Move On

637 18 0
                                    

Vice's POV

Maaga kong sinundo si Jaki sa condo niya at sabay na kaming pumasok. Isinabay na din namin si Melvie at Madc sa mugtong mugto pa ang mga mata.

Kadarating namin sa studio ng Showtime at si Anne kaagad na kumakanta ang nakasabay namin, kahit mejo mababa ang morale sa loob ng studio dahil sa nangyari.

"Jusko Anne. Sumasakit yung ulo ko sa boses mo. Manahimik ka nga."

Biro ko sakaniya. Nilingon niya ako sabay make-face lang. Magkahawak kamay kami ni Jaki habang naglalakad kaya kami naman ang pinagdiskitahan niya.

"Wag nga kayong holding hands ng holding hands. Nauumay na ako hindi pa ako kumain."

Sabi niya sabay pasok sa DR nila. Natawa naman si Jaki sa tabi ko.

"Inggitera eh no? May asawa na't lahat inggitera pa."

Sabi ko sabay tawa. Hinatid ko muna si Jaki sa DR nila, nasa loob na yung ibang hashtags at ibang mga kasama nilang dancers. Mejo malungkot pa din sila pero mukhang may pakulo sila.

"Hi Kuya Vice. Gumagawa kami ng video in memory of Frank. Alam namin na gusto niya masaya lang palagi eh. Tara sama ka."

Bati nila Ronnie saakin sabay lapit sa may pintuan.

"Ganu ba? Baka hindi siya matuwa pag sumayaw ako."

Biro ko sakanila. Nagtawanan naman sila bago nagsibalik sa mga ginagawa nila. Kaniya kaniya sila ng posisyon.

"Kuya Vice! Lika na, sama ka! IGs lang. Dali! In my feelings dance challenge!"

Sabi ni Ronnie. Bigla naman akong hinila ni Jaki papasok ng DR.

"Tara, dali! Girls vs Boys! Para kay Frank. Magugustuhan niya to kung nasan man siya."

Sabi niya pa. Gatong din tong girlfriend ko eh. Sinakyan ko na nga lang yung trip nila. Tinuruan naman nila ako ng steps muna bago kami ng-video. Nauna kami nila Ronnie tapos sumunod naman ang girls.

"Padamihan ng likes and share ha! This day lang. Kung sino matatalo, kailangan gawin yung dare ng nanalo!"

Confident na sabi ni Jaki saamin. Nagtawanan naman kami.

"Wow lang talaga! Kuya Vice! Ang taas ng confidence level ng girlfriend mo. Papayag ka ba dun!"

Sabi ni Nikko. Nagtawanan lang kami.

"Wag kayong mag-alala. Basta magisip na lang kayo ng magandang dare para sakanila. Gagawin nila on air mamaya bago matapos ang Showtime."

Sabi ko. Nagapir pa kaming mga boys. Tinaasan lang naman kami ng kilay nila Jaki.

"We'll see!"

Sabi niya. Tumawa lang ulit ako. Ayaw din talaga magpatalo eh.

"Oh siya. Mauna na ako. Magbibihis pa ako eh. Love you."

Sabi ko sakaniya. Nagkantyawan naman yung mga kasamahan niya kay namula siya bigla. Tumawa lang ako bago lumabas ng DR.

Pag-pasok ko sa DR namin eh tahimik lang yung mga kasama ko. Mukhang ayaw nilang pagusapan yung nangyari dahil baka masira ang mood. Hinayaan ko nalang sila.

Nagbihis na ako, nag-tshirt lang ako ng kulay puti na may Gucci na logo sa harap tapos itim na maong shorts at gucci din na sneakers.

"Vice, kamusta naman si Madc? Sobrang upset daw siya sa nangyari."

Sabi ni Jhong. Napalingon ako sakaniya bago bumuntong hininga.

"Ayun, iyak ng iyak kagabi. Pero ngayon mukhang kahit paano eh okay na siya."

Puso: Ikalawang YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon