligo ako. Nakita ko si Mao nakahiga na sa kama kaya tumabi na ako sa kanya.

"Mukhang pag--" Hindi natapos ang sasabihin ko pero mas kinagulat ko ang sinabi niya sa akin.

"Blue, I'm ready to carry our second baby."

"You sure?" Tumango lang sa akin si Mao. "Pero hindi naman ako nagmamadali, hon. Maybe we should do it during our honeymoon."

"May honeymoon? Paano si Mei kapag wala tayo?"

"Sa mansyon na muna sila ni manang para makasama naman niya ang lolo't lola pati ang auntie Sarah niya."

Ayaw kong sabihin kay Mao na uuwi ang mga magulang niya galing Japan bago ang kasal namin. Ayaw ko kasi masira ang surpresa ko para sa kanya.

"I love you so much, hon."

Hindi talaga ako magsasawang sabihin kay Mao iyon hanggang sa pagtanda namin ay palagi niya iyon maririnig mula sa akin.

"I love you too."

Hinalikan ko siya sa labi pero isang smack lang dahil alam kong napago si Mao kanina.

"Pahinga na tayo dahil alam kong pagod ka kanina." Sinunod naman ako ni Mao kaya kinuha ko na ang comforter at humiga na rin sa tabi niya.

~~~

Last 2 chapters. Matatapos na rin sawakas. Ang sakit sa braincell 😂

5 Ways To Fall In Love With My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon