Jaki's POV
Katatapos ng prod namin kasama sina Rayver at Zeus. Hingal na hingal pa kami dahil sa pagod peeo mukhang hindi pa kami makakababa dahil umakyat pa sila Vice sa stage.
Nakatayo siya sa kabilang side kung saan alam kong nasa tapat niya si Zeus. Alam ko naman na may something sila dati bago pa kami pumunta ng US eh. Alam ko din na muntik na silang magging totohanan kung hindi lang siya naoperahan sa puso at nagtagal sa US ng halos dalawang buwan, malamang walang kami ngayon.
Tinitignan ko bawat reaction niya kay Zeus. Halos mabingi na nga ako sa mga ingay at kilig ng studio audience sakanila.
Pero ang hindi ko kinaya, eh yung mismong sa mata niya nakita ko na parang... parang may nararamdaman pa siya. Napansin kong bigla siyang nagging balisa. Kahit pa tinignan niya ako at nagkibit balikat at umiling siya na parang sinasabing wala lang yun.
Hindi ako madadaya ng mga mata niya. Bawat kislap nun pag masaya siya at bawat lungkot pag nasasaktan siya. Kabisado ko na.
Kaya nga ang sakit eh. Ang sakit ng nakikita ko, pero mas pinili ko pa ding tignan. Mas pinili ko pa ding masaktan.
Nung commercial break na eh agad akong nagtago sa DR. Ayokong makita si Vice at isa pa andun pa kasi si Zeus. Ayokong makita silang dalawa.
"Jaki? Tara na. Hinahanap na tayo sa studio. Dali na."
Sabi ni Madc sabay hila sa isang kamay ko. Nagpatangay na lang din ako tutal naman eh pupunta na kami talaga. Eksakto naman na nasa hallway si Vice at mukhang pabalik ng DR niya. Hindi kasi siya kasama sa segment ngayon kaya siguro. Yumuko lang ako dahil busy din siya sa phone niya. Baka katext pa nga niya si Zeus eh. Nalampasan na namin siya bago niya ako tinawag.
"Babe! Wait!"
Sabi niya. Napahinto si Madc pero ako naman ang humila sakaniya papunta sa studio. Nagkunwari ako na hindi ko siya narinig. Ayoko siyang makausap dahil baka maiyak lang ako.
"Uy! Ano yun? Bakit di mo pinansin yung jowa mo?"
Bulong ni Madc sakin pagpasok namin ng studio. Nakatayo kami sa gilid ng stage nun. Umiling lang ako.
"Yaan mo siya."
Sabi ko. Nahalata ata ni Madc na hindi maganda ang timpla ko kaya hindi na niya ako kinulit.
Hindi na kami bumalik sa DR nung commercial break dahil baka masalubong ko nanaman si Vice. Kaso pag akyat palang niya ng stage eh mukhang hinahanap niya ako.
"Madc! Mauuna na akong umalis. Biglang sumakit yung tiyan ko eh."
Sabi ko kay Madc sabay lakad pabalik ng DR. Nadaanan ko si direk kaya nagpaalam na lang din ako. Mabuti na lang at pinayagan niya ako.
Mabilis akong nagbihis at lumabas ng studio.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta sumakay na lang ako ng taxi tapos nagpahatid sa BGC.
Bumaba ako sa tapat ng bar ni Vice kaso sarado pa. Wala pang tao dun. Paano naman maaga pa. Umupo ako sa sidewalk at nag phone na lang muna. Nakita kong may message si Vice.
Vice❤: Babe? Asan ka? May sakit ka daw? Puntahan kita.
Sabi niya. Lalo naman akong nainis sa nabasa ko. Kung maka-pretend to na concern siya eh. Galing din talaga.
Ako: Wag na.
Yun lang ang sinabi ko. Maya maya pa ay tumatawag na siya pero hindi ko sinagot. Pinatayan ko na nga lang ng phone.
BINABASA MO ANG
Puso: Ikalawang Yugto
RomanceBook 2 ng PUSO. Inulit ko dahil hindi ko maisip kung paanong nabura yung buong Book 2 na nauna kong isinulat. ?