Habang kumakain ay sarap na sarap ako nilutong omurice ni Blue. Pero akalain mo iyon marunong siya gumawa ng omurice na wala ni isang part na sunog.
"Ano? Masarap ba ang niluto ko?" Tumango ako sa kanya. Kita naman niyang enjoy na enjoy ako sa pagkain, oh. "Mabuti naman kung ganoon dahil hindi ko alam kung tama ba yung ginagawa ko."
"You don't know how to cook omurice?" Tanong ko sa kanya at hindi rin ako makapaniwala na hindi siya marunong magluto ng omurice.
"Yes, ngayon pa lang ako nagluto ng omurice. Hotdogs, eggs and bacons pa lang ang naluluto ko."
"Seryoso? Sino naman ang nagtuturo sayo?"
"Humihingi lang ako ng tulong kay manang na tulungan niya ako magluto. Noong una nga nagulat siya dahil nagaaral ako magluto noon." Kwento sabay subo ng omurice.
"Kailan ka pa natutong magluto?"
"Noong college pa tayo."
"Talaga?! Bakit hindi ko alam iyon? Palagi naman tayo magkasama ah."
"Dahil hindi ako nagaattempt magluto noon kahit nagaral ako."
"Bakit naman? Tingnan mo itong ginawa mong omurice ang sarap at tama lang ang lasa niya. Hindi na kailangan lagyan ng ketsup."
"Salamat dahil nagustuhan mo ang ginawa ko." Ngumiti siya sa akin. Ngayon ko lang ulit nakitang ngiti si Blue ng ganito. Kitang kita ang dimple niya at mas lalo siyang gumagwapo.
In love ako sa best friend ko slash soon to be boyfriend ko.
Dahil siguro kilala ako ni Blue sa simula pa lang. Kahit dalawang taon na rin ay wala pa rin nagbabago sa akin kahit isa.
"I love you, Blue."
Napatingin siya sa akin habang sumusubo ng omurice.
"I love you too."
Napapangiti ako sa aking isipan dahil kinikilig ako ng sobra. Hindi ko akalain na masusuklian na ni Blue ang nararamdaman ko sa kanya.
Si Blue kasi yung tipong hindi marunong mag-express ng feelings niya sa ibang tao kaya wala nakakaalam na kung ano ang problema niya. Kaya nga iniisip ko kung ilang anaethesia ang inubos niya dahil sobrang manhid ng lalaking ito noon. Iyon pala ay matagal na rin may gusto sa akin si Blue ngunit ayaw lang niyang sabihin sa akin dahil kay Vince ako. Si Vince na iniwanan ako sa harap ng altar at pinahiya sa maraming tao kaya nagpakalayo ako sa lahat. Hindi ko naman inaasahan makikita ko si Blue sa contruction site.
Nga naman. Kapatid pala niya yung kliyente namin kaya siguro nandoon siya.
"May gagawin ka ba mamaya?" Tanong ko sa kanya.
"Hmm... Yes, kailangan ko bumalik sa site ngayon o bukas."
"Ang haba ng biyahe kung magkokotse ka papunta doon at mapapagod ka pa."
"Iyon nga rin ang iniisip ko. Mageeroplano na lang ako papunta roon." Tumango ako sa kanya bilang pagsang ayon.
"Hanggang kailan ka doon?"
"Overnight lang siguro. Marami pa kasi akong trabaho rito kaya babalik rin ako agad." Sagot niya sa akin at tumingin na rin siya sa akin. "Bakit? Mamimiss mo ko?"
"Siyempre naman. Wala akong kasa na rito o pupunta sa ganitong oras."
"Isang araw lang naman ako mawawala kaya huwag mo ko masyado mamiss baka wala pang isang oras ay bumalik na ako agad dito."
"Sige. Hindi kita mamimiss agad."
Pagkatapos namin kumain ay ako na ang nagligpit ng mga pinagkainan namin. Ako na rin ang naghugas.
BINABASA MO ANG
5 Ways To Fall In Love With My Best Friend
RomanceDe Luca Series # 3 Blue is a bad boy in their school campus pero niisa ay walang gustong lumapit sa kanya until she met Mao Arata, a half Japanese. During his college he really had fun with his best friend but one day, nagbago ang lahat pati ang pak...