Chapter XVIII

1K 21 0
                                    

Kasama ko ngayon sila Oliver at Timber papunta sa Blinx Club na sinasabe ni reinally. Tumawag na siya kanina at sinabe niyang ando'n na raw siya kasama si camilla kaya naman excited akong inaya nitong si oliver dahil may gusto siya kay camilla. Mga torpe sila.

"Saan sila nakapwesto?" tanong ni oliver pag dating namin dito sa loob. Nililibot din namin ang paningin namin sa lugar.

"Guys." tawag pansin samin ni camilla na papalapit samin habang sumasayaw siya. This place is crowded, a typical club.

"Lasing ka na ba?" kunot noong tanong ni oliver dito tinawanan lang siya ni camilla at sinabeng hindi raw.

"Lets go to your table." sabi ko sa kanya kaya naglakad si camilla at bawat madaanan niya ay binabati rin siya.

"Hi reinally." bati ni timber sa kapatid kong prenteng nakaupo at umiinom. Nang madako ang tingin ko sa katabi niya ay may isang magandang babae siyang katabi.

"Hi guys, upo kayo." sabi niya samin kaya naman umupo kami. Katabi ni oliver si camilla nasa kanan ni reinally si timber kaya nasa tabi ako nitong babae.

"Sino yang kasama mo reinally?" tanong ni oliver kaya nilingon din namin siya at tinignan ko naman itong babae.

"Guys this is bleu. Bleu the guy beside you is janus, my brother. This guy is timber and that guy is oliver." pagpapakilala ni reinally samin. Tumango lang ako rito sa babae.

"Hi bleu. You're beautiful just like your eyes its blue are you alien?" tanong ni oliver dito at muntik ko nang mabuga ang alak na iniinom ko. WTF?! this is crazy.

"I'm human, i have an american blood, Spanish blood and filipino blood." paliwanag niya samin kaya tumango tango na lang din ako.

"Bumisita ka ba kela mommy kanina?" tanong ko kay reinally na tahimik na umiinom at hindi nakikisabat.

"Yea, we make bonding after i leave your office." sabi niya sakin kaya tumango ako sa kanya at uminom na lang din. Hinayaan ko na lang sila mag usap usap.

"bastos!" sigaw ng babae sa isang lalake sa dance floor na nakaagaw sa pansin namin. Lahat ng nasa dance floor ay tumigil sa pagsasayaw.

"sumama ka na kasi samin miss." sabi nung isa sa babae at hinahawakan pero pumapalag yong babae.

"Sabi ng ayoko! sino ba kayo!" sigaw ng babae sa kanila at pumipiglas ulit.

"Sinabe nang sumama ka eh." sabi ng lalake at sasampalin na sana ang babae kaya napatayo kaming tatlo nila oliver at tutulungan ang babae pero may pumigil ng pagsampal ng lalake.

"Pag ayaw sumama wag ng pilitin." sabi ni reinally sa lalake. Yes siya yong pumigil sa pagsampal kaya sabay sabay kaming suminghap tatlo.

"Aba may isa pang chix dito ah." sabi nung isang manyak. Bale tatlo silang lalake na gumagawa ng gulo.

"You can go miss, This is a club don't wear a very small dress para hindi ka mabastos. Kung gusto mo ng atensyon. Magsuot ka ng gown tapos pumunta ka sa mall." malamig na sabi ni reinally, she's not sarcastic pero gano'n ang dating sa mga nakarinig.

"Bakit mo pinatakas yung chix!" bulyaw ng lalake kay reinally at sasampalin sana ang kapatid ko. Kaya sabay kaming napatayo ni timber, not my sister.

"Wag na kayong pumasok sa eksena." pagpigil samin ni camilla.

"Mapapahamak siya ro'n!" sabi ni timber kay camilla na hindi na mapakali at gustong gusto ng pumasok sa eksena.

"bala nga sinasalo nyan eh yan pa kaya."

May binubulong si camilla na hindi namin narinig. Wala na kaming nagawa kun'di panuorin si reinally dahil nakaharang pa rin si camilla.

"Wala kang pake." sabi ni reinally at sa gulat namin ay napatayo ulit kaming apat at this time ay kasama na namin si bleu na tumayo. Mabilis na nakakuha ng bote si reinally at hinampas sa ulo ang kausap niya pagkatapos ay malakas niyang sinipa ang isa habang hinataw niya ng upuan ang isa. Nakatayo pa yong sinipa niya kaya pinalo niya rin ng bote. This is brutal stunt dumating naman na ang mga bouncer at kinuha ang mga nanggulo kanina. Inaya na rin kami ni reinally na umuwi.

**************************
Nahahalata ko na ring parang small version ni veronica si reinally sa ugali hahahahaha. That "Kung gusto mo ng atensyon magsuot ka ng gown tapos pumunta ka sa mall".

Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon