Maxine's POV
"Ang taray. Bagay sayo ang contact lens mo!" Puring puri ni lance ang kulay golden brown kong mata. Simula kase nung bumalik kami dito ni Lucas sa mundo ng mga tao ay iyon na agad napansin ng mga kaklase ko sa akin. Bakit naman Hindi? Eh alam ko kasing big deal sa kanila ang biglang pag iiba ng kulay ng mata ko lalo at hindi naman kasi dating ganito ang kulay ng mata ko.
"Tigilan mo ako lance! Ito mang mata ko na lang lagi ang napapansin mo" natatawang saway ko sa kanya.
"Ang cute kasi. Tapos pansin ko rin na may nag iba sa iyo. Saan ka ba nagbakasyon at pagbalik mo ito at nag mukha kang diyosa?" May inggit sa boses na tanong nito
"Saan naman ako magbabakasyon? Alam mo namang wala akong pera pagdating sa mga ganyan" paiwas na tugon ko at niyuko ang librong binabasa ko. Sa tinagal tagal ng buwan ay ngayon ko lang ipinagpatuloy ang binabasa ko na Harry Potter.
"Aba Malay ko sayo. Akala mo ba hindi ko napapansin ang malalagkit ang palihim na tinignan ninyo ni sir Sebastiano" pabulong ngunit nakairap na wika niya.
"Anong sinasabi mo diyan" painosenting wika ko at exaggerated na kumunot ako ng noo para ipakitang Hindi ko alam ang tinutukoy niya
"Hwag mo akong tignan ng ganyan. Ikaw ah, nakakatampo ka" nagmamaktol na sita niya sa akin.
"Ano bang ginawa ko?" Natatawang napailing ako
"Hoy akala mo ha. Hindi ka man lang kaya nagpaalam sa akin nung biglang umalis ka. Naloloka ako nakahanap sayong bruha ka" naiimbyernang saad ni lance.
"Hindi halata" pang aalaska ko sa kanya. Lalong nagusot ang mukha niya at dinutdot ang pisngi ko. Namilog ang mata niya, Hindi pa siya nakontento at hinawakan ang mukha ko.
"Bakit para kang bangkay sa lamig? Jusko!!! Payag ka na ba? Baka naman nagpakita ka lang saakin para magpaalam" mangiyak ngiyak na sambit ni lance.
Nag salubong ang kilay ko at tinabig ang kamay niya. Malakas ko siyang binatukan at pinanlakihan ng mata.
"Nananaginip ka pa yata lance. May multi bang nahahawakan mo at binabatukan ka?" Singhal ko sa mukha niya
"Eh kase naman besh, ang lamig lamig na nga ng balat mo. Para ka pang bangkay sa pagkaputla. Pati kulay ng mata mo nag iba na rin. Sinong di mag iisip na multo ka" masama ang tingin na wika niya habang hinahaplos ang batok niya.
"Hindi ako multo okay? Ito ako buhay na buhay. Ingudngud kaya kita sa putikan at baka sakaling magising ka sa pagkakahimlay" sarkastikong turan ko
"Ang harsh mo ha, naging masungit ka na rin." Malungkot na bigkas niya. Pero ng biglang pinag ekis nito ang daliri at nag form ng cruz ay hindi ko alam kung matatawa o maiinsulto ako. Pikit na pilit kase ang mata niya at parang nagtataboy ng masamang espirito.
"Kung sino ka mang sumanib sa katawan ng kaibigan ko ay umalis ka na sa katawan niya. Kung ayaw mong ipa e-exorcise kita" parang baliw na usal nito.
Sa inis ko ay inihampas ko ang libro ng Harry Potter sa ulo niya. Nakasimangot na nagmulat ito ng mata at nilabian ako.
"Ang sungit mo talaga ngayon beshy, Hindi na ikaw ang prim and proper na kaibigan Kong si Maxine. Nilipad na talaga sa planet mars ang kaluluwa ng totoong kaibigan ko na si Maxine. Lord ibalik niyo po ang kaibigan kong si Maxine sa akin. Nagmamakaawa po ako sa inyo" madrama at madamdaming turan ni lance.
Sa inis ko ay nilayasan ko siya. Hindi naman kase siya tumitigil sa kakadakdak. Isa iyon sa napansin niyang kakaiba sa kanya. Dati ay nakokontrol niya ang sarili na hwag magalit o maging masungit. Naiiwasan ko ring maging cruel, brutal o inhuman, pero ngayon ay hindi ko na nakokontrol ang sarili ko. Iyon ang kinatatakutan ko. Ang makapanakit ng ibang Tao at para Hindi ko tuluyang masaktan ang nasa harap ko ay nilalayasan ko na sila bago pa man ako sasabog sa galit at baka makapatay pa ako.
Sa katunayan ay namimiss ko na ang dating ako. Ang carefree at mabait na si Maxine. Hinahanap ko minsan ang sarili ko noong normal pa ang takbo ng buhay ko. Nung wala akong pinoproblema kundi ang kakainin ko sa pang araw araw, kung saan kukuha ng pera para sa pang school ko. Ngunit ngayon ay malaki na ang pinag iba at pinagbago ng mundo ko. kumikilos at gumagalaw na ako na iniisip na hindi maka sakit ng kapwa ko. Ginagawa ko na rin ito na naayon sa mundong kinabibilangan ko ngayon. Bilang bagong panganak ng lahing bampira ay kailangan kong maging maingat sa lahat ng galaw ko. Kung Hindi ay ako ang hihila pabagsak sa lahi nina Lucas. At ayaw kong mangyari yun, gusto Kong tulungan si Lucas na maging karapat dapat na susunod na hari ng Havilland. Kahit ano pa ang kahahantungan nun. Gagawin ko lahat para kay Lucas at sa magiging bukas naming dalawa..
…………….
BINABASA MO ANG
The Lion's Eye book-2 (Maxine&Lucas)-(Completed)
VampirePrologue Pinili ni Maxine na manirahan sila ni Lucas sa mundo ng mga tao. Doon ay mabubuhay silang isang normal at ordinaryong tao. Sa paglipas ng panahon ay marami na ang nagbabago sa kalakaran ng mundo. Meron ding biglang sumulpot na ibang nilalan...