Tagisan ng Puso

455 16 1
                                    

Jaki's POV

Nakatayo ako sa gilid ng stage at pinapanood ko lang sila Kuya Vhong habang nagkukulitan sa stage. Kasama dapat si Vice sa segment pero bigla siyang hindi mahanap kaya no choice sila kundi dalhin yung segment nang sila lang.

Maya maya pa ay biglang lumapit saakin si Zeus. Dumudugo yung labi niya. Bigla akong kinabahan dahil baka may kinalaman si Vice sa nangyari sakaniya.

"Zeus??"

Sabi ko. Naramdaman kong hinawakan niya yung braso ko tapos may binubulong siya.

"Akala mo ba buong buo nang sayo....."

Yun lang ang nasabi niya bago siya biglang hinila nang galit na galit na si Vice. Nagulat ako sa nangyari at napansin kong nakita din nila Kuya Vhong yun pero wala silang magawa kasi wala pang break. Susundan ko sana sila kaso tinawag ako ni direk.

Andito ako pero yung isip ko wala. Muntik pa nga akong madapa nung paakyat ako ng stage para mag-abot ng X sa contestant.

Halos magkanda haba haba na yung leeg ko kakasilip kung bumalik na si Vice pero wala pa din siya.

"Jaki, nakita mo ba si Bays?"

Tanong saakin ni Kuya Vhong after ng segment. Commercial break na nun at hahanapin ko na din talaga sana siya.

"Kuya Vhong, hahanapin ko nga din sana siya. Bigla niyang hinila si Zeus eh. Di ko nasundan."

Sabi ko. Tumango siya tapos sumenyas na hanapin na namin. Hindi ko alam kung saan ako lilingon habang naglalakad kami sa hallway. Napasok na namin lahat ng DR pero kaming nakitang Vice or Zeus.

"Baka nasa parking."

Sabi ni Kuya Vhong. Kanina pa namin tinatawagan si Vice pero wala ding sagot. Sinubukan na din ni Kuya Vhong tawagan si Zeus pero wala ding sagot.

"Vice. Asan ka nanaman ba."

Mahinang bulong ko sa sarili ko kasunod ng isa isang pagpatak ng mga luha ko.

Nung makalabas na kami sa parking eh agad naming nakita si Vice. Alam na alam ko kahit nakatalikod siya na siya yun. Nakaupo siya sa hood ng kotse pero hindi sakaniya yun. Nakabulsa yung magkabilang kamay niya sa pantalon niya at nakayuko, tila napakalalim ng iniisip.

"Viceral!"

Sigaw agad ni Kuya Vhong sabay takbo palapit sakaniya. Humabol din ako.

"Vhong? Jaki? Bakit?"

Matamlay niyang sabi na parang walang nangyari. Nagulat ako sa reaksyon niya at ganun din si Kuya Vhong.

"Baliw! Anong ibig mong sabihin na bakit?? Eh nakita namin yung ginawa mo kay Zeus! Anong nangyari??"

Hysterical na sabi ni Kuya Vhong. Sinubukan kong huliin yung mga mata ni Vice pero hindi ko magawa dahil umiiwas siya.

"Wala yun. May pinagusapan lang kami."

Matamlay niyang sabi. Parang sasabog yung dibdib ko sa nararamdaman kong sakit. Hindi ko napansin na tuloy tuloy na pala yung mga luhang pumapatak sa mga mata ko. Napatingin saakin si Vice at parang biglang bumalik siya sa sarili niya. Lumapit siya saakin tapos niyakap ako ng mahigpit.

"Tsk. Maya na tayo mag-usap. Mauna na ako sa loob."

Narinig kong sabi ni Kuya Vhong bago naglakad palayo. Niyakap ko si Vice at dun ko lang hinayaan yunhmg sarili ko na humagulgol ng iyak. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko magawang sumbatan siya o magalit manlang sakaniya. Sobrang nanghihina ako, nasasaktan kahit wala pa man siyang sinasabi. Ramdam ko na.

"Jaki, may gusto akong sabihin sayo...."

Umpisa niya. Ito yung mga bagay na ayaw na ayaw kong marinig mula sakaniya dahil walang kasunod na maganda yun. Nararamdaman ko. Lumayo siya saakin tapos kinuha niya yung dalawang kamay ko sa magkabila niyang kamay bago ako tinignan sa mga mata ko.

"Una sa lahat mahal na mahal kita. Don't ever forget that. Pangalawa sa lahat, gusto kong pagkatiwalaan mo ako. Pangatlo, gusto kong sabihin sayo na...."

Sabi niya. Napahinto siya na parang nahirapan siya biglang magsalita. Napansin kong balisa siya kaya hinigpitan ko yung hawak sa mga kamay niya.

"Mahal kita, kung ano man yan, alam mong tatanggapin ko pa din kahit masakit."

Sabi ko sakaniya. Pumikit siya ng madiin bago ako ulit tignan sa mga mata niya. I saw guilt and regret sa mga mata niya. Bigla akong nanlamig at natakot.

"Kagabi, sa bar. Kasama namin si Zeus... I don't know, i was drunk. Lasing na lasing ako at inalalayan niya ako hanggang sa kotse niya para sana ihatid ako pauwi... Jaki, I.... I kissed him."

Nanginginig ang boses na pagamin niya. Natulala ako. Parang hindi kayang iproseso ng utak ko yung mga salitang sinabi niya.

"He kissed you??"

Tanong ko. Nagbabakasakali na nagkamali lang ako ng dinig pero umiling siya.

"No. I kissed him... Please, listen to me. I was drunk. I didn't know what I was doing... I..."

Nasampal ko siya. He stood there na hawak yung pisngi niya na sinampal ko. I was waiting for regret to kick in, pero wala akong naramdamang pagsisisi.

"Why?!??"

Yun na lang ang naitanong ko. Bakit! Bakit niya nagawa yun.
Hindi siya nakasagot kaagad. Sinubukan niyang hawakan yung kamay ko pero hindi ko hinayaang magawa niya yun.

"Jaki, wala ako sa sarili nun. Hindi ko alam kung ano pang pwede kong sabihin para maexplain ko sayo ng mabuti."

Umiiyak na siya. Natawa ako nga malakas. Pakyung bakla to.

"Lasing ka? Tang ina naman Vice! So pag lasing ka wala ka dapat palampasin ko na lang yung kagaguhan mo??"

Galit na galit talaga ko sakaniya. Buong buhay ko ngayon ko lang nasubukan na magalit nang ganito sa isang tao.

"No, Jaki. Alam ko walang excuse yung ginawa ko. Yung nagawa ko. Pero hindi ko na maiibalik yun. Please. Gusto niyang magging kami, kahit tayo na. Hindi ako pumayag, Jaki. Walang iba. Ikaw lang. Tinatakot niya ako na sasabihin niya sayo yung nangyari kung hindi ako papayag kaya nasapak ko siya. Kaya hinila ko siya kanina palabas."

Mahabang explanation niya pero hindi maabsorb ng utak ko. Gusto ko siyang paulit ulit na saktan.

Hinampas ko siya sa dibdib ng paulit ulit. Alam kong nasasaktan ko siya pero hinayaan niya lang akong gawin yun. Huminto lang ako nung makaramdam na ako ng pagod.

Lumayo ako sakaniya.


"Hindi ko alam kung paano kita titignan o kakausapin ngayon, Vice. Hindi ko alam. Hindi ko kaya."

Sabi ko sabay talikod sakaniya at alis pabalik ng studio. Naramdaman kong hahabulin sana niya ako pero hindi niya tinuloy.

Pumasok ako sa DR kung saan nandun din pala sina Tom. Napansin ata nilang umiiyak ako kaya lumapit sila kaagad. Hindi ko na alam kung sinong yumayakap saakin ng mga oras na yun pero nagpapasalamat ako sakanila dahil dinadamayan nila ako.


"Uy, tahan na. Tahan na, wag ka na umiyak."

Pagpapakalma saakin ni Vitto. Siya pala yung nakayakap saakin. Kumalma ako ng kaunti tsaka umupo sa sofa.

"Anong nangyari?"

Tanong ni Tom. Tatlo lang kaming andun ng mga oras na yun. Siguro dahil sa sobrang sama ng loob kaya nagawa kong magkwento sakanila. Nakinig lang sila saakin at walang ibang ginawa kundi pakalmahin ako. Hindi namin namamalayan na nagtatawanan na pala kami.


"Salamat ha. Ang weird lang pero salamat sinyo."

Sabi ko. Natawa nalang kami nung marealise na ex ko pala sila pareho.


Nakakaloka.


Puso: Ikalawang YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon