Maxine's POV
"So you are the legendary wife of mister golden blood?" Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ang boses ng isang babae. Ikiniling ko ang ulo at tinignan ang nagsalita. Isang boyish na babae ang nakatayo at nakasandal sa dingding ang nakita ko. May munting ngiti sa labi ng babae habang nakatingin sa akin. Tuluyan ko na siyang hinarap at pinasadahan siya ng tingin. I growled silently when I smelled her awful blood.
"And who are you dog?" Taas noong tanong ko at kinalma ang sarili ko. Hindi sa pambulikong lugar ko dapat ilabas ang pagiging bayolente ko. Lalo at wala namang ginagawang masama ang taong lobo na to.
"Malakas ang pang Amoy mo diwata"
"Sa Amoy mo pa lang ay alam ko na kung anong lahi ka kabilang" mabilis na sagot ko
Now I really think something is not good. I know something is going on. Kung bakit bigla na lang nagsi labasan ang ibang mga lahi.
"Ako si Berlin" pakilala ng babae at inilahad ang kamay. Napatingin ako doon bago bumalik uli sa mukha niya ang mata ko. Dahan dahan kong iniangat ang kamay ko at inabot ang nakalahad niyang kamay.
Kung napasinghap ang babae ay mas lalo ako dahil sa gulat dahil sa reaksyon ng katawan ko..
Parang apoy na nagliyab ang mata ko sa init at naging pula yun. Para akong nabingi sa mga naririnig kong ingay. May iyakan, sigawan at hinaing o kaya ay nagmamakaawang boses ng mga inosenting tao na lumitaw sa balintataw ko.
Disastrous!! Yun ang dala ng mga ibang lahi sa mundong to.
Nabitawan ko ang kamay niya at napaatras ng ilang hakbang. Para akong galing sa mahabang paglalakbay sa disyerto ng Egypt dahil sa nanunuyong lalamunan ko at mabilis Kong paghinga. Feeling ko ay pagod na pagod ako sa mga nakita ko, pakiramdam ko ay naglakbay ang kaluluwa ko sa taon na mangyayari ang nakakarimarim at nakakakilabot na pangyayari na nakita ko.
"Ngayon pa lang ay sinasabi ko na sayo. Bumalik na kayo sa lungga niyo. Hindi ko kayo hahayaan na gawin ninyo ang maitim niyong balak sa mundo ko" puno ng galit na wika ko. Kumislap ang mata ni Berlin. Umiling ang babae at ipinakita ang suot na kwentas
"Isa ako sa prinsisa ng aming lahi diwata. Ang biglaan kong pagtawid dito ay ilang makianib sa golden blood at sayo diwata. Hindi pa namin matukoy kung anong lahi ang nakasaad sa libro ng mga lobo na aataki sa mundong to" seryosong turan ni Berlin
"Hindi ko akalain na lumabas ang isang taong lobo at pumunta sa mundong to" sabay kaming napalingon sa nagsalita
"At nandito rin ang pusang kasing sangsang ng bulok na isda ang Amoy" nang uuyam na bigkas ni Berlin
"Pero katulad mo na kasing sangsang ng naaagnas na bangkay" ganti ni randy. Nalukot ang mukha ko sa pagpapalitan ng dalawa ng maaanghang na salita.
"Kung Hindi kayo tatahimik ay Hindi ako mangingimi at pareho ko kayong itapon sa pinanggalingan niyo" banta ni Lucas na bigla na lang sumulpot sa kung saan. Nakahalukipkip ito at masama ang tingin sa dalawa. Lumukso naman agad ang puso ko ng makita ang asawa ko.
Agad namutawi ang matamis na ngiti sa labi ni Lucas ng mapunta sa akin ang tingin niya. Umungol si Berlin na parang tutol sa matamis na pagpapalitan namin ng ngiti
"OK lovebirds! Knock it off!!!" Iritado pang asik ni Berlin. Tumikhim si Lucas at pinutol namin ang tinginan namin.
"Narinig ko na ang rason ni Berlin kung bakit siya nandito. Ikaw sir randy, anong dahilan ng pagpunta mo dito?" Binalingan ko si Randy na matalim ang tingin kay Berlin
"The same with her reason" sagot nito at inalis na ang tingin kay Berlin na parang kakainin ng buhay si Randy.
Lumapit si Lucas sa akin at pasempling hinawakan ang kamay ko. Tiningala ko siya at nagtatanong ang matang tinignan ko siya.
"Don't come home late. May sorpresa ako sayo" wika niya. Nakaramdam ako ng pagkasabik sa sinasabi nito. Pinisil niya ang pisngi ko bago binitawan ang kamay ko "see you tonight wifey" masuyong dugtong nito. Hinarap na nito si randy at hinila sa braso. Kinikilig na napasunod ang tingin ko sa dalawa.
"You are undeniably in love with your husband. I can see it in your eyes" she stated. Tumingin ako sa kanya. Nakangiwi ito na parang nakakadiri ang nasaksihan. Tinaasan ko siya ng kilay. "Kinikilabutan ako sa kasweetan niyo. Tumataas ang buntot ko" dugtong nito
Umarko ang kilay ko
"And I can see that you are allergic to love. Or are you allegedly hurt by someone?" Nakangising gagad ko sa kanya.
Nalukot ang mukha niya at maasim na ngumiti.
I knew it!! She's in despair.
……………
BINABASA MO ANG
The Lion's Eye book-2 (Maxine&Lucas)-(Completed)
VampirePrologue Pinili ni Maxine na manirahan sila ni Lucas sa mundo ng mga tao. Doon ay mabubuhay silang isang normal at ordinaryong tao. Sa paglipas ng panahon ay marami na ang nagbabago sa kalakaran ng mundo. Meron ding biglang sumulpot na ibang nilalan...