Jaki's POV
Around 5:30pm eh nakauwi na kami sa condo. Dumaan lang kami ng popcorn tapos umuwi na. Nagshower muna ako dahil sobrang nanlalagkit na ako pag dating namin. Nagpapatuyo ako ng buhok nung lumabas ako ng kwarto at bumungad saakin ang napakaraming pink roses sa salas tapos may may stargazers pa at balloons. Kinutuban na ako, feeling ko andito si Vice. Hinanap ko si Madc pero wala siya kaya sumilip ako sa kusina at nakita ko siya.
"Bes! Bakit andaming...."
Sabi ko pero napatigil ako nung makita ko yung lalakeng nakaupo sa tapat niya. Tama nga ako.
Si Vice yun. Seryosong nakaupo sa harap ni Madc. Napabaling siya ng tingin saakin bago dahan dahang tumayo at naglakad paalis. Sinundan ko lang siya ng tingin, gusto kong habulin pero ilang beses ko ba siya dapat habulin? Nagtinginan kami ni Madc.
"Siya ba may dala nitong mga to?"
Mejo naiinis pa ding sabi ko sabay muestra sa mga nakakalat na bulaklak at lobo. Tumango si Madc sabay nguso pa sa cake.
"Pati ito."
Sabi niya. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi naman kailangan nitong mga to para mag-sorry di ba? Simple lang naman ang gusto ko, pakinggan niya lang yung explanation ko tapos yakapin niya ako.
"Ahh. Bes. May sasabihin sana ako sayo. Kanina feeling ko tama yung sinabi ko eh, pero ngayon parang nagsisisi ako na sinabi ko sakaniya yun."
Mejo nahihiyang sabi ni Madc saakin na halos hindi makatingin sa mga mata ko. Napakunot ako ng noo bago kumuha ng baso at tubig para uminom. Umupo ako sa kaninang kinauupuan ni Vice bago nagkwento si Madc.
"Ha!?? Hala. Kaya pala sambakol mukha nun."
Gulat na sabi ko. Alam kong ako din naman ang nagsabi sakaniya tungkol sa pag-dadalawang isip ko sa pagpapakasal pero hindi ako makapaniwala na sasabihin niya yung kay Vice. Napasapo ako sa ulo ko at nagmamadaling kinuha sa bulsa ko yung phone ko para tawagan si Vice pero naka-ilang try na ako eh wala pa din siyang sagot. Baka nagmamaneho pa.
"Manood na nga lang tayo ng kdrama. Tara."
Nanlalambot na sabiko kay Madc bago nagpatiuna sa salas at kinuha yung remote bago umupo. Wala pa si Melvie dahil inaya daw ni Ronnie na magdinner. Tumabi saakin si Madc.
"Bes, galit ka ba? Sorry ulit ha."
Guilting sabi niya. Tumawa lang ako ng kaunti bago umiling at binuksa yung TV.
"Hindi no. Okay lang yun. Ako na bahala sakaniya."
Sabi ko. Ililipat ko na sana sa Netflix yung TV pero parang napako ako sa nakita ko. Newsflash kasi yun, unang dumako sa pangalan ni Vice yung mata ko.
Nadamay lang umano ang host sa nangyari dahil napahinto siya nung gumewang ang SUV na siya namang sinasakiyan ni Mayor Lumiguin at namataan siya ng mga hindi pa din nakikilalang suspects.
Sabi ng news anchor. Gulong gulo pa din ako at hindi ko magets yung balita. Iflinash sa screen yung picture ng dalawang sasakyan na nasa gitna ng kalsada tapos may mga pulis tapes sa paligid.
"Oh my gosh!"
Napabulalas ako, nakablurr man pero alam kong dugo yung nasa kalsada. Agad kong tinawagan si Vice pero walang sagot. Nagpapanic na kami ni Madc.
"Bes! Magbibihis lang ako! Halika na magbihis ka! Nasa Makati Med daw sila oh. Tara."
Sabi ng aligagang si Madc. Tama siya nakaflash sa screen kung saan dinala yung mga biktima. Napatayo agad at pasok sa kwarto. Humablot na lang ako ng hoodie at sinuot yun bago kami agad na lumabas ni Madc. Habang nasa taxi kami ay biglang tumawag si ate Buern saakin.
"Ate Buern? Papunta na ako sa Makati Med."
Aligagang sabi ko. Hindi agad sumagot yung nasa kabilang linya kaya agad akong kinabahan.
"Ate Buern!?"
Umiiyak kong sabi. Mukhang nasa ospital na siya dahil maingay yung background.
"Jaki. Asan na ba kayo? Pakibilisan na lang."
Malungkot na sabi niya na mas lalong nagpakaba saakin. Humahagulgol na ako sa iyak ng hindi ko namamalayan at nakahakap na saakin si Madc. Kumapit ako sa braso niya na parang bata.
"Bes... Ang sama sama ko ba?? Kung sana pinigilan ko siya kanina siguro...."
May pagsisising sabi ko. Hinagod ni Madc yung likod ko para pakalmahin ako.
"Bes, wag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan. Shhhh.."
Bulong niya saakin pero hindi ko yung maramdaman. Pakiramdam ko ako ang may gawa nito. Kung sana hindi ko pinairal yung pride ko, sana hindi ito nangyari.
Ibinaba kami ng taxi driver sa harap ng mismong entrance ng ospital at agad kaming bumaba pagkatapos nagbayad. Hindi na din namin kinuha pa yung sukli para lang makababa na. Halos patakbo na naming bagtasin yung tila napakahabang hallway ng ospital.
"Ate Buern!!"
Sigaw ko nung makita ko si ate Buern na nakaupo sa isang silver na hallway chair. Agad siyang tumayo at umiiyak na yumakap saakin. Hindi ko alam kung bakit biglang nanlamig yung buong katawan ko. Nakiyakap na din si Madc saamin.
"A-asan po si Vice ate?"
Nanginginig na sabi ko nung maghiwalay na kami. Nagpunas siya ng mga luha niya tapos kinuha yung magkabilang kamay ko. Magsasalita na sana siya.
"Jaki!! Buern!! Asan si Viceral??"
Tumatakbong Kuya Vhong ang nakita namin nung lumingon kami. Halatang shookt din siya sa nangyari dahil hindi na din niya nagawa pang magpalit. Naka pambahay lang siya at tsinelas kasunod niya ang mukhang worried na worried din na si Kuya Jhong.
Lumapit sila saamin at agad na umakbay saakin si Kuya Vhong na parang kuya sa kapatid niya.
"Jaki, magging okay siya. Wag kang mag-alala. Kabayo yun."
Sabi niya saakin. Gusto kong panghawakan yung mga sinabi niya pero hindi ko magawa. Lalo na tuwing mapapadako yung tingin ko sa mga mata ni Ate Buern. Parang kinukurot yung puso ko sa sakit. Hindi ako makahinga at hindi ako makapagsalita.
"Buern.. Kamusta si Vice?"
Baling ni Kuya Jhong kay Ate Buern. Umiyak nanaman sa palad niya si Ate Buern bago nagpunas at tumingin saamin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakikita kong hinagpis niya. Hindi ko kaya...
Hindi ko kaya, Vice. Please....
Paulit ulit akong nagdadasal na sana hindi tama ang kutob ko. Paulit ulit.... Hanggang hindi na ako makahinga at biglang dumilim ang paligid....
Nawalan ako ng malay.
------------
Ad Astra Per Aspera
Last 5 chapters.
BINABASA MO ANG
Puso: Ikalawang Yugto
RomansBook 2 ng PUSO. Inulit ko dahil hindi ko maisip kung paanong nabura yung buong Book 2 na nauna kong isinulat. ?