The One That Got Away

634 22 7
                                    

Ever after....

One last page.

-------------------

"Jaki!! Jaki! Anak! Tanghali na!"

Malakas na sigaw ni Mommy mula sa baba ng bahay na nagpabalikwas saakin mula sa pagtulog. Dahan dahan kong binuksan yung mga mata ko at hinintay na makapagadjust yun sa liwanag bago ako tuluyang tumayo mula sa kama.

"Jaki!! Ano ba! Malalate na tayo!"

Hysterical na sigaw ni mommy. I just rolled my eyes.

"I'm up!!"

Sigaw ko pabalik bago ako pumasok sa loob ng CR para maligo. 15 minutes lang akong nagshower bago ako lumabas at nagbihis na. Nagsuot lang ako ng puting blouse at itim na pantalon bago ko sinuot yung sneakers ko na itim din.

Nilibot ko yung mga mata ko sa loob ng kwarto ko para icheck kung okay na lahat ng gamit ko.

Maayos nang nakatayo sa malapit sa pinto yung dalawang malalaking maleta ko at mukhang wala na akong kailangan pa. Kinuha ko na lang yung hoodie ko na nakasabit sa may pinto bago ako bumaba.

It's been a year.

Naabutan ko si Mom na frantic na frantic na paikot ikot sa salas na parang may hinahanap habang si dad naman ay paakiyat para ibaba yung mga maleta ko.

"Ma, what's missing? Nahihilo na ako sainyo."

Walang gana kong sabi sakaniya bago dumeretso sa ref at kumuha ng karton ng gatas. Nagsalin ako sa baso at uminom habang pinapanood ko siyang parang trumpong ikot ng ikot.

"Nahulog ko yung engagedment ring namin ng dad mo, tulungan mo akong maghanap! Dalian mo na at mahuhuli na tayo sa flight natin!"

Sabi ni Mom na nakayuko pa din habang naghahanap. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko pero I scanned the floor from where I am. Something caught my eye kaya ibinaba ko yung baso at nilapitan ko yun at pinulot.

"Found it."

Natatawang sabi ko sakaniya kasunod ng pagbaba ni dad sa  hagdan. Lunapit kaagad si mom saakin para kuhanin yung singsing at sinuot sa daliri niya.

"Let's go ladies."

Biro ng daddy ko bago nagpatiunang lumabas ng sasakyan na kasunod naman ni Mommy. Inubos ko muna yung iniinom ko bago lumabas ng bahay.

I smile and inhaled.

"Goodbye for now fresh air! Goodbye for now Amsterdam!"

Sabi ko bago sumakay ng sasakyan. Hinatid kami ng Tito ko hanggang airport habang nasa biyahe eh wala na akong ibang ginawa kundi kumanta lang kasabay ng mga kanta sa playlist ng phone ko. Naka-ear pods ako kaya nabblock lahat ng noise  including yung sintunado kong boses.

"Anak!! Andito na tayo!! Tama na! Wag ka nang umiyak!"

Bulyaw na pabiro ni daddy saakin nung huminto yung kotse sa departure area.  Nag make face lang ako sakaniya bago bumaba at tumulong sa pagloload ng mga bagahe sa trolley. Nagpaalam lang kami kay tito bago kami tuluyan ng pumasok sa airport.


"Stop over tayo ng hongkong. Lay off tayo ng 2 hours yata."

Sabi ni Dad. Tumango lang ako bago ko inilabas yun passport at ticket ko mula sa maliit na backpack na dala ko. Nagcheck in kami bago dumeretso sa waiting area para magantay sa pagbubukas ng gate namin.

"Sila Kuya nasa Antipolo ba mom?"

Tanong ko. Nauna na kasi yung mga kuya ko sa  Pilipinas a few days ago at wala na silang ibang ginawa kundi inggitin ako sa pamamasiyal nila.

Puso: Ikalawang YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon