Meet the Parents

541 20 0
                                    

Jaki's POV

Lunes.

Katatapos ng showtime at nasa loob pa ako ng DR kasi inaantay ko si Vice. Sabi niya ihahatid daw niya ako sa condo.

Nagring bigla yung phone ko, mejo kinabahan ako kasi si Tita Lei yung tumatawag. Kapatid ni Mommy. Sinagot ko.

"Tita Lei? Hello po."

Sabi ko. Mejo maingay yung background niya parang may mga kasama siya.

"Jakcque! Asan ka? Dumating ang Mommy at Daddy mo. Pinapauwi ka dito sa Antipolo. Naku bata ka. Galit ang daddy mo!"

Sabi niya saakin. Lalo naman akong kinabahan sa sinabi niya. Matagal na din kaming hindi nakapagusap nila daddy at mommy. Nagsesendan lang kami ng kamustahan sa viber.

"Po?? Kelan pa po?"

Tanong ko.

"Kagabi pa! Aba'y andami na daw nasend sa viber na message pero wala ka daw reply. Isa pa, itong matabil mong pinsan, nakwento sakanila na may borfriend ka na."

Sabi pa niya ulit. Napasapo ako sa ulo ko sa narinig. Hindi ko pa kasi nakwento sakanila yung tungkol saamin ni Vice. Paano kaya to.

"S-sige po tita. Uuwi po ako jan ngayon."

Sabi ko. Nagpaalam na ako at nagayos na ng mga gamit ko. Sakto namang pumasok si Vice ng DR. Sinalubong ko na siya sa pinto para mabilis kaming makaalis.

"Babe? May problema ba? Parang tahimik ka."

Sabi niya saakin habang naglalakad kami palabas ng studio. Dala niya yung kotse niya kasi nag day off daw si Kuya Kaloy.

"Babe, sa Antipolo ako uuwi ngayon. Dumating daw si Mom at Dad kagabi pa."

Sabi ko. Napahinto siya sa paglalakad tapos mukhang biglang kinabahan. Namutla pa nga eh. Natawa tuloy ako kaya niyakap ko nalang siya.

"Oh!? Eh bat namutla ka?"

Sabi ko sabay tawa. Pilit naman siyang ngumiti tapos naglakad na ulit papunta sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto bago siya sumakay.

"Uwi muna tayo sa condo ko. Magbibihis lang ako."

Sabi niya. Halatang kinakabahan talaga.

"Bakit? Hala. Babe, namumutla ka talaga."

Sabi ko sakaniya sabay tawa ulit. Hinaplos ko yung mukha niya tapos kiniss ko siya sa pisngi para.

Napalingon siya saakin tapos ngumiti.

"Ipapakilala mo na ba ako sa Mom at Dad mo? Kinakabahan kasi talaga ako."

Sabi niya. Lalo akong natawa sa sinabi niya. Ipapakilala ko na ba siya? Dapat lang naman talaga.

"Wag kang mag-alala. For sure magugustuhan ka nila. Relax ka lang."

Sabi ko sakaniya. Mejo nagrelax na siya. Dumaan muna kami sa isang bakeshop dahil nagpumilit siya na bumili ng paborito ni Mommy na red velvet cake. Para daw may bitbit naman siya pag punta.

Natuwa naman ako. Napaka-boyfriend material naman ng boyfriend ko.

Boyfriend.

Nakakapanibago pa din. Pero in a very good way. Hawak niya yung kamay ko habang nagdadrive at paminsan minsan ay hinahalikan pa niya yun.

Mabuti na lang at naaalala pa niya yung daan papunta saamin. Nakasara yun gate kaya bumaba muna ako at nagdoor bell. Naka-ilang subok din ako bago kami pinagbuksan ni Nanay Esang.

Puso: Ikalawang YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon