20 Questions

522 18 0
                                    

Vice's POV

Pagkatapos namin nagdinner eh inaya ako ni Tito Johnny sa may veranda para daw magpa-hangin. Nakaupo kami sa harap ng wooden coffee table at umiinom ng beer. Tig-isa lang kami dahil alam naman niyang magda-drive pa ako pabalik sa Maynila.

"Taga saan ka ba, Vice? Tsaka may iba ka bang palayaw? Parang naiilang ako sa Vice."

Sabi niya saakin bago uminom mula sa bote niya. Napatingin lang ako sakaniya.

"Taga La Union po ang nanay ko. Pero nasa US na po kasi sila ng mga ate ko. So technically po taga Quezon City po ako. Ahm. Tutoy po palayaw ko nung bata pero po kasi...."

Sabi ko na agad niyang pinutol.

"Tutoy? Sige, Tutoy na lang itatawag ko sayo. Nasan naman ang tatay mo?"

Tanong niya ulit. Dun na ako napainom ng alak bago sumagot.

"Eh umalis po nung mga bata pa kami eh. Hindi ko po alam kung nasaan na siya ngayon."

Sabi ko. Hindi ko na hinabaan kasi ayoko talaga na napaguusapan siya. Umiinit ang ulo ko.

"Paano kayo nagkakilala ni Jak-jak ko?"

Seryosong tanong niya saakin. Paano ko kaya ipapaliwanag sakaniya na bakla ako dati? Bahala na nga.

"Sa Showtime po. Dancer po siya dun tapos host po ako. Nagkataon po kasi na magkasama kami sa isang segment tapos nung una po biruan lang yung asaran lang. Hanggang sa di ko po namamalyan eh naiin-love na po pala ako sa anak niyo."

Sabi ko. Iniwan ko na lang yung part na bakla ako dati. Baka kasi masuntok ako. Tsaka na siguro niya malalaman.

"May boyfriend siya dati ah, yung Tommy ba yun? Yung anak ng may ari ng resort. Inagaw mo ba siya dun?"

Muntik na akong masamid sa tanong niya dahil saktong umiinom ako ng beer nun.

"Naku! Wala pong ganun na nangyari. Hiwalay na po sila nun bago pa kami nagka-gaanan ng loob. Niloko po kasi siya nun."

Deredetso ako sa pagsasalita dahil bigla akong natense. Napakuyumos naman siya ng kamao bago nagsalita.

"Ano??!! Aba'y loko yun. Taga saan ba yun? Naku! Sasaktan ko yun!!"

Galit na sabi niya kaya lalo akong natense at napainom ng alak.

"Ah, Tito nagkaayos naman na po sila. Tsaka magkakaanak na po yun eh. Kalma po."

Sabi ko. Sinamaan niya ako ng tingin kaya mejo napatahimik ako.

"Ikaw, pag ikaw ginawa mo din yun kay Jaki ko, sinasabi ko sayo. Mata mo lang ang walang latay."

Sabi niya. Hindi ako huminga basta tumango na lang ako ng tumango.

"Wala ka bang asawa? Baka may asawa ka na."

Sabi niya saakin na parang imbestigador siya tapos kriminal ako na pilit niyang pinapaamin. Pinagpapawisan na ako ng malagkit.

Jusko, Jaki. Isalba mo na ako.

Sabi ko sa sarili ko bago ako sumagot.

"W-wala po. Wala pa po. Baka po yung anak niyo na po yun."

Sabi ko. Lumambot naman yung expression ng mukha niya tapos uminom ng beer.

"Mabuti naman. Gusto ko sa lalake yung may paninindigan. Hindi yung liligaw ligaw tapos wala naman pala balak pakasalan. Di ba?"

Sabi niya saakin sabay patong ng kamay sa balikat ko tapos inugauga pa ako ng kaunti. Napainom nalang ako ng beer ulit tapos napangiti.

Puso: Ikalawang YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon