Abala ako sa pagtimpla ng gatas para kay Mei pero naririnig ko ang pinaguusapan nila. Hindi na sumali sina mama at mommy Sachi sa paguusapan nila ni papa. As in 1 on 1 conversation sina papa at Blue ngayon.
Pagkatapos ko magtimpla ay kakaiba ang atmosphere rito sa dining room namin dahil sa dalawang lalaking importante sa buhay ko. Ang seryoso kasi ni papa ngayon. Pero hinayaan ko na lang sila magusap.
Si mommy Sachi na ang magpainom ng gatas kay Mei. Ayos lang sa akin dahil alam ko maman gusto ni mommy Sachi na magkaroon ng anak pero hindi sila mabigyan ng anak. At alam ko rin isang aksidente lang naman kaya nandito ako sa mundo ngayon.
"You're going to marry your daughter's father, Mao?"
"Yes, but if papa is allowing it."
"I'm sure Daisuke will allowing him to marry his daughter. I can see how good guy he is. But if he made you cry, Mao just tell me."
"I will." Ngumiti ako kay mommy Sachi. Sobrang bait niya. Kung hindi siya mabait ay hindi niya ako tatanggapin bilang anak ni papa.
Nakita kong tapos na ang paguusapan ng dalawang lalaki kaya nagpaalam na sa amin si papa at mommy Sachi. Umupo na sa tabi ko si Blue habang karga ko si Mei.
"Musta naman ang paguusap niyo ni papa?" Tanong ko sa kanya.
"Everything's fine. Pumayag na rin siya na magpakasal tayong dalawa at hindi siya tutol dahil may anak na tayo."
Napangiti ako sa aking isipan dahil sa pagpayag ni papa.
"Kapag kinasal na tayo ay magiiba na ang apilyido ni Mei. Magiging isa na siyang De Luca." Tumingin na siya sa anak namin. "Hi, Mei. I'm your father."
"I know that."
"By the way, Mao can you tell me kung bakit dalawa ang mommy mo?"
"Papa is married to mommy Sachi before he met mama. Ilang taon na silang kasal pero wala pa silang anak. Isang araw sa isang hotel kung saan nagtatrabaho si mama ay doon niya nakilala si papa. Regular customer kasi si papa ng hotel na iyon kaya madalas siya nandoon and one night happened between them. Isang aksidente nabuo ako kaya nandito ako ngayon sa mundo. Kahit ganoon ay tinanggap ako ni mommy Sachi at tinuring niya ako parang anak niya. Kahit hindi kasal ang mga magulang ko ay ayos lang, basta makita kong masaya si mama."
"Kahit isang aksidente lang ang nangyari pero masaya akong nakilala kita." Hinaplos niya ang pisngi ko. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko ngayon. Lakas kasi ng epekto sa akin ni Blue. "I love you, Mao."
Nakita kong ngumiti si Mei. Mukhang natutuwa ang anak namin ni Blue dahil magkasama kami ng daddy niya. Our daughter has dimple like her daddy. Iyon lang siguro ang nakuha niya kay Blue dahil nakuha niya lahat sa akin.
"Isn't too unfair dahil ang dimple ko lang ang nakuha niya sa akin?"
"Tampo ka na?" Tanong ko sa kanya. Mabilis na umiling si Blue sa akin.
"I'm fine with it. Alam ko naman lalaki si Mei na kasing ganda ng mommy niya."
Bolero talaga ang lalaking ito. Kung hindi ko lang alam na ako ang naging first girlfriend niya ay baka isipin ko babaero itong si Blue. And I'm glad kilala ko ng lubusan itong si Blue.
"Kapag kinasal na tayo ay sundan natin agad si Mei."
"Huh?" Nagulat ako sa narinig ko. Sundan agad si Mei? Eh, hindi pa naman malaki ang anak namin para sundan agad namin. "Ayaw ko pa. Baby pa si Mei kaya huwag na muna ngayon. Kapag malaki na siya."
"How about next year?"
"Blue, huwag na muna."
"Okay, hindi na muna ngayon." Hinalikan niya ako sa labi. Agad naman ako tumugon.
Kinabihan...
Umakyak ako sa taas patungo sa kwarto ko pero nakita ko si Blue ang sarap ng tulog habang nakahiga sa may tyan niya si Mei. Ang cute nila pagmasdan na dalawa.
Dahan-dahan mo ng kinuha sa kanya si Mei bago ko siya ginising.
"Hmm.." Humarap siya sa right side niya.
"Blue, gising na." Tuloy lang ang paggising ko sa kanya pero mukhang nasarapan talaga ang tulog niya.
Hinayaan ko na lang matulog si Blue at nilagay ko na si Mei sa crib niya.
Bumaba na ako para makakain na kami.
"Si Blue?" Tanong ni mama sa akin.
"Ang sarap po kasi ng tulog niya kaya hinayaan ko na lang po siya matulog at mukhang ayaw niya rin magpaisturbo."
In other word, ayaw magising.
Umupo na ako sa harapan ni mama at kumuha na ng kanin pati ng ulam.
"Pumayag na rin po ba kayo sa alok ni Blue?"
"Bakit naman hindi? Sa nakikita kong mabuti siyang bata at mamahalin kayong dalawa ni Mei."
Ibig sabihin pumapayag na rin si mama kay Blue.
"At nag-effort pa talaga siya dahil pumunta pa siya rito sa Japan para kausapin kami."
Napangiti na lang ako kay mama. Kahit rin naman ako ay hindi ko inaasahan na pupunta si Blue rito dahil ang alam ko busy siya sa site na ginagawa.
"Ano ba ang trabaho ng batang iyon?"
"Engineer po."
"Nagkakilala kayong dalawa dahil sa trabaho."
"Hindi po. Nakilala ko po si Blue noong college pa lang kami. Noong panahong transferee sa unibersidad at nakita ko siya magisa kaya nilapitan ko si Blue. Doon po kami naging magkaibigan pero noong umalis ako ng bansa para bisitahin si papa ay iyon ang unang beses nagkalayo kaming dalawa. Pero mama si Blue po talaga ang lalaking minahal ko noon pa lang."
"Paano naman si Vince? Hindi mo ba siya minahal noon?"
"Bago po kami bumalik ng Pilipinas ay minahal ko si Vince pero noong naaksidente kong makita si Blue ay parang bumalil lahat nararamdaman ko para sa kanya. I'm so confused that day, ma. Hindi ko po alam kung itutuloy ko pa ba ang kasal namin ni Vince o hindi kahit alam kong pareho sila ang masasaktan kung isa sa kanila ang pipiliin ko."
"I think you made a right choice, Mao. Huwag mo ko gagayahin dahil pumatol ako sa may asawa."
"Kahit na po. Kung hindi ka po pumatol kay papa ay sana wala ako ngayon." Pabiro ko kay mama.
"Loko ka talagang bata ka."
"Kahit hindi po kayo pwede ikasal ni papa ay sobrang swerte ko dahil dalawa ang naging ina ko."
"Ang drama mo na, Mao. Kumain ka na lang diyan."
Natawa na lang ako kay mama at pinagtuloy ko na ang pagkain ko. Pagkatapos ko siguro kumain ay akyatan ko na lang ng makakain si Blue baka gising na siya mamaya.
BINABASA MO ANG
5 Ways To Fall In Love With My Best Friend
RomanceDe Luca Series # 3 Blue is a bad boy in their school campus pero niisa ay walang gustong lumapit sa kanya until she met Mao Arata, a half Japanese. During his college he really had fun with his best friend but one day, nagbago ang lahat pati ang pak...