Jaki's POV
Tahimik kami pareho habang pauwi sa condo. Kahit kasi masaya kami kanina eh talagang hindi pa din namin maalis na mabalot ulit ng lungkot.
Pag dating namin sa condo eh umupo lang ako sa sofa. Nagtanggal naman ng sweater si Vice at naiwan na lang yung puting shirt niya. Tumabi siya saakin sa sofa.
"Nagkausap na ba kayo ni Tom? Balita ko kasi andaming nambabash sakaniya."
Sabi niya saakin. Napalingon lang ako at marahang umiling. Oo nga no? Kawawa naman siya.
"Hindi pa eh. Pero tama ka, mula nung lumabas yung balita, andami na niyang bashers. Sinisisi siya sa nangyari."
Sabi ko sakaniya. Umakbay lang siya saakin at isinandal ko naman yung ulo ko sa dibdib niya.
Nagluto siya ng dinner namin habang nanonood ako ng kdrama sa labas. Nagrequest ako ng spaghetti with meatballs, mabuti na lang fully stocked lagi yung kusina niya. Hehe.
"Ambango naman niyan."
Sabi ko sabay yakap sakaniya mula sa likod. Pinatikim niya saakin yung sauce at aprubado ko naman yun.
"Sarap mo magluto. Pwede ka na."
Sabi ko. Natawa naman siya. Nakayakap ako sa likod niya habang nagpeprepare siya. Kung saan siya pupunta andun din ako.
Hahaha."Pwede nang magasawa?"
Tanong niya after ilang minuto. Umiling lang ako.
"Pwede na magging katulong. Hahaha. Biro lang babe."
Sabi ko. Sabay bawi kasi baka mainis eh. Haha.
"Ikaw ba? Ready ka na bang magging asawa ko?"
Pabirong sabi niya saakin. Hindi naman ako nakasagot kaagad. Inalis ko yung mga kamay ko na nakayakap sakaniya at humarap siya saakin. Nakangiti lang ako.
"Malalaman."
Sabi ko sabay tawa. Iiling iling lang siya habang naglagay ng pagkain sa mga plato para makakain na kami.
"Tsaka isa pa, hindi pa nga tayo umabot ng isang buwan no."
Sabi ko bago sumubo ng spaghetti. Natawa lang siya saakin.
"Sus, di na mahalaga yun. Mas gusto ko nga na agad agad na eh. Para kahit magsisi ka na pinakasalan mo ako, eh wala ka nang magagawa."
Sabi niya sabay tawa. Ngumiti lang ako tapos sumubo ulit ng pagkain.
Puwede naman Vice.
Puwede naman.
"Baka ikaw ang magsisi eh."
Sabi ko. Tumingin siya sa mga mata ko bago nagsalita.
"Hindi ako magsisisi. Kahit ano pang mangyari at magbago sayo, ikaw pa din ang gugustuhin ko."
Sabi niya. Namula naman ako sa sinabi niya tapos napainom ng tubig.
"Takot mo lang sa daddy ko."
Biro ko. Natawa naman siya ng malakas.
"Isa na din yun. Speaking of daddy mo. Sa Sunday, gusto mo bang pasyalan natin sila?"
Tanong niya. Natuwa naman ako sa sinabi niya dahil matagal na din talaga nung huli kong nakasama sila Dad.
"Talaga?? Sige."
Masayang sabi ko. Hindi ko maitago yung kasiyahan na nararamdaman ko.
"Ay! Teka. May naalala ako."
BINABASA MO ANG
Puso: Ikalawang Yugto
RomanceBook 2 ng PUSO. Inulit ko dahil hindi ko maisip kung paanong nabura yung buong Book 2 na nauna kong isinulat. ?