Rewind

515 21 2
                                    

Flashback muna tayo sa unang pagtatagpo ni Nanay Rosario at ni Jaki.....

Jaki's POV

Grabeng kaba ang nararamdaman ko habang sakay kami ng Van ni Vice papunta sa airport.

"Huy! Galaw galaw naman jan baka mastroke."

Biro saakin ni Vice sabay lingon pa saakin habang nakangisi. Inirapan ko siya kaya natawa siya lalo.

"Oh? Ngayon alam mo na kung gaano ako kabado nung imemeet ko parents mo?"

Biro niya saakin na nagpangiti naman saakin. Oo nga naman. Dalawa pa yun ha. Samantalang ako isa lang tapos nanay pa. Hinawakan niya yung kamay ko nung malapit na kami sa arrival area ng Airport.

"Wag ka mag-alala babe, magugustuhan ka ni Nanay. Ikaw pa lang nga ang ipapakilala kong babae sakaniya kaya for sure matutuwa siya."

Paninigurado ni Vice saakin. Humigpit naman yung hawak niya sa kamay ko bago kami bumaba sa Van.

"Tutoy!!"

Sigaw ng isang ale habang papalapit saamin. Napaka-ganda ng ngiti niya saamin at bumeso kay Vice at saakin.

"Nay! Si Jaki po, girlfriend ko."

Pakilala ni Vice saakin. Nagningning ang mga mata niya sa sinabi ni Vice at napayakap pa saakin ng pagkahigpit higpit.

"Talaga ba iha?? Naku!! Akala ko sa pangarap ko na lang ito mangyayari!"

Sabi pa ni Nanay Rosario saakin. Abot tenga naman ang ngiti ko sa narinig.

"Naku, Nay. Kanina pa yan nininerbyos. Hahaha."

Biro ni Vice. Nahampas ko tuloy siya sa braso dahil sa hiya. Naramdaman ko ding namula yung magkabilang pisngi ko. Tinawanan lang naman niya ako. Inakbayan ako ni Nanay Rosario bago kami naglakad pabalik sa van.

"Naku, nak. Wag mo na pansinin ang pangaasar nitong si Tutoy. Kamusta ka naman? Inaalagaan ka ba ng maayos nitong anak ko?"

Nakangiting tanong saakin ni Nanay Rosario. Ngumisi ako kay Vice na biglang kinabahan. Natawa naman ako. Akala ata niya isusumbong ko siya sa Nanay niya.

"Oo naman po. Makulit lang talaga minsan itong anak niyo."

Nakangiti kong sabi. Dumeretso muna kami sa bahay ni Vice sa Quezon City para ihatid si Nanay Rosario at makipagkwentuhan ng kaunti bago niya ako hinatid sa condo.

"Bet na bet ka ng nanay ko ah."

Biro niya saakin habang pasakay kami ng elevator. Hawak niya yung kamay ko hanggang makalabas kami nmsa floor namin. Napahinto siya bigla nung makita yung kapitbahay namin na sumuntok sakaniya noon. Namutla siya at natawa naman ako. Mabuti na lang at papasok na sila nun sa unit nila.

"Anyare sayo?"

Biro ko sabay hila sakaniya.

"Mahirap na baka masuntok nanaman ako."

Sabi niya. Inabutan namin si Madc at Melvie sa loob ng condo na kumakain ng popcorn habang nanonood ng kdrama sa netflix.

"Uyyyyy!! Andaya. Di naganatay."

Biro ko sakanila sabay simangot kunwari. Hindi naman nila ako pinansin kaagad dahil busy sila na nagbabasa ng subtitle.

"Wag ka nga maingau jan. Hirap na nga magbasa dito eh."

Biro nila. Umupo ako sa tabi nila habang si Vice naman ay nagpaalam na magluluto ng pagkain sa kusina. May stock naman kami dun kaya bahala na siya, basta ako manonood muna.

---------------
Vice's POV

"Nay? Asan ka?"

Tawag ko pagpasok ko ng bahay. Kagagaling ko kina Jaki para ihatid siya at ipagluto na din ng pagkain pero hindi na ako kumain kasi may gusto akong sabihin sa nanay ko.

Nakita ko siya na nakaupo sa may zen garder at busy sa tablet niya. Mukhang may kinalolokohan nanamang laro ito eh.

"Nay!"

Bati ko sakaniya sabay beso at upo sa tabi niya para makisilip sa ginagawa niya.

"Candy crush pa din? Mag Mobile Legends ka na lang, Nay!"

Biro ko sakaniya. Hindi niya ako sinagot at talagang naconcentrate siya sa ginagawa niya.

"Tutoy, inaalagaan mo ba ng maayos talaga si Jaki?"

Biglang tanong niya saakin. Napalingon ako sakaniya tapos natawa ng kaunti.

"Grabe ka naman Nay, Jaki agad? Okay lang ako nga pala."

Biro ko sakaniya. Tinignan niya ako ng seryoso bago siya sumagot.

"Alam ko naman na kaya mo ang sarili mo, pinalaki kita ng tama. Alagaan mo yung si Jaki at baka mawala pa."

Sabi niya sabay balik nanaman sa nilalaro niya. Umakbay lang ako sakaniya sabay yakap na din.

"Opo, Nay. Gusto ko nga sanag sabihin sainyo na.... Gusto ko na po siyang ayain magpakasal."

Sabi ko. Napahinto si Nanay sa ginagawa niya at ibinaba pa sa table yung tablet niya. Hinawakan niya sa mga palad niya yung mukha ko.

"Talaga!!?? Naku. Magandang balita yan para saakin anak!"

Maluha luha niyang sabi sabay yakap saakin.

"Akala ko eh hindi na mangyayari ito. Ang saya saya ko, Tutoy. Nasabi mo na ba?"

Excited niyang tanong saakin. Natawa nalang ako sakaniya.

"Nay, Kalma muna. Kalma. Hindi ko pa nasabi pero sasabihin ko din. Kailangan ko din muna makausap yung parents niya."

Sabi ko kau Nanay. Tumingin ulit siya saakin na parang may napakagandang regalo akong ibinigay sakaniya. Napangiti naman ako, ngayon ko lang ulit siya nakita na ganito kasaya.

"Nasan ba ang mga magulang ni Jaki ngayon? Halika at sasamahan kita."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya pero mukhang seryoso siya sa sinabi niya.


"Nay, ano ka ba. Kaya ko na yun."

Sabi ko skaniya sabay yakap sakaniya. Natawa siya sa sinabi ko sabay palo pa sa braso ko.

"Anak, mas mabuti nang kasama ako para makita nila na seryoso ka talaga."

Ayaw talaga niya ilet go eh. Tumango na lang ako sabay tawa.

"Sige na nga Nay. Pero tatawagan ko muna sila para di naman mabigla."


Sabi ko. Kumain muna kami para pakalmahin ko muna yung kaba ko sa dibdib. Kinakabahan ako sa pakikipagusap ko sa Mom and Dad ni Jaki. Pero part talaga to. Nilingon ko si Nanay. Masaya ako at boto siya sa babaeng mahal ko.


"Mabuti nay at andito ka. I love you, nay. Ikaw pa din ang number one na babae sa buhay ko."

Sabi ko sakaniya sabay yakap.

"Anak, okay lang saakin na number two, basta siguraduhin mo na irerespeto mo si Jaki katulad kung paano mo ako irespeto."

Sabi niya. Nakangiti ako pero dun tumulo ang mga luha ko.


Well, Jaki, mukhang talagang tuloy na tuloy na to. Sana lang sumagot ka ng oo.

Puso: Ikalawang YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon