MUST READ!
2012 (God knows what month and day.)
TO ALL THAT WILL START TO READ THIS STORY,
Ngayon palang ay taos puso na akong nagpapasalamat!
At taos pusong humihingi ng tawad dahil ang author na ito ay madalas tinatamaan ng kakulitan kaya baka magpaiba-iba ang tingin niyo sa kwento ko.
Magustuhan niyo man ang kwentong to, SALAMAT!
Kaasiwaan niyo man ang kwento ko, SALAMAT PA DIN!
Ma-bore man kayo dahil dito, SALAMAT PA DIN!
Awayin niyo man ako (na huwag sanang mangyari) SALAMAT PA DIN!
SALAMAT PA DIN dahil sa simpleng effort pa lamang ng pagsilip sa aking kwento ay alam kong nakakuha ako ng kahit kaunting interes mula sa inyo!
Pero ako'y magbibigay lamang ng mga paalala!
Lahat ng mababasa niyo dito ay pawang kaisipan lamang na nagmula sa aking utak.
Kung meron man diyang kapangalan ang mga characters ko, ABA! Ang galing!
Wala ho akong intensyon na makagulo.
"What a COINCIDENCE!"
Yan lang ang sagot ko.
Isa pa, nakalagay po na ang istoryang ito ay mature kahit po ito ay teen fiction dahil po sa strong words na maaari niyong mabasa.
Kung may mga nakakaasiwa, ung mga hindi magandang maparinggan, ginamit ko lang po ang mga salita o katagang iyon para mapalawig ang kahulugan sa likod ng mga salitang nabibitawan.
Kumbaga, pag galit o nagugulat, kung anu-anong sinasabi. Minsan, bad words.
Isa pang ulit: WALA HO AKONG INTENSYON NA MAKAGULO AT MAKASAKIT!
Un lamang po at salamat! Nawa'y magustuhan niyo ang aking kwento!
Lovelots,
agirlnamediris XX
------------------------------------------------
PAHABOL!
Ang mga mababasa niyo pong mga liriko ng mga kanta, o mga linya mula sa mga sine, o kung anumang sikat na mga kataga na mababasa niyo rito ay hindi inaangkin ng may akda.
Maaari pong hindi niya mabanggit ang mga pinagmulan ng mga nilagay niyang iyon sa istoryang ito, pero kinikilala niya po ang kahusayan ng mga matatalinong utak at ang mga karapatdapat na magmay-ari ng lahat ng karapatan sa mga awit at pelikula na pinagkuhaan niya.
BINABASA MO ANG
Guitar Strings
RomanceMasakit masaktan. Mahirap bumangon. Ngunit laging may isang taong aalalay sayo. Hindi mo man napapansin, pero lagi yang nandyan sa tabi mo.