Ang luma ng kanta pero sakto kasi sa chapter na to.
Pagtiyagaan niyo na lang. Hahahaha.------------------
Vice's POV
Sa isang iglap lang nawala ang lahat.
"Vice, handa ka na ba?"
Napalingon ako sa lalakeng katabi ko sa puting silid na may hagdan. Huminga ako ng malalim. Ironic dahil sa mga oras na ito alam kong wala na akong hininga sa mundo.
"Hindi ako kahit kelan magging handa, Vin. Siya nga pala... Bakit ikaw ang sumusundo saakin? Part time Grim Reaper ka ba?"
Birong sabi ko sakaniya bago ko siya tapunan ng tingin. He chuckled softly before looking at me.
"Hindi ako makatawid eh. Dahil diyan."
Sabi niya saakin sabay turo sa dibdib ko kung nasaan ang puso ko. Puso niya... Puso namin?
"Anong ibig mong sabihin?"
Kunot noong tanong ko sakaniya. Humarap siya saakin at ngumiti.
"May parte pa ako na nabubuhay sa iba, kaya hindi ako makatawid sa kabila."
Sabi niya saakin. Napahawak ako sa dibdib ko unconciously bago tumingin sa mga mata niya.
"M-makakatawid ka lang pag tumigil nang tumibok tong puso mo na nasaakin?"
Tanong ko. He nodded in agreement. I exhaled sharply. What a turn of fate.
"Vice, this is where you should choose...."
Sabi ng isang boses. Nagulat kami pareho at napatingin sa paligid sa pinagmulan ng boses na yun. Sa ibaba ng hagdan may isang figure. Babaeng nakasuot ng itim na hoodie at itim din na pantalon at sapatos.
"Reaper! Mahilig ka talaga manggulat!"
Natatawang sabi ni Vin. Reaper? Kamatayan? Ganern?
"R-Reaper?"
Usal ko. Napatingin sila pareho saakin na parang ngayon lang ulit nila ako nakita. Hindi ko makita yung mukha nung babae pero nakita kong ngumiti siya.
"Vin... umakyat ka na. Tumigil na sa pagtibok yung puso mo. Ako na bahala jan sa sinundo mo."
Sabi nito kay Vin. Lumingon saakin si Vin and smiled in an almost apologetic manner bago lumakad paakyat sa hagdan....
Sinundan ko siya ng tingin pero sa sobrang liwanan eh napaiwas din ako agad ng tinging.
"As for you... halika na. May ipapakita pa ako sayo."
Muntik na akong mapasigaw nung mapansin kong nasa tapat ko na pala yung babaeng tinawag ni Vin na Reaper.
"Juskopo! Madodouble dead naman ako sayo Miss."
Sabi ko. I saw her lips curled up in mysterious grin. Napalunok ako. Kinuha niya yung kamay ko then all of sudden in a flash nasa loob na kami ng isang maliit na chapel. Luminga linga ako.
"Asan tayo?"
Tanong ko sa kasama ko. Namulsa siya bago naglakad papunta sa harap sumunod naman akong nagtataka kung bakit niya ako dinala sa lugar na to. Huminto siya sa pangatlong helera ng upuan at umupo dun bago ako sinenyasan na umupo din.
Umupo naman ako at dun ko napansin na may isang babaeng nakaluhod sa luhuran at mukhang umiiyak habang nagdadasal.
"Lord, alam ko po naririnig niyo ako. Please po... nagmamakaawa ako sainyo... handaa akong ibigay lahat lahat para lang mabuhay si Vice. Hindi ko po kakayanin na mawala siya.... handa akong isuko ang lahat kahit pa itong relasyon namin..... basta lang mabuhay siya..."
BINABASA MO ANG
Puso: Ikalawang Yugto
RomanceBook 2 ng PUSO. Inulit ko dahil hindi ko maisip kung paanong nabura yung buong Book 2 na nauna kong isinulat. ?