Kasalukuyan...
Jaki's POV
Hanggang ngayon ay para pa din akong nananaginip. Isang linggo na ang nakaraan nung nagpropose si Vice saakin. Hindi sapat ang salitang kilig para idescribe yung naramdaman ko ng mga oras na yun. Para akong nasa cloud 9 at kung meron pang mas mataas dun baka andun ako.
Kahit sinong babae siguro nangangarap na magpropose sakaniya ang boyfriend niya lalo na kung ganito niya kamahal, pero hindi ko inaasahan na sa ganung manner niya gagawin at sa disneyland pa talaga.
Happiest place on earth.
"Huy! Jaki! Jusko naman, isang linggo ka nang tuliro!"
Biro saakin ni Melvie na noon ay kumakain ng agahan kasabay namin ni Madc. Maaga kaming nagising ngayon kahit linggo dahil plano naming magbonding.
"Kaya nga, tsaka kung makapagdikit kayo ni Kuya Vice daig pa na-mighty bond sa isa't isa. Nakakaumay."
Gatong naman ni Madc habang ngumungusa. Ilang araw na din nila akong kinakantiyawan ng ganito lalo na pag nasa studio kami. Napakaclingy din kasi talaga nung bofrie.... ay.. finacé na nga pala. Napangiti nanaman ako sa thought na yun.
"Mas lalo na siguro pag nagpakasal na kayo. Juskelerd!"
Sabi ni Madc. Natawa lang ako sakanila habang umiinom ng kape.
"Wag kayo masyadong mainggit jan. Darating din naman kayo sa ganito."
Sabi ko sabay smile. Sabay nila akong inirapan at tinawanan ko lang sila bago ko niligpit yung mga pinagkainan namin. Maya maya pa ay tumatawag na si Vice.
"Hello? Babe? Good morning."
Sabi ko sabay pasok muna sa kwarto para mag-ayos.
"Babe! Labas tayo, sunduin kita jan."
Excited na sabi niya. Kinuha ko muna yung make up kit ko sa drawer bago umupo sa harap ng vanity mirror.
"Babe, my lakad kami nila Madc. Di ba? Nasabi ko na sayo kagabi. Nagaaya sila na magbonding naman daw kami."
Mahinahon kong sabi sakaniya. Nung isang araw pa kasi talaga ako kinukulit nitong dalawa na magbonding naman daw kaming tatlo.
"Ah. Sige, samahan ko na lang kayo."
Sabi nito. Napatingin ako dun sa dalawa na noon eh kaniya kaniya ng pwesto sa kama habang nagaayos.
"Girls only babe. Tsaka magkasama naman tayo kagabi eh. Pagbigyan ko lang sila ha."
Mahinahon ko pa ding sabi sakaniya. Hindi kaagad sumagot yung nasa kabilang linya. Kaya kinabahan ako.
"Ganun. Okay."
Sabi niya. Napansin kong mejo cold yun kaya hindi ko na lang pinatulan dahil baka mag-away lang kami.
"Next Sunday, babe. Tayo naman lumabas buong araw. Please? Wag ka na magtampo jan."
Paglalambing ko sakaniya. Narinig kong bumuntong hininga siya bago nagsalita.
"Okay, ingat. Bye."
Sabi niya. Sasagot pa sana ako kaso binaba na niya kaagad. Napatingin na lang ako sa cellphone ko na ang wallpaper eh yung magkahawak naming kamay na background eh yung castle sa disneyland.
"Sus. Grabe naman."
Sabi ni Melvie na mukhang nakikinig pala sa usapan namin ni Vice. Ngumiti lang ako sakanila para pagtakpan si Vice dahil ayaw kong magkaroon ng issue sakaniya at sa mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Puso: Ikalawang Yugto
RomanceBook 2 ng PUSO. Inulit ko dahil hindi ko maisip kung paanong nabura yung buong Book 2 na nauna kong isinulat. ?