Chapter XLII

900 22 0
                                    

Pagkalapag ng eroplanong sinakyan ko ay may sumundo sakin na tauhan ng SAS at ihinatid ako patungo sa aking bahay. Walang alam sila mommy tungkol dito sa pagdating ko.

Pagkarating ko rito sa bahay ay nag ayos na ko ng gamit at nagpahinga sandali bago pumunta sa bahay nila mommy at daddy.

"Ma'am reinally!" Bati ng katulong namin na parang gulat na gulat. Parang tanga lang diba? Namatay ba ko para magulat siya.

"Sila mom?" tanong ko sa kanya habang papasok sa loob nakabuntot naman siya sa likod ko.

"Nasa sala po. Ando'n po silang lahat ma'am reinally magcecelebrate po ata dahil bukas na ang kasal nila miss bleu tsaka sir janus." sabi niya kaya tinanguan ko na lang siya at
nagtungo na sa sala.

"Ate ally!" Sigaw ni ryou nang makita ako kaya napalingon silang lahat sakin at mukhang mga gulat.

"Hoy babae! Bat di ka nagsabing dadating ka pala?!" eksaheradang tanong ng nag iisang baliw na si camilla kaya napa poker face na ko.

"Surprise?" sagot ko with my poker face look at napanguso naman ang isip bata. Lumapit ako sa kanila para humalik kay mom.

"Hanggang kailan ka rito anak?" tanong ni mom sakin pagkaupo ko
sa tabi niya.

"I'm on 1 month vacation." sagot ko sa kanya at nagpatuloy ang kwentuhan ng kung ano ano hanggang saka nagpaalam na sila isa isa.

Gabi na at andito ako sa graden nagpapahangin lang. Dito muna ako kela mommy hanggang sa matapos ang kasal nila janus at bleu.

"Hey." bati ng taong kadadating lang at sa boses pa lang kilala ko na. Si janus, umupo siya sa harap ko.

"Why are you still here? Where's bleu?" i asked him, napalingon din siya sa langit na tinitignan ko.

"She's resting, You know what? I want to thank you." sabi na sakin not eyeing to me.

"That is because?" takang tanong ko at tumingin sa kanya.

"Dahil sayo, nakilala ko si margareth." sabi niya napangiti naman ako ro'n.

"I want to punch you seriously, I just ask you to look over her hindi yong pakakasalan mo siya." sabi ko at napatawa naman siya ng mahina.

"We can't stop love." nakangiti niyang sabi sakin kaya napailing na lang ako.

"Congrats by the way." sabi ko sa kanya at niyakap naman niya ko bigla na siyang ikinagulat ko.

"Is this a group hug?Wah mommy! Daddy!" sigaw ng kapatid naming si ryou na kakapasok lang dito sa garden at biglang sumigaw kaya napapunta sila mommy rito.

"Ano? may sunog ba?" tanong ni daddy na kakapasok lang din. Oa talaga kahit kailan.

"Oa lang talaga yang anak niyo dad." sabi ni janus na napapailing
gayundin ako.

"Mommy, daddy group hug!" sigaw niya at lumapit silang tatlo sa amin, niyakap kami. How i wish na ganto pa rin pag natapos na ang mission ko. Nagkwentuhan pa kami saglit saka ako nagpaalam na matutulog na.

"Hello babe?" bungad ni raven pagkasagot ko sa tawag niya. Nakahiga na ko rito sa kama.

"Hey? It's already late there. Why are you still not sleeping?" tanong ko sa kanya. Halata namang inaantok na siya base sa boses.

"I want to hear your voice first." sabi niya at narinig ko pa ang
kanyang paghikab.

"You should rest now. I'm also going to sleep." sabi ko sa kanya at saglit siyang hindi nagsalita.

"Okay, Goodnight and take care there. I love you, always remember that." malambing niyang sabi at nasasaktan ako para sa kanya.

"Goodnight. I love you also." sabi ko sa kanya at ibinaba na ang phone.

Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon