Chapter 13

872 42 0
                                    

Hi sa mga silent reader... Paramdam naman kayo kahit vote lang. 😊

~~~

I'm taking my leave kaya nandito ako ngayon sa bahay namin. Mamaya kasi pupuntahan ko si Mao pero kailangan kong sabihin sa pamilya ko na malapit na ako magkaroon ng anak.

Habang nasa loob ako ng kwarto ko ay tinitingnan ko ang kopya ng ultrasound ni Mao at napangiti ako. She is a 4 weeks and 5 days pregnant.

Kumunot ang noo ko ng may humablot sa kamay ko ang kopya ng ultrasound. Napaangat ako ng tingin. Bakit hindi ko naramdaman ang pagpasok niya sa kwarto ko?

"Kopya ito ng ultrasound ah. Sino ang nabuntis mo, kuya?"

"Si Mao."

"What?! Hindi ba kasal na siya?"

"Hindi natuloy ang kasal niya noon dahil iniwanan siya sa altar. Ang akala kasi siya hindi niya mabibigyan ng anak ang dating fiance, iyon pala ay hindi totoo ang sinabi ng doctor na tumingin sa kanya."

"Kawawa naman pala si Mao but I like her for you."

I know Sarah. Siya yung tao na marunong mangilala ng ibang tao nasa paligid niya. She knew Bianca is a wicked witch pero wala sa amin naniniwala sa kanya noon. Mabait kasi siya sa pamilya namin pero noong dumating si ate Tiffany sa buhay ni kuya Red ay nagbago na si Bianca. And I think Sarah was right. Naniniwala na ako sa kakambal ko simula noon.

"Magkakaroon na pala ako ng pamangkin sa side mo." Binalik na niya sa akin ang kopya ng ultrasound. "Ako kaya kailan?"

"Hindi ka pa pwede."

"At bakit naman?"

"Dadaanan na muna sa amin tatlo kung sino iyang lalaki na maglalakas loob lumapit sayo."

"Iyan ang hirap sa inyo. Wala may gustong lumapit sa akin dahil bantay sarado kayong lahat sa akin."

"Exactly. Kahit hindi tayo ganoon close sa isa't isa ay ayaw lang namin makita kang umiiyak dahil sa isang lalaki. Kung papaiyakin ka nila ay papaiyakin rin namin sila. You're our princess, Sarah. Remember that."

"Oo na." Ngumuso pa ang kakambal ko. "Anyway, kung yayain mo na si Mao magpakasal sayo ay ang gusto ko ako mismo gagawa ng wedding gown niya ah. Sabihin mo, kuya Blue."

"Sige. Ikaw ang kukunin naming fahion designer."

"Thank you! Bibigyan ko kayo ng discount." Napangiti ako bigla dahil hindi naman nagbibigay ng discount si Sarah kahit sa regular customer nila. Si Sarah at ang dalawang kaibigan niya ang may ari ng boutique na pinagtatrabahuan nila. "Wala ka pa bang balak magpropose? I mean bago sana---"

"I know what you mean. May balak naman ako magpropose sa kanya pero masyado pa kami busy sa site na pinapagawa ni kuya Theo."

"Gaano pa ba katagal iyang pinapagawa sayo kuya T?"

"Aabutin pa ito ng 2-3 years."

"What?! Ang tagal naman. Magpropose ka na kasi kahit hindi pa tapos ang site. Maiintindihan naman ni kuya T kung delay ng ilang araw paggawa ng kumpanya niya. Maganda kung bago pa dumating ang anak niyo ay kasal na kayo ni Mao."

"Sino ang ikakasal?" Napatingin kami pareho ni Sarah sa may pinto ng kwarto ko. Si daddy ang nagtanong sa amin.

"Si kuya Blue ang tanungin niyo, dy."

"Bakit, Blue? May balak kang magpakasal na hindi namin alam?"

"No, dad. Sasabihin ko rin naman po sa inyong lahat pero wala pa sa schedule ko kung kailan."

5 Ways To Fall In Love With My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon