YOLO

574 23 0
                                    

Vice's POV

Halos mabaliw na ako kakahanap kay Jaki. Alam na alam ko kung bakit siya nawawala pero hindi ko malaman kung saan siya nagpunta.

Tang ina naman kasi Vice!

Galit sa sabi ko sa sarili ko sabay hampas sa manibela ng kotseng minamaneho ko. Hindi ko na nga tinapos yung Showtime kanina nung malaman ko kay Madc na biglang nagpaalam si Jaki na aalis. Sabi daw masakit ang tiyan pero alam kong hindi yung ang totoong dahilan.

Tinawagan ko si Kiko dahil nagbabakasakali ako na napagpad si Jaki dun pero wala daw.

Pumunta ako sa condo niya pero sabi ng guard eh hindi pa daw siya umuuwi. Tinawagan ko na din si Madc pero wala din daw sagot sa mga text niya. Hindi ko na din siya matawagan, mukhang nagpatay siya ng telepono.

Huminto ako saglit sa isang gasulinahan para kumalma at magisip. Malapit nang dumilim nun. Kinuha ko yung cellphone ko nagcheck ako ng IG, tweeter at fb baka sakaling may nagpost or baka nagpost mismo si Jaki.

"Asan ka na ba, Babe..."

Sabi ko sabay scroll down. Lipat sa IG, scroll down, lipat sa fb, scroll down.

Biglang nahagip ng mata ko yung account ni Jaki. Inopen ko yun at chineck yung info.

Antipolo. Tama taga Antipolo nga siya! Pero taga saan siya dun? Bahala na nga.

Nagdrive ako papuntang Antipolo. Habang nasa daan ay biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Huminto ako sa isang restaurant, nagbabakasakaling may nakakakilala sakaniya tutal naman ay sikat na siya.

Nagpark muna ako bago ko sinugod yung ulan patakbo sa loob ng restaurant. Halos walang tao dun kaya agad akong nakapunta sa may chashier.

"Miss. Excuse me po. Ahhmm. Kilala niyo ba si Jaki Gonzaga?"

Bakasakaling tanong ko. Nangunot yung noo ni Ate tapos napatingin sa kasama niya. Napatingin naman saakin yung kasama niya tapos saglit na natigilan bago nakapagsalita.

"Vice Ganda!!"

Sabi niya sabay hila sa braso ng kasama niya. Nagsilabas na yung iba pa nilang kasama pati yung guard naki-lapit na din. Pinagbigyan ko sila sa request nila na picture picture tapos ako ulit nagtanong kung kilala nila si Jaki.

"Gonzaga... Ay! Oo alam ko na. Ito po isketch ko po para sainyo. Dun sa malaking bahay yan nakatira! Kina Nay Esang."

Sabi nung guard sabay hablot ng ballpen at papel mula sa ibabaw ng cashier's table. Abot abot naman ang pasasalamat ko sakanila bago ako umalis.

Habang hinahanap ko yung bahay na sinasabi nila eh bumuhos nanaman ang napakalakas na ulan. Natanaw ko na yung sinasabi kanina nung guard na green na gate.

"Wow! Yayamanin pala itong si Jaki."

Sabi ko sa sarili ko habang nagpapark sa harap ng gate. Sobrang lakas ng ulan pero hindi ko hinintay pa na tumila yun. Bumaba ako tapos nag-door bell. Pero mukhang sa lakas ng ulan eh walang nakakarinig. Kumatok na lang ako sa gate gamit yung palad ko sabay doorbell ulit.

Basang basa na ako mula ulo hanggang sapatos at nanginginig na din talaga ako sa lamig nung bumukas yung pinto at sumilip ang isang matandang babaeng nakapayong.

"M-a-magandang g-gabi p-p-po. A-ndiyan p-po b-b-ba s-i J-Jaki?"

Nangangatal sa lamig na tanong ko. Namukhaan naman agad ako nung matanda dahil nanlaki yung mata niya.

"Naku!! Vice?? Ikaw ba yan?! Halika pumasok ka!"

Sabi niya sabay bukas ng gate para makapasok ako. Yakap yakap ko yung sarili ko habang naglalakad papasok ng bahay. Nasa harap lang ako ng pinto dahil tumutulo ako mula ulo hanggang paa nung biglang may bumaba mula sa hagdan.

Puso: Ikalawang YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon