Patak ng Ulan

547 26 1
                                    

Jaki's POV

Magkatabi kaming nakahiga ni Vice sa kama ko habang nagkekwentuhan. Hindi pa kasi kami inaantok kaya hindi pa siya lumipat sa kabilang kwarto. Kabilin bilinan ni Nanay Esang na wag kaming matutulog sa iisang kwarto kaya tawang tawa naman kami ni Vice.

"Sabi niya naman wag matutulog di ba? Eh hindi naman tayo tulog kaya okay lang siguro ito."

Sabi ni Vice. Natawa naman ako. Nakaupo ako at nakasandal sa headboard habang siya naman ay relax na relax na nakahiga sa lap ko. Nilalaro ko yung kulay pula niyang buhok.

"Baliw. Basta mamaya, lumipat ka dun sa kabila ha."

Sabi ko sakaniya. Nginitian niya ako ng pilyong ngiti tapos kumindat pa.

"Kailangan ba talaga, Jaki?"

Sabi niya na sinadiya pang pa-husky-hin yung boses niya. Tinapik ko nga yung noo niya. Napangiwi naman siya kaya natawa nalang ako.

"Makinig ka sa mas nakakatanda sayo."

Biro ko sakaniya. Sa totoo lang, hindi pa din naman ako handa sa ganung bagay. Natatakot pa ako.

"Ano ka ba, babe, sabi nga ni Nadine, c'mon it's 2018!"

Biro niya sabay tawa. Iiling iling na lang ako at bumalik sa paglalaro ng buhok niya.

"Mag-promise ka saakin, Viceral."

Sabi ko sakaniya. Parang biglang nanuyo yung lalamunan ko kaya napalunok ako. Napatingin naman siya sa akin na parang nag-aalala. Hinaplos ko yung mukha niya bago ko itinuloy yung sasabihin ko.

"Mag-promise ka na kung sakali mang bumalik ka sa... alam mo na. Ipangako mo saakin na sasabihin mo kaagad saakin."

Sabi ko sakaniya. Biglang lumambot yung expression ng mukha niya tapos bigla siyang umupo sa tapat ko bago niya haplusin yung mukha ko at halikan sa noo.

"I love you. Mahirap magsalita ng patapos Jaki, dahil noo  nga sabi ko hindi ako maiin-love sa babae. Pero heto ako ngayon, patay na patay sayo. Pero sige, promise yan sayo. Sasabihin ko kaagad."

Sabi niya. Kinilig naman ako dun sa patay na patay siya saakin kaya napangiti ako. Yumakap siya saakin saglit bago niya ako dahan dahang hinalikan sa mga labi.

Nung una dahan dahan lang yun hanggang sa nagging mapusok yung halik at nagging mas malalim.

Humihingal kami pareho nung mahiwalay yung mga labi namin. Sabay na ngumiti tapos biglang natawa.

"Nakakabaliw talaga pag in-love no? Wala namang nakakatawa pero tumatawa tayo."

Sabi niya. Napangiti naman ako. Hinaplos niya yung mukha ko at masuyong hinalikan sa noo.

Nagkwentuhan pa kami hanggang sa hindi namin namamalayan na nakatulog na pala kami.


Nagising na lang kami kinabukasan sa lakad ng katok sa pintuan.

"Jaki!! Iha! Gumising na at magsisimba tayo!"

Napabalikwa naman ako sa narinig ko. Tatayo na sana ako pero may mabigat na kamay na nakadantay sa bewang ko.

Nilingon ko si Vice na mahimbing pang natutulog at napangiti ako. Hinalikan ko siya sa noo bago dahandahang inuga yung balikat niya.

"Babe... babe, gising ka na."

Sabi ko. Umungol lang siya ng kaunti bago dahan dahang nagbukas ng mata. Hinalikan ko ulit siya sa noo bago inalis yung kamay niya na nakadantay saakin para makatayo ako.

"Ang aga naman, babe. 5am pa lang ah."

Antok na antok pang sabi niya. Natawa naman ako bago ko kinuha yung tuwalya ko.

"Magsisimba daw tayo sabi ni Nanay Esang. Bumangon ka na diyan para makaligo ka na sa kabila. Teka, may dala ka bang damit?"

Naalala ko na bigla lang pala tong sumulpot kagabi habang ang lakas ng ulan sa labas. Nakaupo na siya nun sa gilid ng higaan at parang hindi pa nahimas-masan.

"Opo. Nasa kotse. May extra ako laging damit dun."

Sabi niya sabay hikab. Tumayo na siya at niyakap muna niya ako bago siya lumabas ng kwarto para kumuha ng damit.

Dumeretso naman ako sa CR para maligo.

----------------------

Vice's POV

Susuray suray pa akong lumabas ng kwarto ni Jaki at bumaba sa hagdan. Hinahanap ko si Nanay Esang pero wala siya kaya dumeretso muna ako sa kotse para kumuha ng damit tapos naligo na sa taas.

Mabuti nalang at puting button down shirt na short sleeves ang nadala ko. May print yun na pink na flamingoes. Tapos itim na jeans at may extra pa akong sneakers sa kotse.

Pag labas ko ng kwarto ay siya ding labas ni Jaki. Naka-simpleng puting blouse lang siya tapos black na pants at puting sneakers. Napatingin kami sa suot ng isa't isa tapos natawa.

"Selfie tayo. Terno eh."

Sabi ko sabay tawa. Pinost ko naman agad yun sa IGs ko.

Going to church with my beautiful girlfriend.❤❤

Nag-caption pa ako ng ganyan tapos tinag ko si Jaki. Maya maya ay may nagnotif. Pagtingin ko ay si Jaki, nagpost din siya ng selfie namin tapos ang caption ay..

Going to church with my poging borfriend.❤❤

Nagtinginan kami tapos nagtawanan. Pareho kami ng wavelength ng utak today. Bumaba na kami at inabutan na namin si Nanay Esang sa may pintuan.

Sobrang dami nang tao sa simbahan nung dumating kami, mabuti nalang at nakahanap pa kami ng mauupuan.

Napakaganda ng homily nung pari about love. Tuwing may banat siya eh nagtitinginan lang kami ni Jaki. Sabay kaming tumatawa sa mga biro nung pari at sabay ding napapangiti sa mga nakakainspire niyang spiel.

Nilingon ko si Jaki sa tabi ko nung malapit ng matapos yung misa.

Ang ganda niya. Pero bukod pa dun ay ang ganda din ng kalooban niya. Napakaswerte ko naman sa babaeng ito.

Biglang nagflash sa isip ko....

Ako, nakatayo sa harap ng altar tapos si Jaki na nalalakad palapit saakin na nkaputing wedding dress. Natatakpan ng puting belo yung mukha niya pero nakikita kong nakangiti siya...

Biglang tumulo yung luha sa mga mata ko...


"Babe??"

Bigla akong bumalik sa kasalukuyan. Pinunasan ko yung pisngi ko na basa ng luha tapos ngumiti lang sakaniya...






"Mahal na mahal kita..."



Bulong ko sakaniya sabay hawak sa kamay niya.

Matawagan nga yung nanay ko mamaya pag uwi ko sa bahay. Mukhang kailangan na muna niyang umuwi para makilala niya tong magiging daughter-in-law niya.

Tinignan ko ulit si Jaki. Nilingon din niya ako tapos buong ningning niya akong nginitian.




Soon to be Mrs. Viceral.


Naibulong ko sa sarili ko.

Puso: Ikalawang YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon