Pinakamasayang Lugar

640 17 7
                                    

3rd Person's POV

Ilang linggo na din ang lumipas mula nung nangyari yung insidente sa bar.

Naihatid na din sa huling hantungan si Frank at ito na nga dumating na ang araw ng unang buwan ni Vice at Jaki.

Pinaghandaan talaga ni Vice yun kaya naman nagpatulong siya sa mga kaibigan para ihanda ang isang sorpresa.

"Vhong? Ready na ba yun sa... alam mo na?"

Tanong ni Vice na noon ay nasa loob ng DR at nagaayos para sa showtime. Nakaupo naman si Vhong sa harap ng vanity mirror at nag-aayos ng buhok. May kinuha itong isang envelope atsaka inabot kay Vice. Kinuha yun ni Vice at sinilip bago nakipag apir sa kaibigan.

"Yan ang gusto ko sayo eh. Maasahan ka talaga! Makakabawi din ako sayo, pramis!"

Masayang sabi nito kay Vhong. Masayang tumango si Vhong.

"Basta pasalubong na lang na rubber shoes, masaya na ako."

Natatawang sabi niya. Tumango lang si Vice bago lumabas ng DR para puntahan si Jaki. Nasalubong niya si Tom na may dalang pink na mga roses na ipapabigay nila isa isa.

Pag pasok nila sa isang bakanteng DR ay andun na lahat ng members ng hashtag tapos binigay na ni Tom sakanila yung mga roses.

"Oh, alam niyo na ang gagawin ha."

Sabi ni Vice. Excited naman silang nagsitango. Isa isa silang papasok sa DR nila Jaki at isa isang magbibigay sakaniya ng rose. Sa huli ay papasok si Vice na may dalang malaking baboy na stuffed toy at yung pang huling rose.

"Wow!! Baboy!! Ang cute!!"

Pasigaw na sabi ni Jaki nung makita yung regalo ni Vice sakaniya. Niyakap niya pa ang nobyo tapos ibinaling na lahat ng pansin sa baboy.

"Uy. Pinagpalit mo agad ako sa baboy eh."

Nagmamaktol na sabi ni Vice. Agad namang napangiti si Jaki kay Vice at yumakap dito.

"May gift pa ako sayo."

Bulong ni Vice sabay abot ng puting envelope na bigay ni Vhong kanina.

Nagtatakang kinuha yung ni Jaki at binuksan. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita at nagtatalon sa excitement sabay yakap kay Vice.

"HALA!! Disneyland?? Hala!! Ang saya ko. Thanks babe!!"

Sabi niya. Niyakap lang siya ni Vice at hinalikan sa noo bago bumalik sa DR niya para magayos.

Pagkatapos ng Showtime ay agad na tumulak papuntang airport si Vice at Jaki. Mabuti nalang at anjan sina Bonita at Buern para ipagempake sila.

Excited ang dalawa dahil unang beses nilang maeexperience ng sabay ang mag-out of the country na para sa bakasyon at hindi sa trabaho. Sa eroplano palang ay hindi na sila matahimik sa kinauupuan nila.

"Excited na ako. Mula nung bata pa ako, pangarap ko na talagang makapunta sa Disneyland."

Masayang sabi ni Jaki habang katabi si Vice sa eroplano. Nasa himpapawid na sila nung mga oras na yun.

"Maaga tayo bukas para madami tayong mapuntahan."

Sabi ni Vice habang hawak ang kamay ni Jaki.

Paglabas nila, sawakas, ng airport ay naghihintay na ang service ng Disneyland hotel para sakanila. Ilang beses pa kasi silang nawala sa loob ng airport at nagkamali ng baba ng train.

Pag-dating sa hotel ay nagcheck in sila at hinatid ng bell boy sa kwarto nila.

Sa loob ng kwarto ay may isang king sized bed. Napatingin si Jaki kay Vice na parang nagtatanong kung bakit iisa ang kama nila.

Puso: Ikalawang YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon