Jaki's POV
Maagang maaga akong nagising kinabukasan dahil kailangan naming magrehearse para dun sa tribute na gagawin para kay Frank.
Katatapos lang maligo ni Madc nun kaya sumunod na agad ako sa CR. Pagkatapos kong maligo ay nagbihin na muna ako ng hoodie at shorts. Sinuot ko yung hoodie ni Vice.
Speaking of that horse, ni hindi manlang nagtext saakin kagabi kung nakauwi na ba siya o ngayong umaga kung gising na ba siya. Mukhang nagenjoy masyado kagabi at nakalimitan niyang may girlfriend siya na baka nagaalala sakaniya.
"Tara na."
Tawag ni Melvie saamin na noon ay ready na. Kinuha ko yung maliit na duffle bag ko kung saan nakalagay yung mga gamit ko para makaalis na kami.
Nagtaxi na lang kami hanggang studio dahil hindi ko naman inaasahan na isasabay kami ni Vice ngayon at ang aga ng call time namin.
"Bes, tayo lang ba ang kasama sa tribute? Yung mga host ba kasama din?"
Tanong ni Madc kay Melvie. Napatingin naman ako. Wala din kasing nabanggit saamin tungkol dun. Nagkibit balikat lang si Melvie.
"Not sure bes. Baka sa sabado sila."
Sagot niya.
Nauna akong bumaba mula sa taxi kasunod yung dalawa nung makarating na kami sa studio.
Papasok palang kami ng hallway eh napansin na namin na napakadaming tao sa DR. Andun pala kasi lahat ng members ng hashtag at pati si Zeus nandun din. Hindi ko siya tinignan, basta deretso lang ako papasok ng DR.
Nakita ko si Tom sa gilid na mukhang lungkot na lungkot kaya nilapitan ko muna.
"Tom? Kamusta ka?"
Malungkot kong tanong sakaniya. Napatingin siya saakin sabay iwas ng mata dahil mukhang naiiyak na siya. Nagsmile lang siya ng kaunti.
"Okay lang ako. Masakit lang din talaga para saakin kasi.... Basta. Hirap iexplain."
Malungkot niyang sabi. Tinapik ko lang siya sa balikat at tumango naman siya bago kami nagstart na mag-ayos.
Mejo maingay sa loob dahil nga sa dami ng tao dun. Mas lalong umingay pa nung pumasok si Kuya Vhong at Kuya Jhong. Kasama pala sila sa prod at inaaya na kami para magrehearse. Isa isa namang sumunod sakanila yung mga kasama ko at sinadiya kong magpahuli para hindi ako makipagsiksikan sakanila.
Nakailang rehearsals kami dahil sa dami namin eh hindi na namin alam kung paano kami magkakasiya kaya napagdesisyunan na lang namin na yung iba eh sa platform sa taas sasayaw dun sa mga studio audience.
"Hinatid mo ba si Bays kagabi?"
Narinig kong tanong ni Kuya Jhong pero hindi ko napansin kung kanino niya tinanong. Baka kay Kuya Vhong. Uminit ulo ko, ibig lang sabihin nun eh wasted nanaman yun kagabi at siguradong late nanamang darating yun mamaya. Naku naman. Walang pinagkatandaan yung lalakeng yun.
Nung matapos kami sa rehearsals eh nagsibalik na kami sa DR. Napansin naman ni Kuya Jhong na sobrang dami namin dun kaya sinabihan niya yung ibang members ng hasgtag na makishare na lang sakanila.
Isa na dun si Zeus na agad namang tumango.
Letche naman.
Saktong papasok na ako sa DR nung makita ko si Vice.
Naka-itim na Balenciaga na pull over sweater tapos tattered na acid wash jeans at rubbershoes. Nakasuot din siya ng itim na shades at seryosong seryoso ang mukha. Kinabahan ako bigla kaya napahinto ako. Napansin naman niya ako kaagad kaya lumapit siya.
BINABASA MO ANG
Puso: Ikalawang Yugto
Roman d'amourBook 2 ng PUSO. Inulit ko dahil hindi ko maisip kung paanong nabura yung buong Book 2 na nauna kong isinulat. ?