Chapter 22

887 31 0
                                    

Mao's POV

Pagkagising ko kinaumagahan ay wala sa tabi ko si Blue baka gising na siya dahil alam kong maaga palagi nagigising si Blue para ipaghanda ako ng agahan namin pero minsan si manang Carlota ang nagluluto.

Bumangon na ako sa kama para pumunta sa banyo at naghilamos ng mukha.

Lumabas na rin ako pagkatapo at kinuha ko si Mei sa crib niya baka kasi nagugutom na ang anak ko. Bumaba na ako para ipagtimpla ng gatas si Mei. Pagdating ko sa kusina ay si manang Carlota lang ang rao.

"Good morning po, manang." Nilingon ako ni manang at binalik niya ang kanyang tingin sa niluluto.

"Magandang umaga, hija."

Lumapit ako kay manang habang karga pa rin si Mei at kinuha ko ang bote at gatas niya gamit ang libre kong kamay. Tinulungan ako ni manang mgtimpla ng gatas ni Mei.

"Si Blue po pala?" Tanong ko habang pinapainom ang anak ko ng gatas.

"Maagang umalis ang batang iyon kanina. Hindi ba niya sinabi sayo kahapon?"

"Wala po siyang sinabi sa akin. Baka po may sinabi siya kung saan siya pupunta."

"Pasensya na, hija pero walang sinabi sa akin si Blue kung saan siya pupunta."

Isa lang tuloy ang iniisip ko na pwedeng puntahan ni Blue. It's either work or site.

"Kain ka na, hija. Ako na muna ang bahala kay Mei." Binigay ko na si Mei kay manang pero hindi pa siya tapos uminom ng gatas.

Tiningnan ko ang mga niluto ni manang pero itlog lang talaga ang ayaw kong kainin kaya walang itlog rito sa mesa.

Pagkatapos ko kumain ay nanood na ako ng tv dahil sobrang bored na ako rito sa bahay. Sinubukan ko rin tawagan si Blue pero unattend ang cellphone niya.

Nagkaroon tuloy ako ng kakaibang kutob baka may ibang babae na ang lalaking iyon.

Mabilis akong umiling. Ano ba itong iniisip ko? Hindi gagawin ni Blue iyon dahil mahal niya kami ng mga anak niya. He is the reason why I am here.

Kung hindi dahil pumunta si Blue sa Japan noon ay hindi na ako babalik ng Pilipinas. Wala na kasi akong balak bumalik rito.

Nagulat na ako ng biglang may tumawag sa phone ko. Galing kay Blue kaya agad ko iyon sinabi.

"Nasaan ka ngayon? Pagkagising ko kanina ay wala ka rito. May iba ka na, no?"

"Hon, relax. Makakasama sa baby natin kung masyado ka magiisip ng ikakapahamak niyong dalawa. Wala akong ibang babae. Kaya ako umalis ng maaga kanina dahil biglaan ang pagpunta ko sa mansyon."

"Bakit hindi kita matawagan kanina?"

"Sorry. Hindi ko namalayan lowbat pala ako. Nanghirap pa ako ng charger kay Sarah."

"Umuwi ka na, please. Miss na miss na kita, Blue."

"Okay. Paalam lang ako sa kanila na uuwi na rin ako."

"Magiingat ka. I love you."

"I love you too."

Binaba na niya ang tawagan kaya binalik ko na ang tingin ko sa tv. Palipat lipat nga ako ng channel dahil wala akong mapanood ng mganda. Pinatay ko na lang tv dahil wala naman magandang palabas.

"Manang, punta lang po ako ng park." Paalam ko kay manang Carlota.

"Sige, hija. Magiingat ka lang."

Lumabas na ako sa bahay namin. Ang pagkaalam ko ay may malapit na park rito. Doon na lang siguro ako pupunta.

Pagdating ko sa park ay ang daming bata naglalaro. Kasama nila ang mga yaya nila pero may isang bata ang umagaw ng atenyon dahil magisa lang siya. Teka–

Si Daisy ba iyon? Ang anak ni kuya Rocco. Nagpasya akong lumapit sa kanya.

"Hello, Daisy." Lumingon sa akin yung bata at ngumiti pagkakita sa akin.

"Aunt Mao, bakit po nandito kayo?"

"Bored na ako sa bahay kaya pumasyal na lang ako rito. Ikaw? Bakit hindi ka nakipag play sa ibang bata?"

"They don't want to join with them dahil wala daw po ko mommy." Malungkot na sabi ni Daisy sa akin.

"Where's your mommy?"

"Noong pinanganak po ako ay doon namatay ang mommy ko. Kaya ayaw rin ni daddy mag-celebrate ng birthday ko."

Kawawang bata kaya pala palagi ko nakikita magpakasama sina Daisy at kuya Rocco pero ang asawa nito hindi pa. Matagal na pa lang patay ang mommy ni Daisy.

"Kung bibigyan ng pagkakataon na magkaroon ka ng step mom, sino ang gusto mo?"

"Si ms. Pretty po."

"Ms. Pretty? Sino iyon?" Nagkibit balikat lang ang bata sa akin.

"Hindi ko po kasi alam real name niya kaya tinawag ko siyang ms. Pretty. Sobrang ganda po kasi niya at mukhang model." Patango tango lang ako sa bata.

Masayang kausap si Daisy hanggang sa dumating na sa park ang kangang daddy.

"Oh. Hey, nandito ka rin pala, Mao." Ngumiti lang ako kay kuya Rocco. "Hindi mo yata kasama si Blue."

"Nasa mansyon po kasi siya ngayon pero hindi ko lang alam kung nakaauwi na siya."

"Gusto mo sumabay ka na sa amin ni Daisy umuwi? Delikado kasi ang magisa lang umuwi."

"Thank you."

Sumabay na ako sa kanila maglakad pauwi sa bahay. Tutal malapit lang naman dito ang bahay namin.

Huminto na kami sa paglalakad nang nandito na kami sa tapat ng bahay.

"Salamat po ulit."

"Wala iyon. Sige, uuwi na rin kami. Mukhang napagod na si Daisy kanina." Nagpaalam na rin si kuya Rocco sa akin kaya pumasok na ako sa loob.

"Saan ka galing?" Bungad sa akin ni Blue. Nakauwi na pala siya.

"Sa park. Nagpaalam naman ako kay manang na pupunta doon."

"Tinatawagan kita ng ilang beses pero niisa ay hindi ka sumasagot tapos malaman kong iniwanan mo rito ang cellphone mo. Mao naman. Wala ako sa tabi mo. Paano kung may mangyari sayo na hindi ko man lang alam?"

"I'm fine, Blue. Wala naman nangyari sa akin dahil kasama ko naman sina kuya Rocco at Daisy pauwi."

"Maswerte ka dahil ang park na pinuntahan mo ay palagi doon maglalaro ang anak ni kuya Rocs. Paano kung hindi?"

Hindi na ako sumagot pang muli dahil alam ko naman nagaalala lang si Blue sa akin lalo na't buntis ako.

"Inaalala ko lang kayong dalawa ni baby, Mao. Hindi ko alam ang gawin ko kung ano ang mang-- Mmmph..." Hindi ko tinapos ang sasabihin ni Blue dahil hinalikan ko siya sa labi niya.

"Sorry na. Hindi na mauulit."

"Talagang hindi na mauulit ang nangyari kanina."

~~~~~

I have good news. If you read the story of Sarah and Rocco ay makilala niyo ang mga kaibigan nila doon.

Pinagiisipan ko kasi kung gagawan ko ng sariling story sina Jessa x Zion or Eunice x Kurt. But it's not a series story, tutal hanggang kay Sarah lang naman ang De Luca series ko at apat lang naman sila magkakapatid 😂

So what 'ya think?

5 Ways To Fall In Love With My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon