Chapter 21

891 37 0
                                    

Nakatulog ngayong hapon si Mao kaya ako na muna ang nagaalaga kay Mei ngayon habang si manang naman ay nag-grocery dahil wala na daw kaming stock sa kusina. Masaya ako dahil magkakaroon na ulit kami ng anak. Magiging daddy na ulit ako.

"Hi, baby Mei. Ako na muna ang kasama mo ngayon habang tulog ang mommy mo." Sabi ko sa anak namin. Tuwang tuwa naman si Mei habang nilalaro ko siya. Noong unang beses ko nakilala si Mei ay kilala niya na ako ang daddy niya. Hinalik-halikan ko pa ang pisngi niya. She has a chubby cheeks.

Nataranta ako ng biglang umiyak si Mei. Kanina lang ay bungisngis siya ng bungisngis tapos ngayon umiiyak na.

"What's wrong? May masakit ba, baby?" Hindi ko alam ang gagawin ko. Shit. Tulog pa naman si Mao at ayaw ko siyang gisingin. Baka sa sofa ako matutulog nito kapag inisturbo ko siya. Si manang naman ay hindi pa nakakauwi galing grocery.

May narinig akong nag-doorbell. Sumabay pa ang nag-doorbell na iyon. Bwesit. I have no choice but to open the gate. Si kuya Rocco ang taong nag-doorbell kasama ang anak niyang si Daisy.

"Daddy, the baby is crying." Sabi ni Daisy.

"Ano nangyari, Blue? Bakit umiiyak ang anak niyo?"

"H-Hindi ko po alam. Bigla na lang umiyak si Mei."

Kinuha sa akin ni kuya Rocco ang anak ko. Talagang marunong siyang magalaga ng baby. Sabagay may anak na siya pero I never seen his wife.

"Hush... Stop crying. Baka naman nagugutom na siya." Tumingin naman sa akin si kuya Rocco. "Ikaw lang ba magisa? Nasaan si Mao?"

"Natutulog si Mao. Ayaw ko naman siya gisingin. Si manang naman ay hindi pa nakakauwi."

"Anong ingay naririnig ko?" Lumingon ako sa likuran when I saw my girlfriend. Kumukusot  siya ng mata niya.

"Hon..." Mababaliw na ako. Hindi ko kayang magalaga ng isang bata.

"What's wrong?"

"Umiiyak kasi itong anak niyo. Mukhang gutom na siya." Sabi naman ni kuya Rocco.

"Sorry sa isturbo, kuya Rocco." Kinuha na ni Mao ang anak namin.

"No, it's okay. Nabobored na rin kasi itong si Daisy sa bahay kaya napadaan na lang kami rito."

"Sorry, hon. First time ko magalaga ng bata." Napakamot ako ng ulo.

"Ang lakas ng loob mo mag-presenta na ikaw ang magaalaga kay Mei tapos hindi ka naman pala marunong. Paano naman yung isa nating anak?"

"Buntis ka ulit, Mao?" Hindi makapaniwalang tanong ni kuya Rocco at narinig ko siyang tumawa ng mahin. "Tibay mo, Blue. Hindi pa malaki ang anak niyo nasundan agad."

"Magaling kasi ako, kuya Rocs." Sagot ko. Pinalo naman ako ni Mao sa braso bago siya umalis para painumin ng gatas si Mei. Tumingin naman ako kay Daisy ngayon. "Sorry kung hindi pa pwede makipaglaro si Mei sayo kasi baby pa siya."

"Okay po, uncle Blue. Sa park na lang po ako maglalaro baka makita ko si ms. Pretty doon." Kumunot ang noo ko. Sino naman kaya ang tinutukoy ni Daisy na ms. Pretty?

"Sorry about that. Hindi ko pa kasi nakilala ang tinatawag niyang ms. Pretty. Sa tuwing pumupunta ako ng park ay wala siya roon. At mukhang gustong gusto ng anak ko ang ms. Pretty na iyon."

"Mabait po siya at sobrang ganda, daddy. That's why I'm calling her ms. Pretty because she's pretty and I don't know her name." Binaling naman ni Daisy ang tingin niya sa akin. "Para nga po siyang model, uncle Blue. Gusto ko paglaki ko maging katulad niya."

"You look more pretty when you're grown up, Daisy. I'm sure of that."

"Siyempre, anak ko iyan."

Natawa ma lang ako sinagot ni kuya Rocco bago pa sila nagpaalam sa akin. Pinuntahan ko naman si Mao sa kusina.

"Ano ang pinaguusapan niyo ni kuya Rocco?"

"About doon sa nakilala ni Daisy na ms. Pretty daw."

"Sino naman iyon?"

"I don't know. She doesn't know that woman's name kaya tinawag ng bata na ms. Pretty." Tumabi na ako kay Mao habang hinahaplos ang pisngi ni Mei. Abala siya sa paginom ng gatas niya. "Gutom ka lang pala. Tinakot mo ang daddy mo kanina."

Nakatingin lang sa akin lang sa akin si Mei as if naman maiintindihan niya ang sinasabi ko sa kanya.

"Blue, I want to get married habang hindi pa malaki ang tyan ko." Tumingin ako kay Mao. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil wala pa akong nabiling singsing para sa engagement namin. Baka bukas bibili na ako ng singsing.

"We will get married. I promise." Hinalikan ko siya sa pisngi.

Nakita ko na ang paguwi ni manang galing grocery kaya tinulungan ko na siya magbuhat sa mga pinamili.

"Ano nangyari rito habang wala ako?" Tanong ni manang sa amin.

"Nagutom po si Mei kanina but Blue doesn't know what to do. Kung hindi ko lang po narinig ang pagiyak ni Mei." Sagot naman ni Mao kay manang.

"Ikaw talaga, hijo."

"Manang, I'm so scared earlier. Hindi ko alam ang gagawin ko sa biglang pagiyak ni Mei."

"May dalawang dahilan kung bakit umiiyak ang isang baby, Blue. Gugutom na sila o marumi na ang kanilang diaper."

"Ganoon po ba?" Tumango sa akin si manang habang inaayos na niya ang mga pinamili niya kanina.

"Malalaman mo naman kung gutom sila o hindi."

Maraming alam si manang Carlota dahil may mga anak siya sa probinsya pero kailangan daw nila ng pera kaya nagtrabaho siya sa amin at hindi na niya maiwanan ang pamilya namin. Tumanda na siya na kami ang kasama niya imbes ang pamilya niya pero pinapayagan naman siya nila mommy na magbakasyon kung kailangan. Siya ang kinuha kong magalaga kay Mei dahil may tiwala ako kay manang Carlota. Siya rin ang nagalaga sa amin ni Sarah. Siya na kasi ang tumayong pangalawang ina namin habang wala sila mommy sa bahay. Madalas kasi sila out of the country hanggang ngayon pa rin naman. Pero kung may okasyon ay sa mansyon naman gaganapin.

Nang pinatulog na ni Mao ang anak namin ay binalik na niya sa crib si Mei.

"Sorry talaga, hon. Nagising ka pa tuloy dahil sa pagiyak ni Mei kanina."

"It's okay. Hindi mo pa naman kasi alam kung ano ang gagawin." Hinawakan ni Mao ang pisngi pero nakabusangot pa rin ako. "Huwag ka na sumimangot, Blue. Papanget ka niyan. Sige ka baka mghanap ako ng iba."

"Don't you dare. Papatay ako kung sino ang lumapit sayo na lalaki." Nandilim ang paningin ko at nagtiim na rin ang bagang ko sa inis.

"Heto naman. Hindi ka na mabiro." Naramdaman ko ang pagdikit ng labi niya sa labi ko. She started to kiss me and I responsed.

5 Ways To Fall In Love With My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon