chapter 2

2K 61 1
                                    

Lucas's POV

Wala ang atensyon ko sa records ng mga styudante ko kundi naglalakbay iyon sa mga pangyayari kumakailan lang sa Havilland. Lalong lalo na ang pagbabago ni Maxine. Sa totoo lang ay natatakot ako sa mga kilos ni Maxine, halatang hindi pa rin niya gamay ang kilos at pamamaraan ng isang bampira. Kahit anong tinitimping pagpipigil nito sa sarili ay makikita at mapapansin mo na pinipilit nitong daluhungin ang mga nakakasalamuha at nakakausap nito. Naakit din ito sa bango ng dugo ng mga tao sa paligid niya. At ang labis Kong kinakatakutan ay baka hindi na makontrol ni Maxine ang sarili at baka madamay ang mga inosenting tao.

Sa katunayan, nung sinabi niyang bumalik kami dito sa mundo niya nag protesta agad ang katawan ko. Kaso hindi ko naman kayang hindian ang kagustuhan niyang mamuhay ng normal katulad ng dating kinasanayan niya. Masyado ko siyang mahal para ipagkait ko ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya. Alam ko sa sarili ko na pag may masamang gawin si Maxine ay hindi ako mangingiming gawin ko uli sa kanya ang ginawa ko sa Havilland. Atsaka kilala ko si Maxine, Hindi niya hahayaan ang sarili namakasakit siya ng mga inosenting mortal. Hindi siya makasarili, mas gugustuhin niyang mamatay kaysa maraming tao ang madadamay sa Hindi niya pagkontrol ng sarili niya. Bumuntong hininga ako

"Ang lalim nun ah, may problema ba?" Tanong ni Diego na lumapit sa akin.

"I'm afraid of what will Maxine do these coming days" mahinang tugon ko

"Kailangan niyang magsanay hír Lucas" bigkas niyo. Malakas ang loob namin na pag usapan ang ganitong bagay dahil kaming dalawa lang naman ang nandito sa faculty room. May klase na kase ang karamihan sa mga guro ng oras na to.

"Diego kung sasanayin ko man siya. Kailangan ko uling dalhin siya sa Havilland. Alam mong ang pagsasanay ng katawan ay kailangang isa gawa ng may buong hinahon, at kailangan niyang magsanay sa isang secluded na lugar. Sa isang isolated island kung pwede. Kailangan tong isagawa ng may pag ingat" mahabang litanya ko

"At Hindi mo siya magagawang sanayin dahil ayaw ni Maxine ang bumalik sa Havilland. Ms gusto niyang manirahan dito" pagkokompirma nito sa hindi ko maisatinig na nasa isipan ko.

"Yes! Ikaw kailan ka babalik ng Havilland para kamustahin ang kalagayan ni moira?" Tanong ko. Nagkalambong ang mukha nito ng banggitin ko ang pangalan ni Moira.

"I don't want to see her in that kind of state. Lalo lang akong nakakaramdam ng pangungulila ko sa kanya" malungkot na tugon nito

"If I could only help her. Kung may kakayahan lang akong gawin yun" naggigiyagis ang ngipin na turan ko. Naaalala ko naman kase uli ang nangyari noong sumugod ang grupo ng mga half blood sa Havilland at si Isidoro. Dahil kase sa pangyayari na yun ay muntik ng mawala ang katangi tanging babae na pinagbubuhusan ko ng pagmamahal at atensyon.

Nakakuyom din ang kamao ni Diego ng dumako ang mata ko sa kamay niya. Alam ko rin kase na ang nararamdaman ko ngayon ay nararamdaman din niya. Lalo pa at Hindi pa rin nagigising si Moira.

Naisip ko nga kung baka pwede siyang buhayin ni Maxine, ang problema lang ay may humalong dugo ko sa katawan niya. Hindi namin kayang irisk ang buhay ni Moira para lang subukan siyang buhayin ni Maxine.

Aware ang lahat na humalo ang dugo ko sa katawan niya at yun ang bumuhay sa kanya. Pati si ama na nagawang gisingin si Alex sa mahimbing na pagkakahimlay ay hindi niya magising ang sarili niyang anak. Kita ko nga ang sakit na bumalatay sa mukha ni ama ng hindi niya magawang gisingin si Moira. I can see defeat in his eyes,

Lahat kami ay ang hangarin ang magising ang nag iisang tagapangalaga ng inang halea. Siya lamang ang makakakita sa ano mang gusto ni inang halea. Nababagbag pa ang damdamin namin dahil walang kahit na sino ang makapag paliwanag kung bakit ang dugo ko ay magawang buhayin si Maxine na alam ng lahat ay namatay pagkatapos Kong patamaan ng palaso sa mismong dibdib niya. Kung tutuusin ay walang sino man ang makakatakas sa makamandag kong dugo na kahit ako ay sinusumpa ang pagiging golden blood ko noon dahil sa pagkamatay ni ina.

Ngunit ano at ang dugo ko rin ang bumuhay kay Maxine. Ang tanging makakasagot lang naman ay si Moira dahil siya ang nakakaalam sa propesiya o pangitain ni inang halea.

Sana lang ay gumising siya sa takdang panahon para ipaliwanag ang lahat ng to sa amin. Para maliwanagan kami kung ano ba talaga ang balak ni inang halea sa lahing bampira?

……………

The Lion's Eye book-2 (Maxine&Lucas)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon