Una sa lahat, ang ganda nung kanta. Hehe.
Vice's POV
Hindi man maintindihan yung biglaang pagkagusto kong pakasalan si Jaki eh pinagbigyan pa din ako ni Vhong. Agad kaming nag-pack up sa beach at bumalik sa Maynila.
Ibinaba namin sila Jaki sa bahay ni Anne bago kai umalis ni Vhong. Usapan namin na magkikita na lang sa Ferwood Garden. Si Buern at Negi naman ang punong abala sa pagaayos ng lahat ng detalye.
"Brad, may malalim kang dahilan para gaein ito. Alam na alam ko ugali mo."
May pagaalalang sabi niya saamin habang nasa isang botique kami para bumili ng isusuot. Ngumiti lang ako ng malungkot sakaniya bago sumagot.
"Kung 24 hours na lang ang itatagal mo sa mundo, di ba susulitin mo din?"
Makahulugang tanong ko sakaniya. Halatang nagulat siya dahil nanlaki yung mga mata niya at mukhang nakalimutan niyang isara yung bibig niya.
"Ano to brad, pre surgery jitters? Kumalma ka lang. Kaya mo yun. Kita mo nga oh, ngayon nga nakatayo ka na kaagad."
Sabi niya saakin habang isa isang iniscan yung mga barong na nakasabit sa rack. Ginaya ko na lang siya. Bigla akong kinilabutan dahil feeling ko nagshoshopping na din ako ng isusuot sa lamay ko. Napalunok ako tapos napakurapkurap para hindi maiyak.
"Magbablack ako. Tapos gold yung lining. Para unconventional. Palagay mo? Ito oh."
Sabi ko kay Vhong sabay kuha ng isang black na barong na may gold na linings. Tinapat ko yung sa sarili ko bago humarap kay Vhong. Natawa siya ng kaunti.
"Mag pink ka. Ito oh."
Sabi niya sabay pakita saakin ng isang fuchsia pink na barong na chinese collar tapos black yung accent. Natawa ako tapos nakipag apir sakaniya.
"Taba ng utak mo. Kaya kaibigan kita eh. Sige ito na. Tara na sayang ang oras."
Sabi ko sakaniya. Umalingawngaw sa isip ko yung huling sinabi ko.
Sayang ang oras...
Sayang ang oras...
Nauna kami ni Vhong sa Fernwoods kung saan andun na sina Buern, Bonita at Negi. Iginala ko sa paligid yung tingin ko. Nakakatuwa din tong mga kaibigan ko eh. Mabilis magisip. Puno ng pink na roses yung paligid tapos may mga pink na stargazers din. Napapalamutihan naman ng puting bulaklak yung daan papunta sa altar.
Umupo ako sa pinakaharap na upuan sa loob ng simbahan at tumingin sa image ni Jesus sa gitna. Nagsimulang pumatak ang mga luha ko habang magisa akong nasa loob ng simbahan. Yung araw na dapat pinakamasaya sa lahat eh pinakamalungkot din pala.
"Vice..."
Sabi ng isang boses. Lumingon ako sa pinanggalingan nun. May isang lalakeng nakaputi na nakatayo sa gitna ng isle at nakatingin din sa imahe ni Jesus na gaya ng ginagawa ko kanina. Payapa ang mukha niya sa suot niyang puti.
"Wala pang 24 hours ah? Sinusundo mo na ako."
Halos pabulong kong sabi. Hindi siya lumingon pero nakita kong ngumiti siya.
"Hindi. Aattend ako sa kasal niyo."
Tila pabirong sabi nito. Natawa ako ng kaunti sa sinabi niya.
"Ninong ka ha."
Biro ko. Sabay tingin ulit sa harap.
"Brad? Sinong kausap mo jan? Halikana magayos ka na."
Sabi ni Vhong na noon ay nasa harap likod ko na pala. Nagulat naman ako kaya napahawak ako sa dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Puso: Ikalawang Yugto
RomansaBook 2 ng PUSO. Inulit ko dahil hindi ko maisip kung paanong nabura yung buong Book 2 na nauna kong isinulat. ?