Again with this old song... 😊
---------------
Jaki's POV
Kanina ko pa tinititigan ang napakagwapong mukha ni Vice, yung 'asawa' ko. Napapangiti ako pag naiisip ko na isang araw magging totoo din yun.
Mahimbing siyang natutulog habang nakayakap saakin at ako naman ay nakatingala sa maganda niyang mukha. We were both spent after we made love. Napangiti nanaman ako...
We made love for the first time. Simple. Walang kung ano anong positionor whatever. We made love in such a way na sobrang ramdam ko yung salitang 'love'.
"I love you, Hubby."
Bulong ko sakaniya kasabay ng paghalik ko sa may gilid ng baba niya tapos ko yung hinaplos ng banayad. Dahan dahan akong yumakap sa may bewang niya na mejo nagpakislot sakaniya ng kaunti. Meron pa namang isang oras, hayaan ko muna siyang magpahinga.
"Uurrrrgggghhh."
Napatingin ako ulit sa mukha niya nung marinig kong mejo napaungol siya na parang nasasaktan. Dahan dahan akong umupo sa tabi niya para sana tignan yung sugat niya pero napapitlag ako nung bigla siyang napasigaw na parang nakakaramdam siya ng sobrang sakit.
"Aaahhhhhhrrrrggggg!"
Sigaw niya sabay sapo sa may parte ng balikat niya na parang may kung ano dun na nagging dahilan ng matinding sakit.
"Vice? Vice!!"
Tawag ko sa pangalan niya habang marahan kong hinahaplos yung braso niya kasabay ng pagkuha ko sa phone ko na nasa ibabaw ng side table.
Hindi nagbukas ng mga mata si Vice at kasunod ng isang mahinang ungol ay bigla siyang tila nawalan ng malay. Hindi ko malaman ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ko siya nagawang bihisan kasabay ng pagtawag ko kay kuya Vhong habang nagbibihis din ako.
Hindi na kami pinayagan na sumabay sa ambulansya kaya nakasunod lang kami ni Kuya Vhong doon habang pareho kaming walang imik. Siya habang nagmamaheno na tila balisang balisa at ako na humahagulgol sa iyak sa tabi niya.
"Vice.. Please... Hindi ko kaya..."
Limang salitang kanina ko papaulit ulit na ibinubulong sa sarili ko hanggang makarating kami sa ospital.
Patakbo kaming bumasok sa loob para hanapin si Vice.
"Nasa operating room na po siya mam. Inooperahan na siya. Wala pa pong update kung ano pong nangyari."
Sabi ng isang kalmadong nurse. Humagulgol nanaman ako at naramdaman ko na lang na niyayakap na ako ni Kuya Vhong habang siya din ay umiiyak na.
Maya maya pa ay biglang nagkakagulo sa harap ng OR, naglalabas masok ang mga nurse na parang may kung anong nangyayari sa loob. Agad kaming napalapit dun.
"Nurse!! Anong nangyayari??"
Harang ni Kuya Vhong sa isang nurse na kalalabas lang ng OR. Nagulat naman yung nurse at halatang ayaw magsalita pero hinawakan siya ni Kuya Vhong sa braso.
"Sir, dun po muna kayo sa waiting area... please po. Iuupdate po kayo ng doctor mamaya... please lang po."
Sabi niya sabay senyas sa isang nurse na andun at security guard. Wala na kaming nagawa nung akayin nila kami palayo.
Umupo si Kuya Vhong sa isang upuan sa hallway habang nakahalukipkip. Halatang tensed na tensed siya sa nangyayari ni hindi na nga namin naisip na tawagan yung iba. Nagpaalam ako sakaniya na pupunta sa chapel saglit bago ako naglakad patungo sa maliit ma chapel sa may bandang gitna ng ospital. Umupo ako sa pinakaharap at maya maya pa ay lumuhod na para taimtim na magdasal.
BINABASA MO ANG
Puso: Ikalawang Yugto
RomanceBook 2 ng PUSO. Inulit ko dahil hindi ko maisip kung paanong nabura yung buong Book 2 na nauna kong isinulat. ?