Chapter 4

784 38 0
                                    

Nagulat na lang ako ng marinig kong sumisigaw si Blue dahil pinapagalitan niya ang ibang architect.

"Ilang beses ko ba sinasabi sa inyo na hindi ko gusto ang gawa niyong design. Wala bang mas gagaling pa?!"

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanila. Inabot ko kay Blue ang sample ng gawa kong design.

"Hindi ko alam kung magugustuhan mo ang ginawa kong design ngayon." Kinuha niya ang sample at sinuri ng maigi.

Wala akong narinig na sagot mula kay Blue pero nakita kong tinabi niya ang gawa kong design. Hindi ko tuloy alam kung pasado ba o hindi ang gawa ko.

Napatingin ako sa phone ko dahil may nagtext sa akin.

From Babe;

Are you free later, babe? Tumawag kasi sa akin kanina ang wedding planner at pinapupunta tayo ngayon sa opisina niya para pagusapan ang tungkol sa kasal natin.

Magrereply na sana ako pero bigla ako sinigawan ni Blue.

"Alam mo naman siguro, ms. Arata na bawal ang cellphone kapag oras ng trabaho, diba? Kung ang fiance mo ang nagtext sayo ay mamaya mo na siya replyan dahil maraming oras ang magaaksaya!"

"Sorry." Tinago ko na ulit ang phone ko. Siguro tama si Blue na maraming oras ang maaaksaya kaya mamaya ko na lang replayan si Vince.

Ilang vibrate na ang nararamdaman ko sa loob ng bulsa ng suot ko dahil siguro hindi ko pa nirereplyan si Vince simula pang magtext siya kaninang umaga but this time nonstop ang vibration ng cellphone ko. Tumatawag siguro sa akin si Vince.

Binaliwala ko na lang iyon dahil ayaw ko naman mapagalitan ni Blue at siguro maiintindihan naman ni Vince na busy ako kaya hindi ko nasagot ang tawag niya.

Napatintin ako sa oras dahil lunch break na pero hindi pa umaalis ang mga kasamahan ko. Hindi ba sila nakakaramdam ng gutom?

"Blue." Tawag ko sa kanya kaya napatingin siya saglit sa akin. "Hindi pa ba kayo kakain?"

Wala akong sagot mula sa akin kaya napatingin naman ang iba sa akin.

"Huwag kang umasa na magaalok iyan na pwede ng kumain." Bulong sa akin ng katabi ko. Ganoon? Pero masama sa kalusugan ang nalilipasan.

"Guys, kain na tayo dahil alam ko naman gugutom na kayo." Alok ko sa kanilang lahat.

Ang iba naman ay nag-unat ng katawan dahil sobrang sakit sa likod ang ginagawa namin.

"Makakain na rin."

Nauna ng lumabas ang ibang kasamahan ko para makakain ng lunch. Napatingin naman ako sa pwesto ni Blue na abala sa ginagawa niya.

"Hindi ka pa ba kakain?" Tanong ko sa kanya, pero ano ba ang maasahan ko? Sasagot siya sa tanong ko?

Ang laki na talaga ng pinagbago ni Blue simula noon.

Umupo ako sa tabi niya at hiniwakan ang pisngi para lumingon sa akin.

"Malapit na ako ikasal, Blue." Tinaasan naman niya ang isang kilay nito na parang wala siyang pakialam kung ikakasal man ako o hindi. "Hindi mo  ba ako pipigilan?"

"Bakit ko naman iyon gagawin ah? Hindi naman kita dating nobya na pigilan na magpakasal sa ibang lalaki para pigilan lang."

"Hindi mo ba talaga ako minahal noon?"

"Ang pagkaalam ko ay sinagot ko na ang tanong mong iyan kahapon. Kung hindi mo matandaan ang sagot ko ay uulitin ko, hindi:" Binitawan ko na ang pagkahawak sa pisngi niya. Masyado ako nasaktan sa sinabi niya. Wala talaga siyang nararamdaman para sa akin kahit noon.

"Baliwala lang ba sayo ang pagkakaibigan natin noon?"

"Kahit kailan ay hindi kita tinuring kaibigan ko. Isa ka lang naman makulit na babae at napipilitan lang naman ako pansinin ka para hindi ka kawawa."

Dobleng sakit ang nararamdaman ko ngayon. Shit.

Sino ba kasi ang niloloko ko ngayon ah? Hindi naman masusuklian ni Blue ang nararamdan ko para sa kanya dahil masyadong manhid siya. Simula noon ay inubos na niya ang stock na anaethesia sa ospital.

"Mahal kita, Blue." Mahinang tugon ko na imposbleng marinig niya.

"You love me?" Nagulat ako dahil narinig niya ang sinabi ko. "Pero sino ang niloloko mo? May fiance ka na at malapit ka na ikasal, ms. Arata. Tapos ngayon sasabihin mo sa akin mahal mo ko."

He's right. Kung noon sana ay sinabi ko na sa kanya pero natatakot ako kung ano ang magiging reaksyon ni Blue kapag inamin ko sa kanya ang totoo. Ayaw ko masira ang pagkakaibigan namin kaya biro biro lang ang ginagawa ko sa kanya noon para hindi siya makahalata sa nararamdaman ko para sa kanya.

"Sorry dahil naging takot ako. Natatakot akong umamin sayo noon na mahal kita dahil ayaw ko masira ang pagkakaibigan namin. Pero hindi ko naman inakala na maging malamig ka sa akin at magbago ang pakitungo mo sa akin, Blue." Tumayo na ako dahil hindi ko na kaya ang nangyayari. Baka tumulo pa ang luha ko sa harapan niya.

Naglakad na ako papunta sa elevator pero hinila ako ni Blue papunta sa banyo at nilock niya ang pinto.

"B-Blue?" Nagulat ako sa ginawa niya. Ano naman ang gagawin namin dito sa loob ng banyo.

Nanigas ang buong katawan ko ng maramdaman ko ang labi ni Blue nakadikit sa akin.

"May balak ka bang tumugon o tatayo ka lang diyan? Tsk. Kung wala aalis na lang ako rito."

Hinila ko siya papalapit sa akin at hinalikan sa mga labi niya.

Alam kong mali itong ginagawa ko dahil may fiance na ako pero nakikipag halikan ako kay Blue. Pero si Blue lang ang nakaukit sa puso ko hanggang ngayon.

Napasinghap ako ng maramdaman ko ang pagpisil niya sa kaliwang dibdib ko. Hindi ko namalayan nakapasok pala ang isang kamay niya sa loob ng damit ko.

"Talagang mahal mo ko. O baka naman kaibigan lang ang tingin mo."

"No. Talagang mahal kita, Blue kahit huli na ako umamin sayo dahil ikakasal na ako."

"Hindi pa huli ang lahat, Mao. Hindi ka pa kasal kaya may oras ka pa para umurong sa kasal niyo. Kung mahal mo talaga ako ay uurong ka sa kasal at sasama sa akin pero hindi kita pipilitin kung gusto mo matuloy ang kasal mo. Kung siya ang pinili mo ay hindi mo na ako makikita pang muli kahit kailan. Ako na mismo ang lalayo sayo."

"Bakit mo sa akin sinasabi ito? Mahal mo rin ba ako? Ayaw kasi ng one sided, Blue." Pinitik naman ni Blue ang noo ko na sobrang lakas. "Sore wa itai." (It hurts.)

5 Ways To Fall In Love With My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon