Chapter 2

891 37 0
                                    

It's already past 4:00pm pero busy pa rin ako sa design na tinitingnan ko para sa project. Sa mga design na binibigay sa akin ng mga architect ay hindi ito magugustuhan ni kuya Theo at baka maghanap pa iyon ng iba. Napatayo ako sa kinauupuan ko kaya lahat sila ay napatingin sa akin.

"Wala bang may mas maigagaling pa sa mga pinapakita niyong design sa akin?!" Medyo napataas ang boses ko dahil sobrang badtrip na talaga ako. "Walang uuwi hanggat wala akong makitang magandang design. Ang kliyente natin ay ang kapatid ko! Tandaan niyo iyan."

Nakita kong lumapit sa akin si Mao, as usual siya lang talaga ang malakas na loob kayang lumapit sa akin kahit beast mode na ako. O sabihin natin sa nangyari rin kanina sa loob ng banyo. At may inabot siyang sample ng design kaya napaupo ulit ako.

"Hindi ko alam kung magugustuhan mo ang ginawa kong design, sir." Sabi nito kaya tiningnan ko ang sample na gawa niya. I crumbled the sample and throw it. Wala akong pakialam sa magiging reaksyon niya.

"I don't like it. Hindi iyan magugustuhan ng kapatid ko."

"S-Sorry uulitin ko na--"

"No, ibahin mo ang design dahil hindi ko rin gusto." Bumalik na ito sa desk niya kaya napahilamos na lang ako ng mukha. Sobrang stress na ako sa trabaho tapos dumagdag pa itong baguhan.

Napatingin ako sa oras dahil past 7:00pm na pala. Ang bilis ng oras ah. Hindi ko namalayan pero nakakarinig ako sa ibang members ko nagrereklamo na gusto na nilang umuwi.

"Kung gusto niyo lumipat ng ibang team ay hindi ko kayo pipigilan because I don't need you in my team." Sabi ko sabay tayo at pumanta ulit ako sa banyo. Naririnig ko mula rito ang pinaguusapan nila.

"Ano ang balak niyo?"

"I think we should leave him. Masyado siyang bossy."

"Hindi porket siya ang paborito ng boss ay magiging ganoon na siya."

"Tama ka."

"So, ano ang balak?"

"Aalis na ako rito sa team niya. May iba pa naman mas magaling sa kanya at saka hindi bossy."

"Ako rin."

"Me too."

Marami pang sang ayon sa desisyon ng ibang kasamahan ko. And like I said I don't care if they want to leave.

"Ikaw, Mao?"

"I'll stay here."

"Sure ka? Masyadong masungit ang lalaking iyon."

"Yep. Kilala ko naman si Blue dahil nakasama ko rin siya noong college."

"How come? Ang layo ng kurso niyong dalawa."

"Kapag sabay ang vacant naming dalawa. At hinahatid pa niya ako hanggang sa unit ko para makasiguradong ligtas ako makauwi."

"May tinatago pa lang gentleman ang lalaking iyon. Akala ko wala."

"Oo, hindi lang halata dahil hindi marunong magpakita ng damdamin si Blue. Pero kung gusto niyo talagang lumipat ay kakausapin ko na lang siya."

Lumabas na ako sa loob ng banyo at kinuha ko na ang gamit ko bago lumabas. Sirang sira na talaga ang araw ko.

"Blue, wait lang..." Pagtawag niya sa akin pero tuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang makarating sa elevator. Pinindot ko ang button at hinintay ang pagdating ng elevator sa palapag. "Blue, sinabi kong wait lang."

"Kung napipilitan ka lang ay pwede ka rin umalis. Aalis na rin ako sa kumpanyang ito."

"What? Please, paano yung project?"

"Kakausapin ko na si kuya Theo bukas." Sumakay na ako sa elevator at pinindot ko na ang basement kung nasaan ang parking lot pero nakita kong binuksan pa ni Mao ang pinto para hindi magsara ang elevator.

"Please, Blue." Pumasok na rin ito sa loob ng elevator. "Kausapin mo naman ako. O baka iniisip mo pa rin yung tinanong mo sa akin kanina?"

"Hindi ko iniisip ang tungkol diyan dahil alam ko naman ang pwede mong sagutin sa akin kaya ayaw ko na marinig pa."

"Kung ikaw ang tanungin ko, minahal mo ba ako noon?" Tinanong niya rin ako ng tinanong ko sa kanya kanina.

"No."

Yes...

Pero ayaw ko naman sabihin sa kanya iyon dahil ikakasal na siya sa ibang lalaki. At sana ako na lang yung lalaking papakasalan niya hindi iba.

"Kahit kailan hindi mo ko minahal?"

"No. Kahit kailan hindi kita minahal noon. Isa ka lang makulit at nakakairitang tao." Sabi ko at sana naman lumayo ka na sa akin.

"Ah okay. Ganoon pa rin pala ang tingin mo sa akin hanggang ngayon." Yumuko na ito sa akin.

"Yes, kaya kung pwede lang ayaw ko na makita ang pagmumukha mo ngayon." Sakto ang pagbukas ng elevator kaya lumabas na rin ako.

Sobrang sakit pero titiisin ko na lang ang lahat na sakit nararamdam ko ngayon.

Now I know I have a feelings for Mao. Wala ito noon pero noong bumalik at nagpakita siya ulit sa akin ay magbago ang lahat. Nakakaramdam na ako ng kirot sa puso ko na kahit alam kong imposible naman na masusukli niya iyon. Malapit na siya magpakasal.

I need to sacrifice for her happiness dahil kapag sa akin ay hindi siya maging masaya.

Pagkasakay ko sa kotse ay sinandal ko na muna ang likuran ko at bumuntong hininga. Ang hirap pala ng ganito.

Huli na ang lahat.

Hindi mo na naibabalik ang lahat na iyon.

Habang nakasandal lang ako at pinipikit ko na rin ang aking mga mata nang may narinig akong katok sa bintana kaya binaba ko ang bintana ng sasakyan ko. Hindi ba nakakaintindi ang babaeng ito?

"Hindi ka ba nakakaintindi? Kung hindi, hindi ko na uulitin ang sinabi ko sayo kanina."

"Klarong klaro ang sinabi mo sa akin kanina pero hindi ko naman kayang iwanan kang ganyan."

"Please lang, Mao. Kung naawa ka sa akin ay hindi ko kailangan nang awa mo."

Kailangan kong maisukli mo ang nararamdaman ko para sayo.

"Mao?" Kahit nasa loob ako ay napalingon ako sa tumawag sa kanya. Tsk. Agad ko sinarado ang bintana at pinatakbo na ang makina ng sasakyan ko dahil nandito na ang asungot na fiance. Mukha namang driver sa itsura.

Pagkarating ko sa bahay dumeretso na ako papasok ng bahay.

"Nandito ka na pala, Blue." Sabi ni mommy pagkakita niya sa akin.

"Yes, mom."

"Gusto mo na bang kumain? Nakahanda na yung hapunan."

"No. Busog pa ako ngayon. Gusto ko lang ang matulog na lang." Pumanik na ako papunta sa kwarto ko at ni lock iyon.

Simulang nagalit si kuya Theo kay mommy dahil sa ginawa nito sa kanilang dalawa ni ate Nicole ay malaki na ang pinagbago ni mommy dahil pati si daddy ay nagagalit rin kay mommy. Noon ko lang kasi nakitang nagalit ng ganoon si kuya Theo at sa nakikita ko naman mali ang ginagawa ni mommy kaya kinakampihan ko si kuya Theo. Kung ako kasi ang nasa pwesto ng kapatid ko ay baka ganoon rin ang gawin ko.

Pero ang iisipin ko na lang ang mangyayari bukas. Bahala na kung ano ang magiging resulta bukas dahil kakausapin ko ang boss ko para sa biglaang resign ko.

5 Ways To Fall In Love With My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon