24 Hours, I Need More Hours

508 21 25
                                    

Jaki's POV

Bago pa masabi ni ate Buern saamin ang kalagayan ni Vice eh hinimatay na ako sa kaba.

Nagising na lang ako na nakahiga sa isang sofa sa loob ng hospital room. Nilibot ko ng tingin yung kwarto at nakita ko namang andun sila Madc at Kuya Vhong. Lumapit sila agad saakin nung makitang nagising na ako. Umayos ako ng upo sa sofa at inabot yung bote ng tubig na binibigay ni Madc at uminom mula dun bago nagsalita.

"Kuya... Si Vice?"

Nanghihinang tanong ko. Umupo si Kuya Vhong sa tabi ko at si Madc sa kabilang side.

"Nasa operating room pa siya, Jaki. Kailangan niyang salinan ng dugo kasi sobrang daming dugong nawala sakaniya...."

Umpisa ni Kuya Vhong na halatang nagpipigil na din ng iyak. Namalayan ko na lang na tumutulo nanaman pala yung mga luha ko.

"Exploding bullet daw ang tumama sakaniya. Mabuti na lang at hindi direct na tumama sa katawan niya ay walang vital organs na tinamaan."

Malungkot na sabi nito. Nalito naman ako sa sinabi niya. Dahil wala naman akong alam sa mga ganun.

"Anong... Ibig mo sabihin sa.. Exploding?"

Gulong tanong ko sakaniya. Sumandal muna siya sa sandalan ng sofa tapos huminga ng malalim tila iniisip kung paano niya ieexplain yun saakin.

"Yung simple explanation siguro is... Pag tumama yung bala sa isang bagay, eh sumasabot pa siya. Sa case ni Vice swerte pa daw siya sabu ng doctor dahil 5 openings lang at isang bala lang yung tumama."

Agad ko namang natutop yung bibig ko sa narinig. Hindi ko alam kung anong kasalanan ang nagawa namin sa mundong ito para mangyari saamin tong mga pagsubok na to. Humagulgol na lang ako sa iyak. Maya maya pa ay pumasok na si Ate Buern na may dalang pagkain. Iniayos niya yun sa maliit na lamesa sa loob ng kuwarto bago tumabi saakin para abutan ako ng pagkain.

"Kailangan mong kumain bebe girl. Kailangan nating magging strong para kay meme."

Sabi niya sabay abot saakin ng styro na may lamang lugaw. Inabot ko na lang yun at tahimik na kumain kahit wala akong gana. Tahimik kaming kumain bago kumatok at pumasok ang isang doctor. Sabay sabay kaming napatayo.

"Doc. Kamusta po si Vice?"

Tanong ni kuya Vhong kaagad. Nagtanggal naman ng mask yung doctor bago kami isa isang tinignan. Kinabahan nanaman ako bigla.

"Hindi pa namin nakuha lahat ng debris sa katawan niya dahil masiyado nang madaming dugo ang nawala sakaniya. Sa ngayon stable naman ang vitals niya. We scheduled another surgery tomorrow. Nasa recovery room na siya pero after an hour ay ililipat na siya dito. "

Halatang pagod na pagod si doc pero nagawa niya pa din ngumiti. Ilang saglit pa kaming tulala hanggang makaalis si doc bago kami sabay sabay na nakahinga ng maluwag at nagyakap lahat.

"Sabi ko naman sayo, kabayo yun. Kaya niya yan."

Sabi ni kuya Vhong saakin. Pabagsak kaming napaupo ni ate Buern sa sofa.

"Kailangan ko na muna umuwi sa condo, bes. Ihahatidan kita ng damit bukas. Low batt kasi ako at baka andun na si Melvie, magaalala yun pag hindi tayo inabutan."

Paalam ni Madc sabay tayo. Nagpaalam siya kay kuya Vhong at ate Buern at sinamahan ko na siya palabas ng hospital.

"Bes, wag mo pabayaan sarili mo ha. Baka mamaya niyan eh magkasakit ka naman."

Bilin ni Madc. Nagsmile lang ako sakaniya bago yumakap at nagpaalam. Inantay kong makasakay siya ng taxi bago ako bumalik sa loob. Dumaan ako saglit sa maliit na chapel ng hospital para magdasal bago ako bumalik sa kwarto.

Puso: Ikalawang YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon