Chapter XXXI

955 16 0
                                    

Nasa sala silang tatlo habang si jaxx ay nasa kwarto nila ng asawa niya at nanunuod. Ayaw raw kasi nitong makisali sa girls bonding nila.

"Ate bleu look at this picture, Mom is pretty right?" sabi ni ryou at itinuro ang picture ni veronica ng ipinagbubuntis pa lamang nito si janus.

"Nothing change, you're still pretty tita veronica." manghang sabi ni marga habang pinag mamasdan ang litrato ni veronica.

"You know what ate bleu dating model si mommy sabi nila tita ashtine." sabi ni ryou. Si ashtine at jayshin ay parehong nasa ibang bansa dahil isa na sila sa mga sikat na artista. Ang mga magulang naman ni veronica ay nasa state na kasama ang magulang ni harvs.

"Really tita?" gulat na tanong ni marga sa nalaman, natatawa naman sila ryou sa gulat na reaksyon ni marga.

"Yes. Nagkaroon kami ng big misunderstanding ng daddy nila noon at pumunta ako ng ibang bansa habang buntis ako kay janus." paliwanag ni veronica at tumango naman si marga. Inilipat naman ni ryou sa sunod na picture at ang lumabas ay noong 4 years old si janus noong birthday niya.

"Ilang taon po si janus dito tita?" tanong ni marga habang nakatingin sa litrato ni janus at nasabi sa sariling ang gwapo nito mula noong bata.

"His 4 years old that time is his birthday." sabi ni veronica habang nakatingin din sa picture ng batang anak.

"You know what ate bleu. Sikat si kuya when he's in high school days pati sila kuya oliver lagi kasing umuuwi si kuya na may mga chocolates eh." pagkwekwento ni ryou kay marga na nakikinig lang pati si veronica.

"Masungit nga lang." sabi ni marga at natawa naman sila veronica rito dahil totoo ang sinasabe nito.

"Mana kay veronica ang ugali sakin ang mukha." sabat ni jaxx na kakababa lang mula sa kwarto.

"Woi lalake kung hindi lang ikaw ang ama ni janus hindi ka niya magiging kamukha." singhal ni veronica kay jaxx at natatawa naman si ryou.

"They're adorable right ate bleu?" nakangiting sabi ni ryou habang nakatingin sa magulang na nag aasaran.

"Yea, How'd they met?" tanong ni marga kay ryou at ikwinento naman nito ang storya ng mommy niya.

"Ate bleu this is our child photos. Look at this." sabi ni ryou at itinuro ang picture nilang tatlo na nasa garden sila.

"Is this reinally?" tanong ni marga habang nakaturo sa nakasimangot na batang si reinally.

"Yes that is the time na kinuha ni kuya janus yong xbox niya pero pinakialaman ni ate ally." natatawang kwento ni ryou tungkol sa garden at nagkwentuhan pa silang dalawa hanggang sa hindi nila namalayan ang oras at gabi na pala.

"Good evening son." bati ni jaxx sa anak kaya sabay napalingon si ryou at marga sa pinto. Doon nila nakita ang papasok na si janus.

"Good evening dad. Where is my fiance?" bati at tanong ni janus sa ama niya. Nakaramdam naman ng parang lumilipad sa tiyan niya si marga sa narinig na tawag sa kanya ni janus kahit palabas lang nila iyon.

"She's in the living room with ryou." sabi ni jaxx sa anak at pagkarinig ni janus nito ay agad siyang tumakbo kung nasaan sila ryou at tama ang hinala niya.

"What the hell?!" gulat na saan ni janus at agad kinuha ang photo album sa dalawa habang natatawa sila sa inaasta nito na parang nahihiya.

*******************************
Ehem margareth?! 😂

Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon