Chapter 9

868 29 0
                                    

Iniba ko ang takbo ng kwento ng story na ito. Dahil sinisipag ako mag-edit.

~~~~

Mao's POV

Kahit iniwanan ako ni Vince sa altar ay masaya pa rin ako dahil nandiyan palagi si Blue. Hindi ko lang alam ang dahilan kung bakit hindi sumipot si Vince, akala ko excited na siya na ikasal kaming dalawa pero yung pala ay hindi. Ni hindi ko nga siya matawagan na simula noon. Gusto ko lang talaga malaman pero kung ayaw niya ako makausap. Fine. Masaya na ako kay Blue. Alam kong hindi niya ako iiwanan na katulad ng ginawa ni Vince.

Magisa lang ako rito sa bahay ng kuya ni Blue dahil naibenta ko na yung unit ko at may nakabili na agad. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay sana hindi ko na lang binenta ang unit ko sa condo. Kung hindi sa tulong ni Blue ay sana wala akong matitirahan ngayon rito. Baka bumalik na ako ng Japan.

Nakarinig ako pagbukas ng pinto kaya napatayo ako sa pagkaupo ko sa sofa but I saw Blue. May dala siyang pinag grocery. Nag-grocery si Blue ngayon? Ni hindi man lang sinabi sa akin.

"Baka naubusan ka ng stock dito sa bahay kaya bumili na ako ng mga kailangan mo rito."

"Hindi mo man lang sinabi sa akin na maggo-grocery ka ngayon. Sana sinamahan kita."

"It's okay. Nagpasama naman ako kay manang kanina sa grocery. Alam mo naman wala akong alam sa ganitong bagay." Pumunta na ito sa kusina para ilagay sa mesa ang mga pinamili niya.

"Ano ba iyang mga pinamili mo, Blue?"

"Bread, butter, honey syrup, pancake mix, eggs, cooking oil, beef, fish, vegetables, pork, milk, coffee..." Iniisa isa pa niya ang lahat na laman ng plastic.

"Ang dami mo naman binili."

"Mga kailanganin mo naman ito lahat pero kung meron ka pang stock ay itago mo na muna ang iba para may reserba ka."

"Kaya ko naman bumili ng mga kailangan rito."

"Hayaan mo na ako ang gumawa nito, Mao para naman makatulong sayo."

Hindi ko pa boyfriend si Blue pero ganito na ang trato niya sa akin. Paano pa kaya kung singot ko na siya? Siguro lalo magiging sweet sa akin si Blue.

"Sa isang lugar ko lang ilalagay ang mga ito para hindi ka mahirapan hanapin." Ilagay niya ang mga dapat ilagay sa cabinet at ang gulat, isda, baboy, baka ay nilagay naman niya sa loob ng refrigerator.

"Thank you, Blue."

"No problem." Kinuha na niya ang natirang plastic. "At ito naman ang mga toiletries mo."

"Sobra-sobra na itong binili mo para sa akin. Baka maubos ang pera mo."

"Nakalimutan mo na yata kami ang pinaka mayaman rito. Hindi nauubos ang pera namin."

Okay...? Parang nagyayabang lang ah. Pero hindi ko naman sinabing hindi kami mayaman. Mayaman rin kaya ng pamilya ko dahil magaling na businessman si papa sa Japan.

Namiss ko bigla silang lahat sa Japan. Si mama kasi siya na lang nagisa nakatira sa bahay namin sa Japan habang nandito ako sa Pilipinas. And my parents are not married dahil may unang asawa si papa. Nabuntis lang siya si mama noon at ako ang naging bunga. Pumayag naman si papa na gamitin ako ang apilyido niya. Kaya ako nakilalang Mao Arata. Tinuring akong anak at tanggap rin ako ng asawa ni papa kaya walang problema sa kanila.

At ngayon ang lalaking lubos kong minahal ay kasa ko na ngayon. Ang akala ko nga noong nakilala ko si Vince ay makakalimutan ko na ang nararamdaman ko para kay Blue pero noong bumalik kami rito ay lalong lumubha ang nararamdaman ko.

Kinabukasan...

Katulad ng dati ay maaga ako nagising kahit Sabado ngayon. Magpasya ako lumabas ng bahay para maglakad sa labas.

"Hi." May isang gwapong lalaki ang bumati sa akin na may kasamang batang babae.

"Hello."

"Hindi ko alam binenta pala ng dating may ari niyang bahay." Sabi niya.

"Huh? Hindi. Hindi niya binenta ito, kinausap lang siya ng kapatid niya na gagamitin ko na muna pagsamantala."

"Ganoon ba? Kilala mo pala si Theo." Tumango ako sa kanya. "Oh. By the way, I'm Rocco and this little girl is my daughter, Daisy."

"Mao. Mao Arata."

"Sinong kapatid pala ni Theo ang kumausap sa kanya?"

"Si Blue."

Tumango lang siya sa akin at mukhang mabait siyang tao pero may anak na siya. May asawa na siguro siya.

"Baby, let's go. Mahuhuli ka pa sa klase mo at may pasok pa ako."

Ang cute nila tingnan. Naiimagine ko na maging ganyan si Blue balang araw pero malabo dahil hindi ko siya mabibigyan ng anak.

"Mao." Napalingon ako sa tumawag sa akin. "Good morning."

"Good morning rin sayo." Ngumiti ako na malungkot sa kanya.

"What's wrong? Ang aga aga mukhang may problema ka na."

"Nothing. May nakilala lang ako mag-ama kanina at mukhang kilala kayo ni kuya Theo."

"Mag-ama? Baka si kuya Rocs ang nakilala mo at ang anak niyang si Daisy."

"Kilala mo sila?" Hindi ako makapaniwalang tanong sa kanya.

"Yes. Childhood siya ni kuya Theo kaya kilala niya rin si kuya Theo."

Hindi ako makapaniwala doon. Ang akala ko pa naman kasama ni kuya Theo sa trabaho o business partner. Kababata pala niya.

"Ang cute nga nila tingnan kanina, eh. Halatang mabait ang anak niya." Malungkot na sabi ko. Sa tuwing pinaguusapan ang tungkol sa bata ay nasasaktan ako.

"Mao, alam ko iyang iniisip mo. Pinagusapan na natin ang tungkol diyan, diba? Ayos lang sa akin kahit wala tayong anak."

"Gusto lang kita bigyan balang araw."

"Huwag na nga natin pagusapan ang ganyang bagay. Hindi mo pa nga ako sinasagot." Nauna na siyang pumasok sa loob. Sumunod na rin ako sa kanya sa loob ng bahay.

"Ano pala ang ginagawa mo sa ganitong oras, Blue? Ang aga mo kasi pumunta."

"Miss lang kita at hindi ako makatulog kakaisip sayo."

May ganoon pang nalalaman si Blue ngayon.

Namilog na lang ang mga mata ko ng dumikit ang labi niya sa labi ko. He gently kissed me, kissing him back.

"I love you, Mao." Hinalikan niya ako sa noo bago pa siya pumunta sa kusina.

"Wala pang nakahandang pagkain."

"Magluluto ako ng agahan natin."

"Marunong ka magluto?"

Hindi ko pa kasi nakikitang magluto si Blue. Ngayon pa lang.

"Uh, hindi masyado. Pero nagaaral naman ako para matuto." Binuksan na niya ang kalab. Kumuha ng isang bowl at 2 eggs. "Gusto ko kasi ipagluto kita."

"Ano ang lulutuin mo?"

"Omurice." Sagot niya. Napapalaway ako ng sabihin niyang omurice ang lulutuin niya dahil paborito ko ang omurice.

5 Ways To Fall In Love With My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon