Jaki's POV
Hindi ko alam kung sino ang nag-aya pero bigla na lang silang nagsilabas ng unit. Hinila naman ako ng Madc kaya wala akong nagawa kundi sumama na lang.
Nagkasiya naman kami sa sasakiyan ni Tom at Vitto. Dun kami sumakay sa sasakiyan ni Tom kasama ko si Madc, Melvie at Ronnie.
"San ba tayo pupunta?"
Tanong ko kay Tom. Ngumisi lang siya bago sumagot.
"May kaibigan lang akong nag-aaya. Eh kawawa naman walang kasama kaya samahan natin."
Sabi niya. Hindi na ako sumagot dahil nainis nanaman ako kay Vice. Parang kabute yun, susulpot tapos biglang mawawala ng hindi manlang nagpapaalam.
"Oh?? Nakasimangot ka nanaman."
Biro sakin ni Madc. Pinilit ko namang ngumiti.
"Ayan oh. Smile na."
Sabi ko. Hindi ko alam kung gaano kami katagal nagbiyahe pero napansin ko na lang na nag-pupull over na si Tom sa parking ng bar ni Vice.
"Huy!! Ano ba. Bakit tayo andito!"
Sabi ko pero wala naman akong nagawa dahil pinagkaisahan na nila akong pinababa. Inantay namin yung iba tapos sabay sabay na kaming naglakad papunta sa may entrance.
"Hala. Si Kuya Zeus ba yun!"
Sigaw ni Tom bago nagsimulang maglakad ng mas mabilis saamin. Sinundan namin siya at tama nga siya nasa tapat ng pintuan ng bar si Zeus. Inaawat ng dalawang bouncer dahil mukhang lasing at nagwawala. Napahawak ako kay Madc.
Ilang segundo lang ang nakalipas eh lumabas na din si Vice kasama si Kuya Vhong. Napatinin si Vice saamin at natatawang bumulong kay Kuya Vhong.
"Vice!! Mag-usap lang tayo. Please! Sorry. Sorry na."
Lasing na lasing si Zeus. Nilapitan siya ni Ronnie at Vitto at pilit pinapakalma pero naitulak niya lang yung dalawa. Mabuti at may bouncer na dun.
"Tol, kumalma ka."
Sabi ni Kuya Vhong habang papalapit kay Zeus. Sumenyas si Vice saamin na pumasok na sa loob at isa isa na kaming pumasok pero nung makita ako ni Zeus eh biglang nagpumiglas siya sa mga nakahawak sakaniya. Agad naman akong nahila ni Vice at inalalayan papasok ng bar.
"Ayusin ko lang to. Akyat muna kayo sa VIP."
Sabi niya saamin pero saakin siya nakatingin. Nakita kong pagod na pagod na siya. Naawa ako tuloy sakaniya ang sama kong girlfriend. Alam kong nagkamali siya pero nakita ko naman na nagsisisi talaga siya. Tumalikod siya para lumabas ulit pero sinundan ko siya.
"Wait. Sasamahan kita."
Sabi ko. Napalingon siya saakin at napakunot ang noo.
"Baka mapahamak ka pa."
Maiksing sabi niya. Umiling lang ako tapos inabot ko yung kamay niya para hawakan.
"No. We're in this together."
Sabi ko. Napangiti siya bago tumango. Sabay kaming lumabas at andun pa din si Zeus na agad napunta saamin ang tingin. Lalo naningkit yung mga mata niya sa magkahawak naming mga kamay.
Tumawa pa siya ng malakas.
"Jaki, alam mo bang bakla pa din yang borfriend mo!"
Sigaw niya. Nagkukumpulan na yung mga tao nun sa paligid namin at yung iba ay kumukuha na ng video. I smirked. Napalingon ako kay Vice na kampanteng nakatingin din saakin. Tumingin ako ulit kay Zeus.
"Kuya Zeus, wala kang dapat ipag-alala. Alam ko na yung nangyari at isa pa, mula umpisa naman tanggap ko si Vice kung ano siya. Sana matanggap mo din at irespeto na boyfriend ko na siya ngayon."
Matapang kong sabi habang nakataas ang noo. It was his turn to smirk. Ang sarap sapakin ng smirk sa mukha niya. Lalapitan ko sana para masampal pero hindila ako ni Vice palapit sakaniya.
"Sorry Zeus. Nagkamali ako. Wala kang aasahan saakin. Mahal ko si Jaki. Sinabi ko na. Kung gusto mong ipahiya yung sarili mo dito, okay sakin. Basta kami papasok na."
Sabi ni Vice sabay hila saakin papasok ng bar. Habang papasok kami ay kasunod namin si Kuya Vhong tapos narinig kong may dumating na police mobile.
"Ganda mo ha."
Biro ko kay Vice. Nagulat siya pero natawa din pagkatapos.
"Gwapo."
Maiksing sabi niya sabay halik sa kamay ko. Sumunod kami sa VIP lounge kung saan tahimik pa din ang lahat. Parang shookt pa din sila.
"Oh! Bakit walang party dito."
Malakas na sigaw ni Vice at maya maya pa ay hyped na lahat na parang walang nangyari sa labas at parang wala kaming pinagdadaanan.
"Sorry."
Sabi ko sakaniya. Nakaupo kami nun sa isang love seat sa bandang gilid at pinapanood lang na sumasayaw yung iba. Hinawakan niya yung kamay.
"Wala kang kasalanan. This is all me."
Sabi niya sabay halik sa noo ko. Yumakap lang ako sa may bewang niya.
"Uyy!! Maya na yang cuddle niyo, tara!! Sayaw!!"
Hila ni Kuya Vhong saamin na pinagbigyan naman namin. Hindi ko alam kung gaano na kami katagal sumasayaw bago kami bumalik sa pagkakaupo. Maya maya pa ay biglang nagring yung phone ni Vice.
"Hello?? Nay? Ha? Nasaan? Okay. Susunduin kita."
Sabi niya. Tumingin siya saakin at ngumiti.
"Ready ka na ba mameet ang Nanay ko?"
Sabi niya. Hindi ko alam kung ngingiti ako o ano. Biglang kumabog yung dibdib ko sa kaba.
Hala...
BINABASA MO ANG
Puso: Ikalawang Yugto
RomantikBook 2 ng PUSO. Inulit ko dahil hindi ko maisip kung paanong nabura yung buong Book 2 na nauna kong isinulat. ?