A Walk To Remember

527 18 17
                                    

Vice's POV

Mula nung nagising ako kanina eh halos ayoko ng pumikit pa. Hindi mawala sa isip ko yung panaginip ko na parang totoong totoo. Panaginip nga kaya yun? Haay ewan.

Kung bente-kuwatro oras na lang ang itatagal ko sa mundo, puwes hindi ko yung gugugulin ng nakahiga lang sa kamang to. Nilingon ko si Jaki na natutulog na sa sofa at si Buern na nagaayos ng mga pagkain sa maliit na mesa bago ako dahan dahang umupo. Mejo kumikirot yung balikat ko pero dahil may morphine pa sa system ko eh hindi pa yun ganun kasakit.

Kakaayos ko lang ng upo nung saktong pumasok yung doctor ko. Lumapit siya saakin habang nakangiti.

"Oh! Mr. Viceral? Already trying to get up? Okay na ba?"

Tanong niya saakin bago nagsuot ng stethoscope at pinakinggan ang puso ko.

"Doc, pwede bang lumabas na ako. Babalik ako bukas, in time for the operation."

Sabi ko sakaniya. Gulat siya sa narinig at hindi nakasagot kaagad. Tinanggal niya muna yung stethoscope at sinabit yun sa leeg niya bago ngumiti at nagsalita.

"Sorry Mr. Viceral but you need to rest para naman gumaling ka kaagad."

Sabi niya sabay tap sa braso ko. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi niya naiintindihan kung bakit ko gustong lumabas na.

"No, doc. Okay na ako. I feel fine. I just want to get out of here and just do things.... Habang pwede pa."

Wala sa sariling sabi ko na halos pabulong na yung huling sinabi ko. Tumango siya ng kaunti.

"Okay, I will allow it. Sa isang kundisyon."

Sabi niya. Napaupo ako ng maayos tapos ngumiti sakaniya bago marahang tumango.

"I will only give you 6 hours, then balik ka na dito sa hospital. Is that okay?"

Sabi niya saakin. Napasimangot naman ako. 6 hours? Anong magagawa ko sa 6 hours.

"Doc, gawin mo namang 8 hours. 4am pa lang oh."

Reklamo ko. Natawa si Doc ng kaunti bago nagisip at tumango.

"Sige. 8 hours, ayusin ko muna mga discharge papers mo. The moment you feel sick or anything bumalik ka kaagad dito. Understood?"

Sabi niya. Parang batang tumango lang ako at ngumiti.


Mag-aalas sais na nung marelease ako sa hospital. Hindi na ako nagaksaya pa ng oras. Sinama ko si Buern at Jaki tapos dinaanan namin si Negi at kinulit ko si Vhong, Anne at K na umabsent na sa Showtime para makapag beach kami.

Yun lang ang huling bagay na gusto kong gawin, bago ako.... bago ako mawala. Inalis ko muna sa isip ko yun para maenjoy ko ang company nila.

"Ano bang naisipan mo at kahit hindi ka pa magaling eh lumabas ka kaagad? Hindi na ba makapaghintay itong outing na to?"

Birong tanong ni K na noon ay nakaupo sa harapan ko. Katabi niya si Anne at nasa dulo si Vhong. Katabi ko naman si Jaki at si Buern sa kabila at magisa ni Negi sa likuran. Hawak ko yung kamay ni Jaki na kanina pa tahimik. Alam kong nagtataka siya at alam kong nararamdaman niya din kung ano tong ginagawa ko, pero hindi niya magawang magtanong.

"Feeling ko gagaling ako agad pag wala ako dun eh. Isa pa halos hindi na nga masakit eh."

Pabidang sabi ko. Naka-arm sling yung kaliwang kamay ko. Sa totoo lang kanina pa kumikirot yung buong kaliwang balikat ko hanggang braso pero hindi ko na lang sinabi.

Puso: Ikalawang YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon