EPILOGUE

1.6K 27 2
                                    

1 year later

"Babe tara na sa simbahan ando'n na sila mom at ang ibang ninang." sabi ni Janus sa asawa niyang si bleu. Ito ay naghihintay sa sala nila.

"Paki kuha naman ng gamit ni baby allyson." sabi ni bleu kay Janus habang buhat buhat nito ang
anak nila.

"Sige mauna na kayo sa kotse." sabi ni janus sa mag ina niya at umakyat sa kwarto nila para kunin ang gamit ng anak nila sabay punta sa kotse at umalis na sila.

Its been a year at naging maayos ang buhay ng lahat. Nakamove on na rin si ryou sa pagkamatay ng ate niya at gayundin si timber. Nanganak na rin si bleu at 3months old na ito, isang baby girl at pinangalanan nila itong allyson. Isa na rin si raven sa pinaka respetado at kinakatakutang agent sa SAS na gaya ni reinally.

"Happy christening, little allyson!" Bungad nilang lahat nang makauwi ang mag asawa, sila ang huling umuwi galing sa binyag.

"Thank you po." Masayang sagot ni margareth habang ikinakaway ang maliit na kamay ng anak niyang tuwang tuwa sa mga tao.

"Aasikasuhin ko muna ang mga bisita natin, janus." Paalam ng kanyang ina at saka umalis. Ang mga kaibigan naman nila ay inumpisahang laruin ang kanilang anak.

Nakangiti ang mag asawa habang nakatingin sa mga kaibigan nila na nilalaro ang kanilang anak.

"Mas masaya sana kung kasama natin si reinally." Sambit ni margareth sa asawa niya. Sana nga ay hindi totoong namatay si reinally ngunit nakita niya ito mismong mamatay.

"I know that she's already happy, seeing her nephew from above." Sabi ni janus sa asawa nito.

***
Dumating ang gabi at nagkakasiyahan na sila habang ang anak nila ay nasa magulang ni janus.

"Ready na ko magtago tuwing pasko." Biro ni oliver na naging sanhi ng tawanan nilang magkakaibigan.

"Para maipon ang utang mo sa inaanak mo." Natatawang ganti ni janus kaya nagtawanan ulit sila.

"Mas masaya sana kung nandito si reinally at kompleto tayo." Naiiling na sambit ni camilla, natahimik naman silang lahat at napatingin kay timber na nasa isang sulok at tahimik na umiinom ng alak.

"May balak ka pa bang bumalik sa trabaho mo?" Tanong bigla ni oliver sa kasintahan niya.

"Hindi na, alam ko namang ayaw mo." Nakangiting sambit ni camilla rito at mukha namang nakahinga ng maluwag si oliver.

"Mabuti naman, ayokong pati ikaw ay mawala pa." Sagot nito kay camilla at napailing naman ang mag asawa. Nagpaalam naman si janus sa asawa at pinuntahan si timber
para kausapin.

"Hey, man." Bungad ni janus at tinignan lang siya ni timber at nilagok ang alak na hawak.

"Why are you here? You should have fun." Sambit ni timber at tahimik na uminom. Tumabi naman sa kanya si janus at uminom din.

"Don't you think, it's time?" Tanong ni janus dito, maging siya rin kasi ay nahihirapan sa sitwasyon ng
kanyang kaibigan.

"Time for what bro?" Kunot noo nitong tanong pabalik at napabuntong hininga naman si janus.

"Time to move on, it's been a year. You need to accept and let my sister go." Nahihirapang sambit nito at nakita niya ang pagkuyom ng kamao ni timber sa ibabaw ng lamesa.

"It takes time, janus." Maiksing sagot ni timber kaya naman napabuntong hininga si janus at saka tinapik sa balikat ang kaibigan.

"I hope that you're now happy reinally. We're still in a burden. Malaking impact ang pagkamatay mo pero kailangan naming magpatuloy, may isa ka lang naiwan dito."

Sambit ni janus sa isip at bumalik sa pwesto nila ng asawa niya na nakikipagtawanan. Humalik ito sa noo ng asawa at nakipagkulitan
na rin sa mga kaibigan.

WAKAS

Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon