Flashback pa din.
Vice's POV
Nung makahugot na ako ng lakas ng loob eh nagayos na ako. Nagsuot lang ako ng simpleng puting short sleeves na polo tapos black na pants at rubber shoes.
"Nay, tara na po. Nagtext na ako sa mommy ni Jaki."
Sabi ko habang nagaantay sa nanay ko sa baba ng hagdan.
"Wow naman nay! Kasal na ba?"
Sabi ko nung makitang sobrang pormal ng suot niya. Walang imik siyang naglakad pababa ng hagdan.
"Kailangan naman eh maayos ako ano. Siyempre mga magulang yun ni Jaki."
Sabi niya. Inalalayan ko siyang maglakad papunta sa van at magkatabi kaming bumiyahe. Habang nasa biyahe ay kinuwentuhan ko si Nanay tungkol sa mga magulang ni Jaki.
Pagbaba namin sa harap ng gate nila Jaki ay agad naman kaming sinalubong ni Nanay Esang.
"Vice, naku! Pasok kayo. Pasok."
Sabi niya saamin ni Nanay habang binubuksan yung gate nila.
"Nay, si Nanay Rosario nga pala. Nanay ko po."
Pakilala ko sa nanay ko. Ngumiti naman si Nanay Esang at nakipagbeso pa sa nanay ko. Wow close sila.
Pinapasok niya na kami at sinamahan sa may garden kung saan andun si Tita at tito.
"Johnny! Andito na si Bays, kasama niya si Rosario yung nanay niya."
Hyper na pakilala ni Nanay Esang. Agad namang napalingon si Tita saamin sabay tayo at salubong saamin.
"Vice! Iho! Hello. Rosario? Naku, nice meeting you. Halikayo dito."
Sabi niya saamin sabay lingon sa asawa niya na noon ay nakatayo na din at nakatingin saakin ng deretso. Kinabahan ako bigla sa tingin niya.
"Buntis ba si Jaki??"
Seryosong tanong ni tito saakin habang magkakaharap kaming nakaupo sa coffee table at nagkakape.
Nagulat naman ako sa tanong niya kaya naubo ako.
"Naku! Tito, hindi po. Sabi ko naman po noon sainyo, wala pong nangyayaring.... ano..."
Sabi ko. Hinaplos naman ni Nanay yung likod ko habang nakangiti kay Tito Johnny.
"Naku, Johnny kakikita ko lang sa anak mo kanina. Bilang nanay at babae na din, alam kong hindi buntis si Jaki."
Sabi niya. Nakahinga naman ng maluwag si tito Johnny at napatingin sa asawa.
"Vice, gusto ka namin para sa anak namin. Pero hindi ba masyadong maaga pa para jan?"
Tanong ni tita saakin. Nagsmile lang ako sakaniya bago sumagot.
"Maniwala po kayo tita, naisip ko na po yan. Pero yung pagmamahal ko po sa anak niyo, siguradong sigurado po."
Sabi ko. Halos manginig ako sa kaba. Ganito pala ang pakiramdam na kausap mo yung mga magulang ng taong gusto mong makasama habang buhay. Hindi ko maiexpress ng tama ang mga iniisip ko.
"Ako man eh naisip na din yan. Opinion ko lang, siguro kung papayag naman si Jaki, eh sila nang dalawa ang mag-uusap at magdedesisyon kung handa na ba sila. Nandito kami para ipagpaalam lang naman din sainyo bilang mga magulang ni Jaki na itong si Tutoy eh gusto na siyang alukin ng kasala. Pero ang desisyon siyempre nasa anak niyo pa din."
Paliwanag ni Nanay. Buti na lang pala may dala akong reinforcement. Napaisip si Tito at tita sa sinabi ni nanay.
"Tama po yun tita. Gusto ko lang pong pormal na ipaalam sainyo yung intensyon kong palasalan ang anak ninyo, at hingin na din po ang blessing ninyo. Sa huli po, kung hindi pa po handa si Jaki, hihintayin ko pa din naman po. Advance lang po ako magisip."
Pabiro kong sinabi yung huling linya. Nakahinga ako ng maluwag nung nakita kong ngumiti si tito Johnny at tumango.
"Walang problema saakin. Mabuti nga yun at inuna mo kaming sabihan. Binibigay ko sayo yung blessing ko."
Sabi ni Tito Johnny. Si tita naman ay ngumiti lang din tapos tumayo at umalis saglit. Bumalik siyang may dalawang isang velvet na box. Ipibatong niya yun sa harapan ko bago nagsalita.
"Anak, ito yung engagedment ring namin ng tito mo, gusto ko sanang gawing tradisyon ito dahil nagiisang anak kong babae si Jaki. Simbolo na din yan ng pagbibigay ko ng basbas sa pagpapakasal ninyo."
Sabi niya bago yumakap pa sa mga balikat ko at inantay akong buksan yun. Napakaganda nung singsing. Princess cut na may tatlong diyamamte sa gitna. Nginitian ko si tita kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Napalingon ako kay nanay na ang laki din ng ngiti sa tabi ko.
"Maraming maraming salamat po sainyo. Alam ko po saglit palang din po tayong magkakakilala pero tinanggap niyo pa din po ako."
Sabi ko sakanila. Sumeryoso naman si tito Johnny at tumingin saakin.
"Isa lang ang sasabihin ko, tandaan mo to. Wag na wag mo lang sasaktan ang anak ko, alam mo na kung anong mangyayari."
Sabi niya. Naplunok ako tapos tumango na lang.
"Rosario, napakaganda ng pagpapalaki mo sa batang ito."
Sabi ni tita kay nanay. Nagyakapan pa ang dalawa na parang magbestfriends lang.
"Aalis na kami next week. Call us ha? Regarding the details."
Sabi ni tita. Tumayo na ako at yumakap sakaniya.
"Opo tita. Pag mamamanhikan na ako."
Nakangiti kong sabi. Tumango siya. Kinamayan ko din si Tito Johnny na sumenyas ulit ng 'i am watching you' saakin bago bumitaw sa kamay ko. Napangiti na lang ako. Nagpaalam na kami sa magasawa at bumalik na sa bahay.
Nagluto ng dinner si Nanay nung gabing yun. Susunduin ko dapat si Jaki para dito na magdinner kaso lumabas daw sila nila Madc kaya hinayaan ko muna siya na makasama din yung mga kaibigan niya, tutal naman eh....
Ilanh buwan na lang siguro eh makakasama ko na siya forever.
Yung simpleng thought na yun sapat na saakin para mapangiti ako.
"Anak, bat ka ngumingiti jan mag-isa?"
Nakangising puna ni nanay saakin habang kumakain kami ng dinner. Natawa lang ako ng kaunti.
"Masayang masaya lang ako nay, naguumapaw kaya hindi ko namamalayan na lumilitaw na pala."
Sabi ko sakaniya. Hinawakan niya yung kamay ko sa ibabaw ng lamesa.
"Masayang masaya din ako para sayo. Sa nakikita ko. At isa pa, napakaswerte ni Jaki sayo."
Sabi niya. Napailing ako kaunti.
"Hindi Nay, napakaswerte ko sakaniya."
Sabi ko. Totoo naman kasi.
BINABASA MO ANG
Puso: Ikalawang Yugto
RomanceBook 2 ng PUSO. Inulit ko dahil hindi ko maisip kung paanong nabura yung buong Book 2 na nauna kong isinulat. ?