Vice's POV
Iniwan ako ni Jaki sa parking pagkatapos nung paguusap namin. Hinimas ko yung pisngi kong nasampal niya.
Deserve ko naman to eh pero palalamigin ko lang yung ulo niya bago ko suyuin ulit. Hindi ako susuko ng ganun ganun lang.
Sumakay ako sa sasakyan ko at nagpahatid sa BGC para dun magisip isip. Bukas na yung bar pag dating ko at inabutan ko na si Kiko na naglilinis ng bar ibabaw ng bar. Napakunot noo siya nung makita ako.
"Naka!! Away nanaman kayo no?"
Nangaasar niyang sabi saakin. Umupo ako sa isang bar stool tapos tumungo at inuntog untog yung ulo ko sa ibabaw ng bar.
"Bossing, iba yata ang trip mong pampahilo ngayon."
Sabi niya. Napatingin ako sakaniya ng masama. Ngumisi lang siya saakin.
"Ang laki ng nagawa kong kasalanan kay Jaki."
Bulong ko na hindi naman nakatakas sa tenga niya. Hindi siya nagreact pero nagpatong siya ng isang basong whiskey sa harap ko.
"Bakit? Niloko mo ba siya? Nambabae ka ba?"
Tanong niya saakin. Hinablot ko yung baso ng whiskey at ininom ng straight bago ako nagkwento sakaniya. Biglang dumilim yung mukha niya sa sinabi ko.
"Alam mo ikaw, halika nga sa labas magsapakan tayo!"
Sabi niya. Nagulat ako dahil galit talaga siya. Pero parang gusto ko yun. Weird no.
"Dito na. Sapakin mo na ako dito."
Sabi ko. Huminga siya ng malalim bago ulit nagsalita.
"Hindi ko lang kasi magets. Bakit mo nagawa yun? Ilang ulit mo pa ba siyang sasaktan?"
Sabi niya. Gusto kong mainis sakaniya pero hindi ko magawa dahil tama siya.
"Alam mo yan din ang tinatanong ko sa sarili ko. Pero hindi ko sinasadiya yun eh. Tang ina. Ang hirap naman."
Litong lito na ako. Gusto kong ipagtanggol yung sarili ko pero paano? Eh kahit ano nga naiinis sa sarili ko dahil sa nangyari.
"Nasasaktan din ako pag nasasaktan ko siya. Nalulungkot din ako pag nalulungkot siya. Pero hindi ko magawang iwasan na masaktan siya."
Sabi ko. Napatapik sa ibabaw ng table si Kiko kaya nagulat nalang ako.
"Oh? Tapos maglalasing ka nanaman?? Lumayas ka dito. Puntahan mo siya. Suyuin mo!"
Sabi niya saakin. Bigla naman akong napatayo at napatalikod sakaniya. Aalis na sana ako nung marealise ko na ako pala ang boss niya. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Boss mo ako!"
Sabi ko sakaniya. Natawa siya sakin. Sabay senyas na umalis na ako. Tumalikod na ulit ako para umalis.
Habang naglalakad ako palabas eh isip ako ng isip kung paano ko susuyuin si Jaki. Hinahalukay ko yung utak ko sa mga bagay na alam ko tungkol sakaniya.
"Baboy! Gusto niya ng baboy eh."
Sabi ko sabay dali daling pumunta sa mall para maghanap ng pinaka-malaking baboy na meron sila.
Lumabas ako na may daladalang malaking baboy. Halos kasing laki na yun ni Jaki. Agad kong isinakay sa Van.
"Kuya Kaloy! Sa condo nila Jaki please."
Sabi ko. Agad naman pinaandar ni Kuya yung van. Dumaan muna ako sa flower shop para bumili na din ng baboy... este ng pink na roses.
Nung nasa parking na kami ng condo eh parang biglang kinabahan ako. Parang biglang gusto ko nang magback out. Napahimas ako sa mukha ko na nasampal kanina.
BINABASA MO ANG
Puso: Ikalawang Yugto
RomanceBook 2 ng PUSO. Inulit ko dahil hindi ko maisip kung paanong nabura yung buong Book 2 na nauna kong isinulat. ?