The Gift

531 16 20
                                    

Uunahan ko na po. SPG tong chapter na to.... If below 18 ka, pikit ka muna. Hehehe.

Good night na din!

--------------------
Jaki's POV

Sobrang kaba ang naramdaman ko mula nung oras na tumayo ako sa likod ng pintuan ng chapel hanggang sa magbukas ang mga yun at magsimula akong maglakad. Alam ko naman na hindi pa ito yung kasal talaga namin, hindi ko nga maintindihan dito kay Vice kung bakit biglang nakapag-isip mag "practice".

"Baka nagpepre-surgery jitters lang yun. Natatakot sa surgery kaya ganto siya."

Sabi ni Kuya Vhong saakin kanina habang nagaantay kami sa sasakyan.

Tama siya baka kinabahan lang si Vice sa nangyari at sa operasyon. Nabaling ang buong atensyon ko sa lalakeng nakatayo sa dulo ng isle. Napangiti ako sa suot niya, sira ulong to nagpink pa talaga. Pero infairness sakaniya ha, kahit pink ang barong na suot niya eh lalakeng lalake ang tindig niya at kahit pa panay ang punas niya sa mga luha niya eh ang gwapo pa din ng mapapangasawa ko. Napangiti ulit ako kasabay ng mga luhang pumapatak mula sa mga mata ko. Punong puno ng emosyon yung puso ko para sa lalakeng to.

Inabot niya yung kamay niya saakin nung makarating na ako sa tapat niya na siya namang kinuha ko. Inalalayan niya ako hanggang sa makarating kami sa harap ng pari.

Gaya ng normal na flow ng kasala, nagbigay muna ng homily si father tungkol sa pagmamahal at pag-aasawa. May ilang beses ding natawa kaming lahat sa mga biro niya pero nung dumating na kami sa rings eh dun naman bumuhos ang mga luha.

Hindi ko halos maalala ang mga pangyayari dahil sa sobrang daming emosyon na naghahalo halo sa dibdib ko.

"You may now kiss the bride!"

Dun lang biglang bumalik yung huwisyo ko. Nagkakantiyawan yung mga kaibigan namin habang inaalis ni Vice yung belo na nakatakip sa mukha ko. Matama niya  akong tinitigan bago hinawakan ang magkabilang pisngi ko at hinagkan ako ng masuyo sa mga labi. Lalo namang nagingay yung mga kasama namin sa loob ng chapel.

"Sainyong lahat! Salamat sa pagpatol sa topak ko. Salamat talaga. K, salamat sa pagkanta nung song ha? Anning! Sisterette! Salamat sa lahat. Alam mo na mga yun. Lalo na kay father... Salamat po at pinagbigyan niyo ako."

Mahabang sabi ni Vice habang magkakakumpol na kami sa may garden. May pafoods din kasi na akala mo eh talagang may kasal.

Tinignan ko ang 'asawa' ko. May kung anong kumurot sa puso ko sa nakita ko, parang may bumabagabag sakaniya pero hindu niya sinasabi kaya naisip kong kausapin siya ng sarilinan.

"Babe? May 2 hours ka pa bago ka operahan. Uwi muna tayo sa condo mo."

Sabi ko sakaniya ng pabulong. Ngumisi naman siya saakin na parang nanunudyo. Alam ko nanaman ang iniisip nito eh. Namula tuloy ako bigla.

"Babe, papractice na din ba natin yung honeymoon?"

Biro niya saakin. Hinampas ko siya sa braso kasabay ng lalong pagiinit ng mukha ko.

"Siraulo to! Para makapagpahing ka muna sana. Dumi ng isip mo!"

Sabi ko sabay irap. Lalo naman siyang natawa pero kasunod nun ay nagpaalam na siya sa mga kasama namin at nagpahatid na sa condo niya. Tahimik lang kaming nakaupo sa loob ng van buong biyahe habang magkahawak ng kamay. Nararamdaman ko talagang may bumabagabag sa kalooban niya.

"Babe? Ayos ka lang ba?"

Tanong ko sakaniya habang nagpapatuyo ng buhok. Pagdating namin sa condo eh nagshower ako agad. Nakaupo siya nun sa gilid ng kama at ako naman ay nakatayo sa harap niya. Tumingala siya saakin at malungkot na ngumiti bago kinuha ang isang kamay ko at hinalikan iyon.

Puso: Ikalawang YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon