Real Issues

453 20 5
                                    

Vice's POV

Nabore ako sa bahay na walang ginagawa kaya nagpunta na lang ako sa mall. Kanina ko pa tinetext si Jaki, pero walang reply. Baka busy sa panonood yun. Hindi ko ba alam kung bakit bigla akong nag-crave ng ramen ngayon, baka dahil sa panahon. Mejo maulan kasi.

Pumunta ako dun sa favorite Ramen place ko. Pag pasok ko palang ay nakita ko na agad si Vitto at si Ronnie. Mag-hehello sana ako kaso napansin kong may mga kasama. Napabaling yung atensyon ko sa babaeng nasa tapat ni Vitto. Nakatalikod siya pero kilalang kilala ko kung sino yun.

Si Jaki.

Naningkit yung mga mata ko sa inis. Sabi niya girls bonding pero may kasamang tatlong lalake? Wow. Triple date pa ata. Lumapit ako sa likod ni Jaki pero hindi agad namalayan ni Jaki yun. Si Ronnie ang unang nakakita saakin.

"Kuya Vice. Andito ka pala. Tara kain tayo."

Mejo kinakabahang sabi niya. Halatang nagulat siya at magging ang mga kasama niya. Napalingon saakin si Jaki na mukhang nagulat din na andun ako. I just looked at her cooly.

"B-babe? Kumain ka na ba?"

Tanong niya saakin na parang wala siyang ginawang mali. Umakyat lahat ng dugo ko sa ulo sa inis pero hindi ako nagreact.

"Busog na busog na ako."

Sabi ko sabay talikod para umalis. Narinig ko namang tumayo siya mula sa kinauupuan niya at nagpaalam sa mga kasama bago niya ako sinundan.

"Wait!"

Sigaw niya. Humarap ako sakaniya na walang kagana gana dahil sa totoo lang eh nagugutom na din ako. Wala pa akong kain mula kanina.

"Akala ko ba girls bonding? Oh, kelan pa nagging girls ang hashtags?"

Sarkastikong sabi ko sakaniya sabay bulsa ng dalawang kamay ko sa mga bulsa ng pantalon ko. Lumapit siya at hinawakan yung braso ko.

"Hindi naman talaga namin sila dapat kasama. Nagkataon lang na...."

Sabi niya pero hindi ko na pina tapos yung sasabihin niya. Inalis ko yung kamay niya sa braso ko at tumalikod na paalis. Humabol nanaman siya saakin.

"Ano ba! Kinakausap kita ng maayos."

Mejo may inis niyang sabi. Wow. Siya pa talaga yung galit ngayon. Ang galing naman.

"Now, you want to talk?? Samantalang kanina pa ako text ng text..."

Sabi ko sakaniya pero hindi ko na agad natapos yung sasabihin ko dahil pinutol na niya.

"Tignan mo muna kasi yung reply...."

Sabi niya. Pero hindi ko din siya pinatapos sa sasabihin niya at naglakad na lang ako ulit paalis. Ayoko ng away, lalo na at nasa public place kami. Kaya aalis na lang ako at magpapalamig muna ng ulo.

"Bahala ka kung ayaw mong makinig. Useless magexplain sayo."

Inis na inis na sabi niya na nagpatigil saakin sa paglalakad. Humarap ako sakaniya at naglakad palapit. Sobrang inis ang nararamdaman ko sabay sumabay pa ang gutom ko.

"Bahala na ako?? Bahala na ako, Jaki?? Fine! Bahala na ako mula ngayon!"

Gigil na gigil na sabi ko sakaniya. Natahimik lang siya at hindi na sumagot pa. Tumalikod na lang ako at umalis na. Hindi naman niya ako sinundan. Tinawagan ko si Vhong at nalaman kong nasa isang restaurant lang din siya malapit sa mall kasama yung isa niyang anak. Pinuntahan ko sila at eksakto namang kakaorder lang din nila.

"Ano ba nangyari sayo brad? Mukha kang bad mood?"

Sabi ni Vhong nung tapos na kami sa pagkain at umiinom na lang kami ng wine. Nauna na din yung anak niya na umalis dahil sasamahan daw yung mommy niya na mamili ng groceries.

Puso: Ikalawang YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon