Vice's POV
Nakaupo ako sa kotse ko, unable to move. Hindi dahil hindi ako makagalaw kundi dahil sa takot. Takot sa pwedeng mangyari dahil sa umaagos na dugo sa balikat ko. Takot dahil baka huling araw ko na ito sa mundo at higit sa lahat....
Takot na maiiwan si Jaki mag-isa sa mundong to na wala ako.
Ilang minuto pa ang nakaraan bago ako nakarinig ng siren ng pulis at ambulance napasandal yung ulo ko sa sandalan ng upuan at napapikit yung mga mata ko.
Dilim. Nawalan ako ng malay.
Bumalik ang huwisyo ko pero hindi malinaw ang lahat saakin. Alam kong nakasakay ako sa ambulasiya at nakikita ko yung ilaw nito. Asul at pula.
Sinubukan kong magfocus sa lalakeng nakaupo sa gilid ko pero ilang segundo lang ay hinila nanaman ako ng kadilima.
Bumalik ulit yung ulirat ko habang nakasakay sa strecher. Tanging yung mga ilaw sa ceiling ang nakikita ko habang hinihila nila ako papasok sa kung saan na hindi ko alam. Lilingon sana ako pero gaya ng kanina eh napasama nanaman ako dilim.
Nagising ako sa nakakasilaw na liwanag na paligid. Nagtakip ako ng mata dahil halos mabulag na ako sa liwanag dun.
"Jose Mari?"
Sabi ng isang boses. Ibinaba ko yung kamay ko. Mejo nagaadjust pa sa liwanag yung mga mata ko pero nakita kong may lalakeng nakaputi na nakatayo sa harap ko. Kumurap kurap ako.
Hindi ako pwedeng magkamali.
Si Vin.
Nakangiti habang nakatingin saakin. Payapa ang mukha at halos parang sakaniya nanggagaling yung liwanag sa paligid.
"Vin? Jusko. Patay na ba ako???"
Sabi ko sakaniya sabay tingin sa kamay at katawan ko. Nakasuot ako ng puting long sleeves at puting pantalon pero wala akong sapatos. Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Walang kahit ano akong nakikita kundi puti hanggang sa dumako yung mata ko sa isang hagdan. Sinundan ko ng tingin yung hagdan pero hindi ko makita kung saan ito papunta. I heard a soft chuckle. Napatingin ako kay Vin. Sumeryoso siya bago nagsalita.
"Meron kang 24 hours para magpaalam sa mga maiiwan mo. 24 hours para gawin ang mga bagay na dapat sana eh ginawa mo."
Sbai niya saakin. Napalunok ako. Hindi ako makapaniwala. Imposibleng sa ganito na lang matatapos ang lahat.
"Paano? Paano nangyari to?"
Nalilitong tanong ko. Napabuntong hininga siya. Nakakapagtaka kasi di ba pag patay na wala ng hininga? Anyway. Malungkot ang mga mata niyang tumingin saakin.
"Matagal na dapat natapos ang kwento ng buhay mo, Vice. Pero there was an intervention, kaya nadugtunga pa ito. Bawat desisyon natin sa mundo ay nagkakaroon ng epekto sa ihahaba ng pagistay natin dun. Pero ultimately, may hangganan ang lahat. Gaya ko. Halika, may ipapakita ako. "
Sabi niya saakin bago tumalikod at naglakad. Wala sa sariling sumunod ako sakaniya. Hindi ko alam kung saan nanggaling yung pintuan na pinasukan niya pero sumunod ako.
Sumalubong saakin ang naparaming kandila sa loob ng madilin na kuwarto. May malaking water falls sa gitna na nahuhulog sa isang maliit na lawa. At sa gitna nun ay may nakalutang na itim na malaking libro.
I'm sure panaginip lang to. Sure na sure ako. Asan ba ako. Panaginip lang to. Sana magising na ako kasi ang creepy na eh.
"I know, i know. Cliche ba? Libro... Water falls. Ganiyan din naisip ko pero ito talaga yun. Dito nakasulat ang kwento ng buhay ng bawat tao sa mundo."
Sabi ni Vin sabay tayo sa harap ng libro. Tumayo ako sa tabi niya. Still unable to say anything. Sana magising na talaga ako. Napapikit ako ng madiin nung nakita kong binuklat niya yung libro.
"Huy! Sabi ko may ipapakita ako sayo! Bakit ka pumikit?"
Sbai niya saakin. Dahan dahan akong nagbukas ng mata ko at tinunghayan yung pahina na pinapakita niya saakin. Napalunok ako bago nagbasa. In black in written over brown parchment paper. Yung kwento ng huling araw ni Vin sa mundo. Napakunot ang noo ko dahil may nakasulat pa sa ibaba. In red ink. Binasa ko yun bago gulat na napalingon sakaniya. Tumango siya ng marahan bago nagexplain.
"Oo. I was given two choices that night. Sumakay sa taxi para puntahan si Jaki sa ospital at...."
Sabi niya sabay nguso sa passage na naisusulat in red ink. Kung sa labas ito ng tunay na buhay o kung saan man, sigurado akong pinagpapawisan na ako ng malamig at baka hinimatay na ako.
"... Kung tumawag ka sa kuya mo at umuwi muna sa bahay niya.... Sana... Buhay ka pa."
Sabi ko. Nanlalambot yung mga tuhod ko pero hindi naman bumigay ang mga yun. Gusto kong umiyak pero hindi ako makaiyak. Vin patted my shoulder at tinignan ako sa mga mata.
"I chose to save you. Hindi naman ako nagsisi."
Nakangiting sabi niya saakin. Umiling ako na parang hindi makapaniwala. Iniscan niya ulit yung mga pahina at lahat ng mga salita ay nakasulat na in red ink.
"Alam mo, bihira lang ang nabibigyan ng chance na makita itong librong to. Pero hindi ko na binasa yung mga 'sana' dahil hindi ko na yun maibabalik. Ikaw? Gusto mo bang basahin yung sayo?"
Tanong niya saakin. Umiling lang ako at malungkot na tumalikod sa libro. Inakbayan niya ako palabas ng kuwarto na yun at pabalik sa puting lugar na may hagdan.
Tumingin ako sakaniya.
" Wait.... Ibig sabihin, ikaw yung intervention kaya nabuhay pa ako?"
Gulat kong sabi sakaniya. Tumango siya sabay ngiti.
"So... Patay na ako?"
Tanong ko sakaniya. Malungkot siyang tumingin saakin.
"Hindi pa. Gaya ng sabi ko kanina, meron kang 24 hours para bumalik sa mga mahal mo para magpaalam. Make it count."
Sabi niya. Magtatanong pa sana ako pero bigla akong tinangay ng malakas na hangin tapos biglang dumilim ang paligid. Ilang minuto pa ay naramdaman kong nakahiga na ako sa kama. Mabigat ang talukap ng mga mata ko pero pinilit kong ibukas ang mga yun. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng kuwarto ay nakita ko si Buern na tulog habang nakaupo sa sofa katabi ni Vhong. Naramdaman kong may nakahawak sa kamay ko, tinignan ko yun.
Si Jaki. Tulog sa gilid ng kama ko. Nagadjust ako para maayos ko yung buhok niya na nakatakip sa mukha niya. Naramdaman kong gumalaw siya pero hindi gumising agad.
"Sorry.... I love you."
Halos pabulong kong sabi sakaniya.
--------------
Yes. Tama. Oo. Hahaha.
BINABASA MO ANG
Puso: Ikalawang Yugto
RomantizmBook 2 ng PUSO. Inulit ko dahil hindi ko maisip kung paanong nabura yung buong Book 2 na nauna kong isinulat. ?