Saan Tayo Magsisimula

906 21 0
                                    

Vice POV

Sabado.

Ilang araw na ang nakakaraan mula nung nangyari yung press con ko. After a month of hiatus and soul searching andito na ulit ako...

Sa loob ng DR ko, kasama yung mga kaibigan kong maiingay.

"Brad! Saludo na talaga ako sayo. Grabe ha. Sa lahat ng jinowa mong basketball players dati, wala kang inamin kahit isa!"

Sabi ni Vhong na noon ay nakatayo sa harap ng salamin at nagaayos ng damit.

"Oo nga! Si Jaki lang pala ang magpapalabas ng tinatago mong pagkalalake!"

Malisyosong comment naman ni Jhong na may kasama pang giling. Sira ulo din talaga eh.

"Ang laswa mo Jhong!"

Sabi ko sakaniya sabay tayo mula sa sofa na kinauupuan ko. Humarap ako sa salamin tapos inayos yung buhok ko bago kinuha yung maong na jacket ko tapos sinuot over black D&G na shirt.

"Malaswa ba yun! Ikaw ang nagiisip, ikaw ang malaswa!"

Sabi ni Jhong na natatawa. Kinonyatan ko siya sabay takbo palabas ng DR na tumatawa. Hinabol niya naman ako kaya para kaming mga batang naghahabulan sa hallway. Pumasok pa kami sa DR ng mga dancers na agad nagkagulo dahil nagulat ata saamin.

"Awat na! Awat na!"

Sabi ko kay Jhong habang ginagawa kong shield si Madc at si Melvie. Tawa ako ng tawa dahil hindi makalapit si Jhong.

"Isusumbong kita kay Jaki! Ginagawa mo pang panangga yang mga kaibigan niya!"

Sabi ni Jhong sabay tawa.

"Uy! Pasensya na kayo. Wag kayo magalit sakin. Alis na ako in 5.. 4... 3... 2... 1!"

Sabi ko sabay takbo ulit palabas ng DR. Humabol ulit si Jhong hanggang sa makarating na kami sa loob ng studio kung saan nagrerehearse yung mga guest namin na magpoprod. Napatakbo ako sa taas ng stage kaya nagsitabi sila.

"Viceral! Anong ginagawa mo!?"

Sigaw ni direk mula sa baba ng stage. Napahinto kami pareho ni Jhong at hingal na hingal na umupo sa isang baitang ng hagdan ng stage.

"Sorry direk. Nag-cacardio lang kami."

Biro ko sabay tayo ulit. Dun ko lang napansin na nasa stage pala si Jaki at nagrerehearse kasama si Rayver. Nakataas yung isang kilay niya saakin kaya napatayo ako at napakamot sa batok.

"Magprepare na kayo! 20 minutes before air time! Nakakaistorbo kayo sa mga nagrerehearse."

Sabi ni Direk pero natatawa din sa itsura namin. Lalango lango sa pagod kaming bumalil sa DR namin at sabay na bumagsak sa sofa at uminom ng tubig. Kumuha ako ng towel tsaka nagpunas ng mukha dahil sa pawis. Tamang tama naman na dumating na si Bonita at inayusan na ako.

"5 minutes!"

Sigaw ng isang crew sabay katok sa pintuan ng DR namin. Tumayo na ako at sabay sabay kaming lumabas.

Tumayo kami sa gilid ng stage para hintayin yung prod. Katabi ko si Vhong at si Anne naman sa kabila.

"Sino ba prod ngayon?"

Tanong ko kay Anne. Tumingin siya saakin na parang nangaasar bago sumagot.

"Si Rayver tapos si Zeus!"

Natatawa niyang sabi saakin. Nagkibit balikat lang naman ako. Matagal ko nang hindi nakita si Zeus at alam ko namang hindi ko na siya gusto. Maya maya pa ay nagintro na si MOD kasabay ng pagtugtog ng kanta ni Drake na In my Feelings.

Bumukas yung malaking LED at pumasok si Rayver at Zeus na parehong nakaputing tshirt lang at maong jeans na ripped.

Ay sheeettt. Ampogi.

Hala. Anong.... inalis ko yung mata ko kay Zeus at ibinaling ko kay Jaki na nakasuot ng itim na crop top tsaka maiksing shorts na itim din. Pare pareho naman sila ng suot pero nangingibabaw siya sa paningin ko.

Kahapon lang siya bumalik sa showtime pero kung makasayaw akala mo hindi nawala ng matagal eh. Napangiti ako sakaniya. Tumingin din siya saakin tapos nagflying kiss pa.

"Grabe namam! Lakas makakilig!"

Bulong ni Vhong saakin. Siniko ko lang siya ng kunti sa tagiliran bago ibinalik yung tingin ko kay Jaki.

Pagkatapos ng prod eh umakyat kami para interviewhin si Rayver at Zeus. Nasa kabilang side sila Jaki sa likod ni Zeus.

"Zeus! Antagal mong hindi naka dalaw dito. May iniiwasan ka ata!"

Biro ni Jhong sabay tingin saakin. Siraulong to talaga. Tinaasan ko lang siya ng kilay tapos napasulyap ako kay Zeus na nakatingin pala saakin.

Tengene! Bakit ang pogi niya today? Ang lakas makapogi ng basa sa pawis na tshirt niya.

Napalunok ako. Sabay bawi ng tingin. Parang biglang kinabahan yung dibdib ko eh. Parang hindi ako makahinga.

"Uy! Ano yan ha? Sino ba?"

Birong sawsaw naman ni Rayver kaya napuno ng kantiyawan sa loob ng studio.

"Oo nga eh. Busy lang talag. Pero namiss ko kayo ha."

Sabi ni Zeus sabay tingin ulit saakin at ngiti ng pagkalaki laki. Napa-hila naman ako sa neckline ng tshirt na suot ko dahil parang hindi talaga ako makahinga.

"Eh si Vice, namiss mo ba?"

Kantiyaw nanaman ni Jhong. Nagsitilian naman yung mga tao.

"Oo naman namiss  ko din siya."

Sabi naman ni Zeus. Napalunok ulit ako at napatingin kay Zeus at kay Jaki na nasa likod lang pala niya. Nakatitig saakin si Jaki na parang kanina pa niya ako pinapanood. Umiling lang ako sakaniya na parang sinasabing wala lang yun. Tumango siya pero sa  mga mata niya, alam kong hindi siya naniniwala.

"Vicey? Okay ka lng? Bakit parang namumutla ka?"

Bulong ni Karylle saakin. Ngimiti lang ako tapos umakbay kay K dahil parang nanghihina yung tuhod ko.

"Pagod at puyat lang to."

Sabi ko sakaniy. Sinulyapan ko ulit ng mabilisan si Zeus at bigla nanamang kumabog yung puso ko sa dibdib ko.

Shit! Vice, No. Don't do this to Jaki.

Bulong ko sa sarili ko sabay hinga ng malalim tapos punas ng pawis sa noo ko.


Wala lang to. Naninibago lang ako.

Tumingin ako kay Jaki. Nakahalukipkip siya at nakatingin lang sa akin. Hindi niya inalis yung tingin niya saakin mula pa kanina.

Ako ang unang nagbawi ng tingin dahil hindi ko makayang titigan siya sa mata lalo na kung ganitong kumakabog yung dibdib ko dahil sa iba. Pakiramdam ko niloloko ko siya.

"Vice? Ayos ka lang ba talaga? You're shivering."

Bulong ni K saakin. Umiling lang ulit ako bago sumagot.

"Baliw, hindi kaya."

Sabi ko. Pilit kong pinasaya yung tono ng boses ko at inalis si Zeus sa isip ko.




Please naman, Lord. Please wag namang ganito...


Tahimik na dalangin ko.

---------------------

Tutal naman ay start from scratch tayo, might as well change a few details.

Hindi pa din ako maka-move on sa nangyari sa unang book 2.

Iyak tawa na lang.

Puso: Ikalawang YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon